[1] First

144 9 7
                                    

Chapter 1: First

~🌹~

"Sigurado ka ba na hindi nila tayo matutunton dito?" nag aalalang tanong ni Sara sa kanyang asawa na si Clint Ashford, isang makapangyarihang tao at kabilang sa isang illegal na grupo na nangangalang Sacrilegum.

"Ito na lang ang natatangi nating pag asa, kung matunton pa nila tayo dito ay handa akong makipagpatayan para sainyo ng anak natin." Bakas ang tapang sa boses ni Clint, halatado na determinado syang protektahan ang kanyang pamilya kahit pa buhay ang kapalit sa kabila ng lahat.

Nagsimula ang lahat nang sumanib si Clint sa isang organisasyon na kung saan ay isa sya sa mga namamalakad nito na kinabibilangan ng kanyang mga kasamahan na si Lucas at Orson. Isa itong illegal na kulto na kung saan ay gumagawa sila ng mga krimen gaya ng pagnanakaw sa mga malalaking kumpanya, pakikipagsunduan sa mga tao na nasa black market para kumita ng malaki, at pag benta ng mga illegal na droga. Ginawa nya ito para magkaroon ng malaking salapi at mabawi ang pagkabagsak ng kumpanya ng kanilang pamilya.

Hanggang sa isang araw, nakipagkasunduan si Lucas sa isang kulto na gumagawa ng mga karumaldumal na krimen. Pumapatay sila ng mga tao base sa utos ng kanilang kliyente. Buwan buwan ay nag aalay naman sila ng buhay ng isang babae para sakanilang sinasambang diyos. Ang diyos ng kasamaan at kadiliman. Naniniwala sila na sakanilang pag aalay ay mas lalong lumalakas ang kanilang kulto at kahit kailanman ay hindi ito mapapabagsak ng kahit sino man.

"Nahihibang ka na ba, Lucas? Human sacrifice? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? That shit is fucking immoral!" pag kontra ni Clint kay Lucas, tinignan sya nito ng seryoso at nilapitan

"Taking a life is costly, we could be rich, Clint! Richer than anyone in this world! We could be God!" sabi ni Lucas kay Clint. Napailing si Clint sa sinabi ng kanyang kasamahan at naisip na nahihibang na ito. Kahit kailan ay hindi sya magiging diyos. Kahit kalian ay hindi nya mapapantayan ang kaisa isang makapangyarihan sa lahat.

"You're insane. I'm out of this" tinalikuran ni Clint si Lucas at nagsimulang maglakad palayo ngunit napahinto sya nang marinig nya ang sinabi ni Lucas

"You can't turn your back from us, Clint. We made an agreement from the start, remember? There's no turning back, there's no way out. Unless, you want to pay the price" naramdaman nya ang paglapit nito sa kanyang likuran at bumulong sa kanyang kaliwang tenga "Unless you want to see the one you love dead" halos manghina ang kanyang tuhod sa narinig. Unang pumasok sa kanyang isipan ay ang kanyang kasintahan na si Sara. Wala syang nagawa kundi manatili sa kanilang kulto at masaksihan ang mga karumal dumal na krimen na ginagawa nila.

Hindi rin nagtagal ay nalaman nyang nagdadalang tao ang kanyang kasintahan na si Sara, doon sya mas lalong naging determinadong makatakas mula sakanilang kulto. Lumayo sila at bumyahe papuntang Canada at nakitira sa pinsan ni Sara.


Lumipas ang ilang taon at namuhay sila ng tahimik at mapayapa kasama ang kanilang anak na nangangalang Samuel. Ang kanilang pagasa sa kabila ng kasamaan ng nakaraan ng kanyang ama. 

Kahit na hindi ganun kaganda ang kanilang buhay ay ayos lang hanggat walang buhay na kapalit, hanggat masaya sila na sama sama. Ngunit isang araw, hindi rin nagtagal ang kanilang pamumuhay ng mapayapa, dahil gaya nga ng sabi ni Lucas, lahat ng bagay ang may kapalit at lahat ng bagay ay may kabayaran.

"Samuel, anak! Diyos ko, where have you been? We've been looking for you! We are so worried about you. What if something bad happens to you?" nag aalalang sabi ni Sara habang nakayakap sa kanyang pitong taon gulang na anak

"Someone gave this to me" inosenteng sagot ng batang Samuel, ini-abot nya ang papel sa kanyang ina. Nang Makita ito ni Sara ay nanlaki ang kanyang mata. Nakaramdam sya ng kaba at takot kaya naman hinawakan nya ang kamay ng kanyang anak at nagmadaling umuwi pabalik sakanilang tinitirhan.

Nakalagay sa papel ang simbolo ng kulto na kinabibilangan noon ng kanyang asawa na si Clint. Ang Sacrilegum

"Paano nila tayo natunton dito?" natatarantang sambit ni Clint habang nagmamadaling mag impake ng kanilang mga gamit

"Natatakot ako para sa anak natin" hinawakan ni Clint ang kamay ng kanyang asawa at hinalikan ito sa noo

"Isinusumpa ko, magkamatayan man kami. Hinding hindi ko hahayaan na mapahamak kayo ni Samuel"

Ngunit sa hindi nila inaasahan ay may nakamasid na sa labas ng kanilang tinitirhan. May mga hawak itong armas na maaring makakuha ng isang buhay ng tao. Nang makalabas sila mula sa kanilang bahay ay sinalubong sila ng isang grupo na nakamaskara ng pula. May isang lalaki na naglakad papunta sa kanila at huminto. Tinanggal nya ang kanyang maskara na ikinagulat naman ni Clint at Sara.

"Lucas" mariin na sabi ni Clint. Napangisi si Lucas at tumingin sa batang Samuel

"Mukhang namumuhay ata kayo ng maayos dito" sarkastikong sabi ni Lucas

"Anong kailangan mo? Lubayan mo kami ng pamilya ko! Ilang taon na ang lumipas, wala akong pinagsabihan na kahit sino, wala akong binulgar na kahit ano tungkol sainyo. Parang awa mo na, lubayan mo kami ng pamilya ko. Hayaan mo kaming mamuhay ng tahimik" pagmamakaawa ni Clint sa kanyang dating kasamahan na si Lucas.

Tumawa ng pagkalakas lakas si Lucas at tumingin ng masama kay Clint, isang tingin na may bahid ng poot at galit.

"I told you before, you need to pay the price!"

"Hindi na maganda ang ginagawa nyo, Lucas. Hindi ko maatim na makakitang kumukuha kayo ng buhay ng isang tao. Ibang usapan na ang pagpatay, Lucas!"

Hindi siya pinakinggan ni Lucas kaya naman pinadakip nya ang pamilyang Ashford papunta sakanilang lugar. Nagulat si Clint dahil mayroon na silang lugar na nakatayo sa Canada, malapit lang sa kanilang tinitirhan. Napaisip sya na posibleng natunton sila ng mga ito dahil nagkaroon na sila ng lugar dito sa Canada.

"From now on, you will pay the price, Clint. You will serve our Lord until death. Or else, your son will be the payment from your betrayal!" bakas ang lamig at galit sa boses ni Lucas nang sabihin nya ýun kay Clint. Naiyak na lamang si Sara habang yakap yakap ang kanyang anak, napa kuyom naman ng kamao si Clint habang nakayuko at iniisip kung gaano sya kawalang kwentang ama at asawa.

Kahit kailan ay hindi na sila muling nakatakas dahil sobrang laki at lakas ng kanyang kinabibilangan na kulto. Kaya naman wala na syang nagawa kundi sumunod sa mga utos ng kanilang pinuno na si Lucas.

Habang lumalaki si Samuel, nagiging normal na sakanya ang makakita ng bangkay ng ibang tao. Naging normal sakanya ang paghawak ng kutsilyo at baril. Naging normal sakanya ang lahat ng karumal dumal na pangyayari sa loob ng kulto ng kanyang ama.

Hanggang sa makapasok sya sa isang marangyang eskwelahan na kung saan sinusuportahan ito ng Sacrilegum. Doon nya nakilala sila Keen, Caleb at Clave. Doon nya nakita kung gaano kaganda ang mga buhay nito at kung ano ang normal sakanila; ang paghawak ng kotseng laruan imbes na kutsilyo at baril.

Nakipag kaibigan sya sa tatlong batang lalaki at nagsimula silang manipulahin. Si Samuel ang naging punot dulo ng kanilang pag aaway at pagbabangayan sa lahat ng oras. Nalulong sila sa samut-saring bisyo at namulat sa pakikipag basag ulo sa ibang mga grupo.

Hindi maatim ni Samuel na sya lang ang may miserableng buhay kaya naman dinamay nya ang kanyang mga kaibigan at pinaglaruan ang kanilang mga buhay, kahit pa maghirap sila at magdusa. Bumuo si Samuel ng kanilang grupo na pinangalanang Cypher na kung saan kinabilangan nila Caleb bilang Fourth, Clave ang Third, Keen ang Second, at si Samuel, ang pinaka punot dulo ng lahat bilang First.

CatharsisWhere stories live. Discover now