[7] He Goes, She Goes

47 2 0
                                    

Chapter 7: He Goes, She Goes


SAMUEL

~🌹~

Kapag pinaglalaruan ka nga naman talaga ng tadhana, mapapa tangina ka na lang e

"Maupo ka dito Samuel, matagal na tayo hindi nagkita ah" nakangiting sabi sa'kin ni Hadley. Tumango ako at tila walang nagawa kaya sumunod na lamang ako at umupo sa bakanteng espasyo sa tabi nya.

"I didn't expect to see you here, niyaya lang kasi kami ni Quin dito sa bahay ni Keen. Akala ko mga kabanda lang nila ang nandito"

Hindi ako agad nakasagot dahil hindi ko mawari kung bakit tinatarantado ako ng kapalaran. Inimbitahan lang ako ni Clave na pumunta sa apartment ni Keen dahil akala ko mag iinuman kami o kaya naman ay maglalaro ng playstation, ganun lang naman kasi ang madalas namin gawin kapag nadadalo kami dito sa apartment ni Keen.

Ngunit sa hindi ko inaasahan na pagkakataon, narito rin pala mga kabanda nya pati na rin si Hadley. Akala ko hindi na kami muli magkikita dahil iniiwasan ko talaga na mangyari 'yun. Pero tangina hindi ko alam bakit lumalapit ako sakanya at talagang tumabi pa 'ko. Ang labo

"Nood tayo ng horror! Blair Witch oh" itinaas nung mga kabanda ni Keen yung dvd na Blair Witch ang title kaya naman inasar nila si Blair na mangkukulam. Nagsitawanan naman ang lahat dahil walang magawa si Blair sa pang aasar na natatanggap nya

"Mangkukulam ka pala Blair, hindi nakakapagtaka mukha ka naman tyanak!" pang aasar ni Hadley habang tumatawa ng malakas. Nagulat ako nang bigla syang lumingon sa'kin kaya napaiwas agada ko ng tingin. Shit, bakit ko ba sya tinititigan?

"Mahilig ka ba manood ng horror movies?" tanong nya sa akin, pinatay na nila yung ilaw dahil isinalang na nila yung papanoorin

"I'm not into movies" tipid kong sagot, hindi naman talaga ako mahilig manood ng mga pelikula. Wala akong oras para sa mga 'yan

"Oh, you must be a very busy person then" nakangiti nyang sabi sakin. Napatitig na lang ako sa screen ng T.V dahil wala naman ako masabi. Totoo na wala akong oras, dahil buong buhay ko, paghawak ng kutsilyo at baril ang kinamulatan ko.

I was fucking born to kill

Wala naman akong Karapatan sumaya

Sumisigaw sigaw sila Quin at Blair sa kanilang pinapanood ngunit nakatutok lang si Hadley sa panonood, parang wala ngang bakas ng takot sa mukha nya. Kakaiba rin sya e, hindi sya kagaya ng mga kaibigan nya na matatakutin pala.

"You must be a strong person" nagulat sya ng bigla akong magsalita kaya naman napalingon sya sa gawi ko, "Hindi ka kasi sumisigaw, hindi ka takot" sabi ko

"Ah, hindi naman kasi talaga nakakatakot mga 'yan. Mas nakakatakot pa nga yung mga tao e, kasi sila, kaya nila pumatay, kaya ka nilang saktan. E yang mga multo na 'yan, mapapagod ka lang kakasigaw at kakatakbo." Napangiti ako sa sinabi nya dahil tama naman sya, mas nakakatakot naman talaga ang mga tao, lalo na 'yung mga katulad ko na kriminal.

Hindi na muli sya nagsalita kaya hindi ko na sya kinausap at nag focus na lang sa pinapanood namin. Nang matapos ang palabas, nagsikainan naman ang lahat, um-order ng pizza at kung anu-ano pang pagkain yung mga kabanda ni Keen kaya naman inis na inis sya dahil wala naman pake sa mundo yung lalakeng 'to, mukhang hindi naman talaga sya interesado makipaghalubilo.

"Mauna na 'ko, may pupuntahan pa 'ko" pagpapaalam ko kela Clave at Keen, hindi ko naman kilala mga tao dito, ang alam ko lang may Jude at Jaze dahil sila palagi yung nababanggit na pangalan. Hindi ko rin naman close yung Quin at Blair. Ayoko rin makipag halubilo sakanila

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CatharsisWhere stories live. Discover now