Chapter 1

4.6K 114 16
                                    

"LASING ka nanaman." nailing siya na inalalayan ang binata na susuray-suray, napamura pa siya sa gulat ng muntik pa silang sabay nitong matumba. "Cloud naman ilang beses ka bang dapat paalalahanan?" naiiritang aniya dito ng tuluyan silang makapasok sa loob ng kanyang apartment.

Halos hindi siya magkandaugaga na inalalayan itong makahiga sa sofa. Nang maibagsak ang binata doon ay napabuga siya ng hangin na naipon mula sa dibdib niya.

Ang bigat.

Nagkamot siya sa ulo at nameywang para siyang nagaalaga ng bata. Kasisimula pa lamang niya sa trabaho bilang isang pediatric nurse kaninang umaga ng ito nanaman para siyang may aalagaang bata at aasikasuhin para gumaling agad.

She crossed her arms at pinakatitigan ito. Nakapikit ang mga mata ni Cloud, namumula ang mukha nito ng dahil sa kalasingan.

Lasenggo talaga!

"Rhian..." tawag nito sa pangalan ng kasintahan.

Napalabi siya dahil doon. Marahil ay may problema nanaman ito at ang girlfriend nitong si Rhian kaya naglasing nanaman, kung tutuusin ay wala naman ng bago dahil yon naman ang palaging hinaing sa kanya ng binata kapag nagpupunta ito sa apartment niya at siya naman itong todo rescue sa pagpayo kay Cloud na hindi naman nito sinusunod. Sige pa rin ang habol sa girlfriend nito.

Buwiset!

Matagal na silang magkaibigan at halos alam na nila ang baho ng isa't-isa. Kaya nga ng minsan na mahuli ng binata ang kasintahan nito na may kasamang ibang lalaki ay siya ang pinuntahan at sa kanya naglabas ng sama ng loob. Cloud also have friends at isa na doon si Dock Daomino na pinsan ng kaibigan niyang si Misha wala naman siyang kaibigan noon na lalaki na sobrang lapit sa kanya until Cloud Fabian saw her, wala siyang interes ngunit ang binata ang unang pumansin sa kanya noon. Minsan siyang naisama ni Misha sa opisina ni Dock noon ng isang beses nalaman nitong pinahiya nanaman si Christine sa reception area ng kumpanyang pagaari nito at saktong nandoon si Cloud at inawat ang dalawang magpinsan sa pagtatalo.

Ano nga bang aasahan niya kay Misha? War freak. Lalo itong napapaaway kapag involve silang magkakaibigan.

Cloud started talk to her that day ng mahimasmasan si Misha at Dock sa pagtatalo noon. Kahit non-sense ang pinagsasabi ng binata sa kanya ay pilit naman niyang pinakinggan at naaliw naman siya dito, nahihiya pa siya noon dito dahil first time niyang kausapin ng isang lalaki na para bang interesadong-interesado sa kanya. Hindi niya lubos maisip kung bakit nagkaroon nga ng interes sa kanya ito para kilalanin siya.

Noong una akala niya'y isa lamang siya sa mga babaeng pagttripan nito. Ngunit nagkamali siya. Cloud stay and he is her bestfriend now. Ito ang nagbigay ng label sa kanila na matalik na silang magkaibigan, kung tutuusin ay hindi naman niya kailangan ng lalaking kaibigan dahil busog naman na siya sa mga kaibigan lalo pa at masayang kasama ang lima niyang kaibigan na kahit hindi siya madalas sumama sa mga ito sa bonding ay hindi naman siya nakakalimutan pero hindi naman niya maintanggi sa sarili na magaan ang loob niya sa binata kahit na ba pulos kalokohan ang alam sasakan pa ng palabiro na minsan ay kinaiinisan niya hindi nga yata magawang magseryoso ng binata but she's enjoying his company.

Siya ang tipo ng taong hindi nagpapapansin sa lalaki at hindi kailan man naging approachable sa kahit sino unless ang mga ito ang unang kakausap sa kanya sa madaling salita-wala siyang pakielam sa paligid niya. But when Cloud came ay madalas parang gusto niyang magpapansin dito at siya lang ang maging sentro nito.

"Rhian..." halos bulong na iyon ng muling sabihin ni Cloud.

She sighed, nainis dahil muli nanaman nitong inungol ang pangalan ng nobya marahan na tinapik niya sa noo ito baka sakaling matauhan. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa lapag sa harapan ng binata, dumiretso siya sa kusina upang kumuha ng maliit na palangana para lagyan ng malamig na tubig, saglit din niyang tinungo ang kuwarto upang kumuha ng malinis na bimpo. Nang makabalik sa sofa kung saan nandoon ang binata ay dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak.

Cloud Fabian | Seducing Series 5 (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon