Lexi's Pov
"Anung ginagawa mo? Babaliw ka na ba?"
"Sshhh tara" kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng kwarto..
Dahan dahan kaming naglakad papunta sa elevator at pumunta kami sa pinaka taas na floor..
Iniwasan namin ang mga nurses na pagala gala sa daan at nakarating naman kami sa taas ng hindi nakikita o nasisita...
Hanggang ngayon hawak niya pa rin ang mga kamay ko..
Mainit..
Iba sa pakiramdam..
"Baliw kana.."
Bulong ko..
"Haha siguro nga"
Napakunot ang noo ko..
"Ang boring kaya dun!"
Natawa ako sa sinabi niya..
Tumawa din siya..
"Tara?"
"Saan?" Tanong ko,
Kinuha niya ulit ang kamay ko tsaka nag umpisang maglakad..Nilibot namin ang ospital..
"Sh*t "
Napatingin ako sakaniya nang sambitin niya yun..
"Sshhh baka marinig tayo"
Napatingin ako sa nginuso niya at nakita ko yung morgue..
"Naiisip mo ba ang naiisip ko?"
He grinned
"Hahaha tara tara!"
Yaya ko, nauna akong pumasok dun..
Mejo creepy kasi wala ka na talagang makikitang tao sa hallway, at dito sa morgue naman napakadilim..
Dahan dahan kaming pumasok sa loob..
Ang daming mga patay sa loob
EH KASI NGA MORGUE 😑
"Cool"
Rinig kong usal niya..
Inilibot ko ang paningin ko..
At nakita ko siyang tinititigan ang bangkay ng isang babae..
"Baka mainlove ka jan haha"
"Tsk baliw ka ba?"
Napailing ako sa inasal niya..
Napatingin ako sa dalawang bangkay na magkadikit..
Ibinaba ko ang kumot para makita iyon..
Isang babae at lalaki..
Parehas sila ng suot na singsing..
Mag asawa...
Nakaramdam ako ng lungkot..
"Huy"
Napatingin ako kay Jc, nasa tabi ko na pala siya nang hindi ko namamalayan..
"Tignan mo"
"Mag asawa?"
"Oo"
"Sayang.. masaya kaya sila?"
"Hindi ko alam, siguro oo kasi magkasama sila, pwede ring hindi..."
Napatingin ako sakaniya
"Bakit?"
"Syempre katulad ko mas magiging masaya ako kapag buhay ang taong mahal ko, malamang ganun din yung lalaki, kaso patay na yung taong mahal niya"
"Oo nga..."
"Lexi !"
Napatingin ako sa pinto, may nurse na paparating
Hinila ako ni JC papunta sa isang bakanteng higaan at humiga kaming dalawa dun tsaka nagtalukbong ng kumot..
Pigil ang hininga kong pinakiramdaman ang lahat..
Una.
Kasi katabi ko siya
Kung wala lang ang suot niyang mask at helmet pang medikal siguro mahahalikan ko na siya..
Pangalawa yung nurse..
Ramdam kong umiikot ikot siya sa mga pasyenteng namatay..
Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan ng umalis ang nurse na yun.
"Muntik na tayo dun ah"
Tumayo ako, at huminga ng malalim.
"Tara na kaya?" Yaya ko sakaniya..
"Lexi?"
"Hmmm???"
"Gawin ulit natin to bukas?"
"Hahaha oo na! Tumayo kana jan, dahil kapag nahuli tayo dito patay tayo! Baka magkahiwalay na tayo ng hospital sa susunod"
"Hindi ako papayag nuh"
Tumayo siya at nagsimulang ayusin ang sarili..
"Bakit naman?"
Matagal siya bago sumagot..
"Syempre ikaw na nga lang kasundo ko dito tsk tara na nga"
Hinila niya ko palabas ng morgue at bumalik na kami sa kanya kanyang room..
BINABASA MO ANG
My COVID lover
RomanceShort story lang ang gagawin ko, so eto dahil sa naka enhance community quarantined tayo, the idea came up. Hindi nanaman ako makakatulog nang hindi ko magagawan ng story to. 🤣 This story inspired by 5 feet apart, ewan ko habang ginagawa ko to, si...