Chapter 4

1.6K 73 18
                                    

HINDI mapigilan ni Miguel ang tumawa dahil sa naabutan. Cloud was snoring, lying on the sofa and she was frowning while looking at the guy who did touch and kiss her before he passed out.

Katrina after back to her senses. She immediately called Miguel to help her. Nang nakarating naman ito kanina ay ganon nalang ang gulat nito at maya-maya lang din ilang timba na ng pang-aasar ang inabot niya dahil sa wakas daw ay may relasyon na sila ni Cloud na itinanggi naman niya.

Natataranta pa siya kanina, akala niya kung ano ang nangyari kay Cloud. Nang marinig naman niya ang malakas nitong hilik ay na-realize niyang nakatulog ito dahil sa sobrang kalasingan.

Ngayon ay hindi niya alam paano paaalisin sa bahay niya ito kaya naman humingi na siya ng tulong. Pasalamat nalang talaga at pinanganak ang isang Miguel Tudao. Ang bait nito walang pagsidlan, kahit na ba sa alanganing oras ay talagang to the rescue ito. Akala niya hindi nito sasagutin ang tawag niya dahil madaling araw nang tawagan niya ito. Thank god, Miguel is a saviour.

Masama ang loob niya kay Cloud. Sobrang sama ng loob niya at ganon rin ang nararamdaman niya para sa sarili. Ang rupok niyang babae. Bakit nga ba niya hinayaan na halikan at hawakan siya nito?

I like him.

She bit her lower lip because she answered her own question. Yeah, I like him. A lot.

Kahit malinaw sa kanya na nagpunta lang si Cloud sa bahay niya para sabihin nitong gusto siyang galawin, hawakan ay hindi naman nawala ang pagka-gusto niya dito.

Lalo pa nga yatang lumala dahil sa ginawa nito kanina. Baliw na nga siya sa binata lalo naman siyang mababaliw ngayon.

She doesn't know how to stop him. Cloud's touches and kisses was a mind blowing.

Nawala ng panandalian ang katinuan niya sa halik at haplos nito kanina. Kung hindi pa niya naramdaman ang bigat ni Cloud sa ibabaw niya ay hindi rin talaga siya matatauhan.

Thank god, nothing happened. I don't want plain sex. I want make love.

Ipinilig niya ang ulo. Ano ba itong iniisip niya? Mas lalong hindi na normal ang tibok ng puso niya dahil sa nangyari. Kung dati kaya niyang tiisin ang kaba kapag malapit si Cloud sa kanya ngayon ay sigurado siyang magbabago na.

Hindi na niya nakikita si Cloud bilang matalik na kaibigan. Nakikita na niya ito ngayon bilang isang lalaki.

Lalaking gusto ko.

"Ano bang nangyari kasi?" Tanong ni Miguel. May ngiti pa rin ito sa labi ng sulyapan niya, malisosyo talaga ang isang ito.

Kalahating minuto ng nasa bahay niya si Miguel at kapwa sila nakatingin kay Cloud na mahimbing ang tulog sa sofa. Nag-suhestiyon si Miguel na ilipat ang binata sa kuwarto niya na hindi niya pinayagan.

Matapos ang nangyari sa pagitan nila ni Cloud kanina nahihiya siyang harapin ito kapag nagising. May bahagi naman sa isip niya na gusto niya itong sugurin at suntukin sa mukha para magising.

Nangigigil siya sa lalaking ito gusto niyang sermunan, pagalitan at sabihin na hindi tama ang ginawa nito pero natatakot naman siya na ibalik lang ni Cloud sa kanya ang lahat.

Tumugon siya. 'Yon ang pagkakamali na nagawa niya. Hindi man lang niya ito nagawang itulak.

Pagkakamali nga ba? Ang sarap naman kasi.

"Wala ba talagang nangyari sa inyo?"

Umiling siya sa tanong na iyon ni Miguel.

Tumango-tango ito. "Hindi ka man lang na-wet sa ginawa niyo?"

Cloud Fabian | Seducing Series 5 (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon