Chapter 2

3.5K 90 22
                                    

SHE sat on the sofa together with a plate of pancakes, inilapag niya iyon sa center table. Naramdaman niya ang pabagsak din na upo ni Christine sa tabi niya. Lukot ang mukha nito dahil sa sinabi niyang baka ipalamon na ito ng hinahangaan nitong si Dock Daomino sa taal volcano dahil hindi mapirmi at papansin ng papansin sa sinisinta nito.

"Paano kung yung paalala mo di ko sundin?" wika nito. "Hindi naman ako babae na may high school crush, pagmamahal na kaya 'tong nararamdaman ko."

She rolled her eyes. Linggo ngayon at gulat siyang nabungaran ito kanina, akala niya si Cloud dahil nagsabi ang binata sa kanya na baka dumaan ito sa bahay niya at maguusap sila hindi niya alam kung ano ang paguusapan nila ng binata o kung may dapat ba silang pagusapan dahil alam naman niyang normal silang walang napaguusapan ng binata na matino.

Hanggang ngayon hinihintay niya ngunit walang Cloud na dumarating. May palagay siyang tungkol nanaman sa nobya nito ang paguusapan nila. Bukod kasi sa bestfriend daw siya kuno nito ay isa rin siyang good advicer para rito kapag ang mga kaibigan daw kasi nito ang pinagkukuwentuhan na sila Dock patungkol sa nobya nitong si Rhian ay pulos kalokohan lang ang natatamo nito.

Maloko naman din kasi si Cloud kaya siguro hindi rin sineseryoso ng mga kaibigan nito. He is a jolly person na ang alam lang ata sa buhay ay mag-saya, magbiro. Iniisip nga niya baka wala ng pinagkaka-abalahan ang binata kaya happy go lucky na lang o talagang iyon na ang nakasanayan nitong routine sa buhay.

"Balik kaya ako sa office ni Dock? Tapos magpa-galaw na ako sa tingin mo ba pananagutan niya ako Tri?" maya-maya si Christine na tinapik-tapik pa siya sa balikat.

Ang kaibigan niyang ito hindi niya alam kung saan humuhugot ng lakas ng loob. Since high school ay puro si Dock ang nasa isip at bukam-bibig nito kulang nalang ay magpa-tattoo at mukha ni Dock ang ipa-pinta.

"Sabi naman ni Misha mag-pa-score na ako kay Dock. Masarap daw 'yon." dugtong pa nito at tumingala na biglang tila nangangarap.

Naiiling siya na kumagat sa pancake na hawak. "Iba na yan Christine, iba na yang tama mo kay Dock. Hindi na makatarungan para sa babaeng nagmamahal yan."

Sinulyapan siya nito at ngumuso. "Naghalikan nga kami kanina e, naramdaman ko may tumusok, tinigasan siya sakin!"

Pagkasabing iyon ni Christine sa kanya ay hindi pa man nadudurog ng husto ang pancake na nginunguya sa bibig niya ay nalunok na niya iyon ng buo.

"Yung bibig mo! Kasasama mo kay Misha," sabi niya dito. Sumakit ang lalamunan niya.

Tumawa ito. "Kidding! Di ko pa naman kaya ibigay, gusto ko pag binigay ko mahal na niya ako pero asar hindi daw niya ako papatulan"

"Noong high school nga wala kang napala e. Ngayon pa kaya kilala mo na ba angkan nila?"

Humalukipkip ito. "Oo naman 'no! Magpinsan sila ni Misha."

"Yon lang?"

"Oo, sila naman ang lagi kong nakikita kahit nung high school tayo naging classmate pa namin ni Czaira yang si Misha at makikilala ko naman ang magulang ni Dock once ikasal kami." wika nito muli itong tumingala sa kisame. "Hindi ko mahintay!"

Ilusyonada talaga ito. Siya naman ay hindi na naninibago sa asal nitong kaibigan niya pagdating sa usapin na pag-ibig lalo na pagdating sa napupusuan nito. Ibang klase nga magmahal itong kaibigan nila hindi nae-expired.

"Linggo ngayon bakit may operation ang company nila?" Pag-iiba niya ng usapan. May pakiramdam siyang wala pang alam itong kaibigan niya sa family background ng mga Daomino dinaig pa niya ito.

Pasalamat na lamang talaga siya at madaldal si Cloud at maraming kwento kapag kasama niya ang binata. At minsan ng nabanggit ng binata sa kanya na may mga kapatid si Dock at ang isa doon ay nakilala na niya isang beses na ihatid ng nagngangalang Devlin si Cloud sa bahay niya ng malasing at kahit ibang-iba ang nasabing ugali ng Devlin na iyon kay Cloud ay naiintindihan naman niya, ang mga ganoong tao ay malalim. At wala siyang panahon para pagtuunan ng pansin, naka-gaanan naman niya ng loob iyon kahit paano yon nga lang ay hindi niya kaya ang kasupladuhan. Masungit pa sa masungit, hindi na siya nagduda dahil ang kapatid non na si Dock ay may ugali rin talagang suplado at malamig sa tao kung hindi nito close, kung nagkataon na kapatid ng mga ito si Cloud ay iisipin niyang ampon.

Cloud Fabian | Seducing Series 5 (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon