Chapter 3

3 0 0
                                    

LEXI'S POV
"Lexi,.  Lexi Joy Costales "

Ayun hanggang sa nagkasundo kami ,

Mga ilang araw na rin kami dito sa hospital at marami na kaming napag usapan..

Masaya siyang kausap

Hindi naman pala siya ganun kasuplado

Hahaha

Actually

Ang cute niya


Kahit hindi ko masyadong makita ang mukha niya..

Nakikita ko sa personality niya na mabait siya.

Makulit

May pag ka abnormal haha


Bakit kaya pinakawalan siya ng girlfriend niya?

Sayang...


Sinayang niya ang nilalang na to..


"Hoy ang sabi ko, anu yung sinasabi mong list?"

"H-ha? Ah oo yung list HAHAHA
Ganito kasi yun.. una gusto ko makasama yung taong mahal ko sa beach ganyan tapos hihintayin namin yung sunset"

"Oh tapos?"

"Gusto ko ding mag sky diving! Or mag snorkeling? Owemjii ! Tapos mag zip line tapos sumakay ng kabayo ganun! Mag mountain climbing! O diba? Ang saya kaya nun?"

"Bakit? Marunong kang mangabayo?"

"Hindi."

"Ayaaan ang galing"

Tinuktukan niya ko sa noo dahilan para masapo ko ang noo ko

Nagpout ako tsaka masama siyang tinignan

"Hoy! Sakit nun ah ! Bakit ikaw marunong ka ba ha? Ha? Ang yabang mo"

"Tsk wag ka ngang mag pout para kang itik.. oo naman! Marunong ako! Gusto mo samahan pa kita e"

"Bakit? Jowa kita ha? Jowa?"

"Ayaw mo ba?"

"H-ha?"

"Tsk wala. Ang sabi ko, tuturuan kita bago ka magjowa mamaya niyan masira mo pa moment niyo di ka naman pala marunong mangabayo "

"Sana nga eh ikaw nalang"

"Ano yun?"

"Sabi ko sana ikaw nalang!"

"Jowa mo?"

"Hindi, yung kabayo ! Para mahampas hampas kita ganun!"

"Excuse me nahiya ang pogi kong pagkatao"

"Wow"

"Ikaw ha"

Parang nang aasar na sambit niya

Anu nanaman kayang naiisip nito

"Ano?!"


"Ikaw ha HAHAHAHAHA"

"baliw ka?"

"Gusto mo pala akong sakyan, bakit hindi mo sinasabi? HAHAHAHAHA"


"Bwisit ka, alam mo? And dumi ng utak mo! LUMAYAS KA NGA SA HARAP KO !"

"Eh bat namumula ka?"

"Mainit eh!"

Napalingon kaming pareho ng pumasok ang doctor, tumayo agad kami mula sa sahig at pumunta sa aming higaan..

"Ilang beses ko bang sasabihin sainyo na hindi kayo pwedeng magtabi? Ms costales?! Mr. Adam?!  Alam niyo ba na pwede kayong magkahawaan?"

"Doc hindi pa naman po kami positive"

"Oo hindi nga mr. Adam, pero paano kung isa sainyo positive? Tapos mahahawa nalang ang isa?"

"Doc---"

"Stop complainings ms. costales, nurse joy, paghiwalayin sila ng kwarto"

"No doc .."

"Yes mr. Adam?"

Napatingin ako kay Jc

Ayoko..

Ayokong mapalayo sakaniya..


"Ms. Costales.."

Tumingin na rin saakin si Jc..

Pero iginuide na ako ng mga nurse sa ibang room kung saan isang babae ang ka room ko

"Nakakaasar"

"Sinabi mo pa"

Napatingin ako sa babae .

"Hi im ellaine you are?"
"Im Lj, Lexi joy Costales, just Lj"

At ngumiti siya...

Nginitian ko din siya.

Humiga ako sa kama,
Napatingala ako sa taas..

"I miss you"

Bulong ko..

Napapikit ako at hindi na namalayang nakatulog..

Mamaya maya pa'y nagising ako sa katok..

Napatingin ako sa orasan 11 pm na pala nang gabi,

Tulog na si ellaine..

Binuksan ko ang pinto at hindi ako makapaniwala sa nakita ko..


"Jc?"

My COVID loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon