Chapter 2

6 0 0
                                    

Lexi's POv

Titig na titig ako sa mga nurses at doctors na balot na balot sa kanilang suot na kung anu mang pang safety churvaness..

Feeling ko talaga ketong tong sakit ko eh! Jusko! Ganto pala kapag naquarantine?!

Alinsunod ang lahat sa social distancing..

Sa isang kwarto, dalawa kaming na quarantine dito,

Actually ako yung nauna..

Tapos maya maya dumating nalang tong isang to..

Nakatitig ako sakaniya habang nakaupo sa kama..

Balot na balot din kami tulad ng mga nurses at doctors dito..

Inoorient siya nang nurse kung anu ano ang mga rules dito katulad din nang ginawa nila saakin kanina..

After nun umalis ang nurse at iniwan kaming dalawa..

"Quarantine ka din?"
Tanong ko sakaniya at tumama ang paningin niya saakin..

Hindi ko mabasa ang nasa isip niya dahil hindi ko naman gaanong makita ang mukha niya dahil sa mask na suot at kung anu ano pang protective gears.. tinatawag nila itong PPE o personal protective Equipment

Pero nakita kong kumunot ang noo niya...

"Obviously? Yes"

"Taray englishero"

"Tsk"

Pumasok ang nurse at kinuha ang mga gamit namin pati ang cellphone..

"No no not that ! "

Sigaw nung lalaki.

"Nurse baka naman pwedeng iwan nalang yan? Mababaliw ho kami dito e" pakiusap ko sa nurse

"Pasensya na po inutos lng saakin, kailangan niyo po kasing magpahinga at bawal po kasi ang phone dito sa area"

"Fishtea seryoso?"

"I hate this place!" Napatingin ako sa lalaki..

"Calm down okay?"pakiusap ko sakaniya

Umalis na ang nurse at iniwan kami..

"Sinabi ko bang kausapin mo ko ha?"

"Aba nag tatagalog ka pala, dapat kanina pa"

"Tsk"

"May idea ka ba kung nasaan tayo?"

"Quezon city i guess.."

"Hmm.. taga saan ka?"

"From new york"

"Bakit ka andito?"

"Quarantine"

"I mean sa pilipinas"

"I came para sa taong mahal ko"

"Ah may jowa.."

Ekis to

Ekis..

"What's jowa?"
May pagkasupladong tanong niya..

"Girlfriend.. is she your girlfriend?"

"Ex"

"Woah so pumunta ka dito dahil sa ex mong mahal mo pa?"

"I went here kasi akala ko may jowa ako dito"

"Oh.. so wala na kayo? "

"Bakit ang daldal mo?"

"Baka kasi may choice ako?? Ayokong mamatay sa pagkaburyong"

"I saw her with the other guy"

Nakuu kawawa naman pala ang lolo niyo

"I saw her kissing the guy"

Natutunugan ko ang lungkot sa pagkakasabi niya..

"Sorry"

"You dont have to"

Natahimik kami sandali..

"You? Where you came from?"

" Ah sa Tarlac"

" As if i know that place HAHA"

" Oo nga nag tanong kapa haha.. "

"Sorry kung nasungitan kita kanina, mainit lang ulo ko"

"Its okay haha, hindi ko kasi alam na bh ka"

"Bh?"

"Yep. Broken hearted"

"Hmm"

"Buti ako, wala akong problema sa mga ganyan ganyan ! HAHAHAHA"

humiga ako sa kama at tumingala sa taas..

"Why?"

" Kasi wala naman akong jowa"

"Ofcourse you don't have a girlfriend"

"I dont have a boyfriend"
Pagdidiin ko

"Why? Haha pangit ka siguro"

"Kapal ng mukha neto, gwapo ka ha? Gwapo?"

"Gusto mo makita mukha ko? Maraming nahuhumaling dito"

Sabay kindat niya..

Err

Ang hot nun..

Shemay stop that lex !

"Kaya pala pinagpalit ka ng jowa mo--- "

Napatahimik siya sa sinabi ko kaya

"Sorry"

"Its okay . Alam ko naman na malaki ang sinayang niya"

"Woah taas ng confidence! I like that !"

"Or you like me? Haha"

"HUWAWWWWWW dahan dahan sa confidence masakit yan kapag binusted kita"

"Dont worry i dont have a plan naman para ligawan ka"

"Tsk if i know maglalaway ka din kapag nakita moko nuh" bulong ko ngunit bigo akong itago sakaniya...

"No way.."

"Hahahahaha"

"Im Cloud by the way, Jason Cloud Jc for short" nagulat ako ng dahan dahan siyang lumapit saakin at inilahad kamay..

Tumingin muna ako sa labas ng pinto para icheck kung may makakakita

"Bawal ata ii"

"Wala namang makakakita e, isa pa hindi pa tayo positive"

Inabot ko ang kamay niya..

Damang dama ko ang init ng palad niya nang abutin ko yun at sabay kaming napatalon ng bahagya nang may maramdaman akong kuryente na dumaloy sa kamay ko...

Spark..

"Naramdaman mo yun?"

"Yes.. spark hahaha cool"

Bahagya kong nakita ng malaput ang mga mata niya..

Makapal ang kilay pero nasa ayos.

Itin na itim na pilik mata at nangungusap na mga mata..

Para akong hinihigop ng mga ito .

My COVID loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon