Chapter 5

969 53 11
                                    

"LET'S go for dinner or clubbing?"

Nahinto si Katrina sa pagaayos ng bag niya sa narinig tapos na ang trabaho nila sa clinic.

Konti lang ang naging pasyente nilang mga bata ngayong araw pero doble naman ang pagod na nararamdaman niya dahil sa ilang patient info's na kailangan nilang i-update.

"Alam kong stress na stress ang dalawa kong nurse. Kailangan kong bumawi biglaan ang uwi ko dapat dalawang linggo akong mawawala. Naisip ko na baka mahirapan kayo kung wala ako kaya ako nagmadaling bumalik."

Napalingon siya kay Dr. Jacob na malapad ang pagkakangiti sa kanilang dalawa ni Maribel ng sabihin iyon. Nagulat nga sila ng kinabukasan ay bumalik ito, hindi daw nito kaya ang mag-leave habang iniisip ang clinic at ang dalawang nurse na naiwan nito.

Tinanggal nito ang suot na doctor robe ipinatong sa sarili nitong office table at kinuha ang duffle bag. "Tara? My treat. Uuwi rin tayo agad. We just need to chill."

Si Maribel ay nangingiti sa narinig sa may ari ng clinic. Lumapit ito sa binata at ikinawit pa ang kamay sa braso nito.

Dr. Jacob felt tense when Maribel does that. Nangunot ang noo niya sa reaksyon na iyon ng Doktor. Nahiwagaan siya bigla sa boss nila at sa kasama niyang nurse.

He is Dr. Jacob Romualdez. Her boss. A pediatrician doctor. Ito ang may-ari ng clinic na pinagta-trabahuan niya ngayon malapit sa inuupahan niyang apartment. Si Maribel lang noon ang kaagapay nito na nurse sa clinic nito, kung hindi siya nagkakamali ay limang taon na si Maribel na nurse sa clinic at hindi pa rin naiisipang umalis.

Maraming branches ang clinic ni Dr. Jacob, kwento ni Maribel ang mga magulang ng binata ay isa sa may ari ng Romual's Hospital, isa sa malaking hospital sa pilipinas. Samantalang ang binata naman ay mas piniling magtayo ng ilang klinika para sa mga magiging pasyente nitong bata.

"Doc pogi! Gusto ko clubbing. Sasama ako. First time ko doon kung sakali. Dapat sexy 'no? Hahanap ako ng fafa doon! Twenty six years naman na akong tuyot, e. Okay siguro kung magsusuot ako ng dress para naman halata ang dede at pwet ko," sunod-sunod na ani Maribel na kinatikhim niya. Hindi nito napapansin ang amusement na nakita niya sa mga mata ni Dr. Jacob habang nakatingin kay Maribel.

Somethings fishy.

Dr. Jacob, also cleared his throat. "H-hindi naman kailangan na sexy ang suot, Bel. Okay na yang ang suot mo para hindi ka na umuwi. Huwag kayong lalayo sakin ni Katrina kapag nandoon na tayo maraming lalaki ang pwedeng magkainteres sa-sayo–sa inyo."

Maribel pout. "Boyfriend nga hanap ko, Doc pogi, e. Hiling na yan ng magulang ko tumatanda na daw sila. Baka nandoon na ang mapapangasawa ko. Tuloy ba tayo? Magpapaganda lang ako sa banyo!"

Napakamot ng kilay si Dr. Jacob, nangiti. "Parang ayoko ng mag clubbing."

Natawa rin siya. "May gusto ka kay Maribel, Doc?"

Umiwas ito ng tingin. "Manhid naman yan. Limang taon na akong nagpapapansin ayaw pa rin tamaan sa'kin."

Bago pa siya makapagsalita ilang segundo lumabas na ng banyo si Maribel at malapad ang ngiti. Lumapit ito sa kanya.

"Tara na, Katrina. Sumama ka! Baka malasing ako sa bar at magpa-turok ako kay Doc. Ibang turok, ah! Nakakabuo ng bata. Alam mo naman ang guwapo-guwapo niyan sa paningin ko," bulong nito at humagikgik. "May alam ka bang bar?" dugtong nito sa pinalakas na ang boses.

Marahan siyang tumango. "S-sa Duke's Bar."

Doon palaging umiinom si Cloud. Nandoon kaya siya?

Ipinilig niya ang ulo sa naisip. Kung nandoon man si Cloud, sigurado naman siyang hindi siya mapapansin nito. Kumpara sa kanya ay mas magaganda ang mga babaeng nandoon.

Cloud Fabian | Seducing Series 5 (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon