IPINIKIT ni Katrina ang mga mata at muli ding dumilat, gusto niyang sabunutan ang sarili. She was having a bad sleeping habit this past few days and that is not healthy for her.
Sumagi ang paningin niya sa bed side table para tingnan ang maliit niyang orasan.
3:27am! Anong oras na at dilat pa rin ang mga mata niya para siyang walang pasok kinabukasan.
She wanted to sleep but her body and mind doesn't cooperate. Ilang oras na lang ang magiging tulog niya. Kisame sa kuwarto niya ang nabungaran niya ng tumihaya siya ng higa. Wala siyang nagawa kundi ang bahagyang mag-unat ng katawan.
Kailangan niyang matulog pero hindi naman siya makaramdam ng antok.
Ang boring.
Ang boring ng buhay niya.
Matutulog, gigising, papasok sa trabaho. Ganoon ang routine niya sa araw-araw, nagiiba lang ang takbo ng daily routine niya kapag nakakasama siya sa mga kaibigan niya sa gala ng mga ito.
Sometimes she wants to be alone. Cooking pancakes and sleeping is her best time for herself, but now what? Hindi siya inaantok.
Pagod siya ngayong araw at dapat ay ramdam niya ang antukin, na mahilo sa antok at magkaroon ng masarap na tulog pero bigo naman ang katawan niyang maramdaman 'yon.
Ilan ang pasyente niya sa clinic kanina at hindi malabong magkaroon siya ng makukulit na batang pasyente.
Napangiti siya ng maalala ang trabaho niya. She hates working before. Kuntento siyang magluto ng pancakes at maghintay lang sa padalang pera ng magulang niya noon na nasa Australia.
Now she's a working woman and she's proud of herself. Tamad talaga siya noon dahil siya ang bunso sa kanilang apat na magkakapatid. Nasanay siya noon sa bangko de mama at bangko de ate niya.
She chuckled. Yeah, she missed her bangko de mama and bangko de ate. 'Yan ang tawag niya noon sa Mama at Ate niya na laging may pa-sustento sa kanya. Hindi siya nakakarinig ng sermon o sumbat dahil bunso siya at mahal siya ng mga ito.
Nang marealize niya sa sarili na hindi habang buhay na may maibibigay sa kanya ang mga ito ay nagdesisyon na siyang maghanap ng trabaho at wag ng umasa sa Nanay at kapatid niya. Masyado ng maraming tulong ang nagawa ng mga ito para sa kanya.
Pagiging masipag, masikap nalang para sa sarili niya ang kaya niyang ibalik sa mga ito. Hindi para sa ibang tao kundi para na rin sa sarili niya. Kapag nakabawi siya ng ipon sa pagtatrabaho hindi siya magdadalawang isip na magbukas ng negosyo.
A bake shop. I will make it happen.
Doble ang pagod niya sa trabaho kung minsan pero masasabi niyang masaya siya sa tinahak niya. Lalo na't nakakasalamuha niya ay ang iba't-ibang ugali ng mga batang chini-check up niya sa araw-araw.
Basta cute silang lahat!
Because of her tiredness everyday, she's lazy to move or hang out with her friends. Tamad siyang samahan ang mga kaibigan niya sa gala. Kung mapapayag man siya sapilitan pa.
Kahit naman kasi gusto niyang umalis minsan at alisin ang stress sa sistema niya ay mas mabuti sa kanya na manatili sa bahay at magpahinga nalang.
She was about to close her eyes and push herself to sleep when she heard the door bell rang outside her house.
Tamad siyang bumangon at pilit na umalis sa kama para silipin kung sino iyon. Hindi siya nakaramdam ng takot o anuman dahil baka si Misha lang 'yon o si Cloud. Wala naman kasing bumibisita sa bahay niya ng madaling araw bukod sa dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/49191598-288-k336253.jpg)
BINABASA MO ANG
Cloud Fabian | Seducing Series 5 (On-Going)
Romance(On-Going) Cloud Fabian as a lover and a friend-slash-innocent by the word called "Love" What kind of a joke is that? Did Katrina Mendez seduce this man? Find out! Highest Rank #2 Seducing (April 26, 2021) #1 Seducing (April 14, 2021) Book cover is...