Chapter 1

1.2K 32 7
                                    

Noon, may mga confused…

          IPINIKIT ni Sam ang mga mata at nakinig sa kantang pumapailanlang sa loob ng Drag, ang costume rental shop na pag-aari ng Popsy niya. The song was Thunder Struck by AC/DC---isang lumang banda na okay lang dahil at twenty years old, deep inside, alam niyang lumang din tao siya. And for a while there, she could almost taste classic rock in her tongue. Electrifying.

          She always thought that classic rock was God’s version of everything amazing. Parang ice cream kapag summer, makapal na kumot kapag bumabagyo, ulap na humahalik sa langit at paulit-ulit na sunset. The music was alive. It made her bones tingle, her skin warm, her heart sing and her soul dance. This was her happy place.

          Sa opinyon niya, lahat ay kailangan ng happy place. Library for geeks. Kanto para sa mga tambay. Closet para sa bading. Pader para sa butiki. For her, it was in Drag, listening to classic rock. As groovy as her parents. As timeless as the moon. As magnificent as magic.

         Natigil lang ang pagsa-sound trip niya ng may marinig siyang bumukas na pinto at marinig ang boses ng bestfriend niya since forever----si Daniel San Victores Jr. D for short.

         “Wow! AC/DC,” narinig niyang bulalas nito. “Electrifying.” Sometimes, even as bestfriends, it’s eerie how they would think about the exact same things kahit magkaiba sila ng personalidad.

         Pagdilat niya ay nasa harap niya na si D. All six feet and two inches of him. Tall and lean. Tsinito ang mga mata nitong parang nakangiti na by default. Maya’t-maya na ginulo-gulo ng isang kamay nito ang dati nang magulong buhok. D’s hair had always been messy but he makes it messier because he knew it looked good. Para din lahat ng babaeng may tamang landi sa katawan, gustong suklayin ng kamay ang buhok nito. Even with his broken nose---courtesy of a basketball accident---D was still movie-star handsome.

         Sa opinyon niya, unless artista, walang tao dapat ang ganoon kaguwapo. Ang OA.
 
         “Anong ginagawa mo dito?” Ang alam niya ay may date ito kasama ang isang babaeng nakilala daw nito sa liga. Nakalimutan niya na ang pangalan. Sa dami ng babaeng nai-involve sa bestfriend niya, mas madali pang mag-memorize ng pangalan ng lahat ng congressman.

          “Mas gusto kong pakinggan ang AC/DC kaysa makipag-date.”
          
          "Ganoon kasama ng date?”

          “Hindi.” Tumawa ito. Lalong naningkit ang mga mata. “Ganoon lang kagaling ang AC/DC.”

          “Bad breath ‘yong ka-date mo?”

           Umiling ito. “May boyfriend na pala.”

          Ah. Malanding nilalang. In all fairness dito, kahit lapitin ng babae, may rule ito na hindi pumapatol sa may sabit. Ang babae nga ang alam niyang nagyaya kay D na makipag-date. Sabagay, kahit sinong matimtiman, lalabas yata talaga ng landi sa katawan dahil dito. May ganoon itong epekto sa mga kababaihan.

          One day, may makakadiskubre kung ano iyon at gagawan ng liquid version para i-manufacture. Bibilhin at iinumin lang ng lahat ng lalakeng gustong maging katulad ni D at mare-resolve na ang dilemma ng Average Joes. Mayroon nang sex appeal na mabibili sa mga suking tindahan.

          Noon siya may napansin sa labas ng display window na nasa likuran ni D, isang babaeng noon lang niya nakita. Petite at mestiza. Ang pinaka-remarkable sa itsura nito ay ang bangs na halos umabot na sa kalahatian ng mukha. Parang bangs na naging tao. She was cute though. Nang magtama ang mga mata nila ay itinuro nito si D.

          "May gusto yatang kumausap sa’yo.” Inginuso niya ang babae na nilingon naman nito. May sinenyas ang babae, parang pinapalabas si D.

How Do I Love D?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon