PAGPASOK ni D sa Drag ay agad na hinanap ng mga mata niya si Sam. Wala ito sa counter at sa halip ay si Popsy ang nandoon, may kausap na babaeng chubby, customer yata.“D!” Agad itong ngumiti nang makita siya. “Ikaw, ha? Bigla ka na lang nawala sa birthday ni Lila kahapon.”
He muttered an apology pero hindi na siya nag-imbento ng excuse, ayaw niyang magsinungaling kay Popsy. Sa ginawa niya kagabi kay Sam, ang laki na ang kasalanan niya dito.
“Hinahanap mo ba si---o, ‘eto na pala si Sam.”
Mula sa likuran nito ay nakita niyang lumitaw ang bestfriend niya. Bestfriend, what an odd word. Pagkatapos ng naganap kagabi, ano pa bang ituturing nila sa isa’t-isa? One thing is for sure, he can’t pretend she was a chair anymore. A guy doesn’t make love with a chair.
Last night, Sam stopped being a chair and started being a woman.
Alam niyang kailangan nilang mag-usap. Yayain niya na sanang umalis si Sam kung lang nagsalita muli si Popsy na tila nakatunog. “Bago kayo umalis, tapusin mo muna ang paglilinis, Sam. Maalikabok na ang mga istante. Makalat sa stockroom.”
“Tutulong po ako.” Kinuha niya ang isang basahang nakita sa gilid. Ganoon din ang ginawa ni Sam.
They started cleaning in silence. Ang tanging mga tinig lang na maririnig sa loob ng Drag ay ang mga boses ni Popsy at ng customer.Nagtsi-tsismisan ang mga ito tungkol sa kung sinong bagong kasal.
“…’yon na nga, busy sa honeymoon ang dalawa. Alam mo na, newly weds. Hindi maiistorbo ang mga ‘yon.” Popsy was saying.
“Wala nang mas intense pa sa sex ng bagong mag-asawa.” Narinig niyang deklara ng customer.
“Meron,” kontra ni Popsy. “Sex ng hindi mag-sawa. Lalong bawal, lalong masarap.” Ang lakas lang ng halakhakan ng dalawa.
Paglingon niya kay Sam na ilang hakbang lang ang layo sa kanya ay nakita niyang bahagyang namumula ang mga tenga nito. He knew. It was torture for both of them to stay in that room, listening to other people talk about sex. Sweet torture.
Nakita niyang iniwan ni Sam ang nililinis at pumasok ito ng stockroom. Agad siyang sumunod dito dahil pagkakataon na nila iyon para magsarili at makapag-usap. Kagabi ay kinailangan niyang umalis kaagad dahil biglang dumating si Will na may dinaanan pa matapos nilang mag-inuman. He used the backdoor, hindi siya nito nakita. Tanging si Sam lamang ang naabutan nito sa Drag.“Sam,” Inabot niya ang kamay nito at ipinihit paharap sa kanya. Ang dami niyang gustong sabihin at itanong pero nang humarap na sa kanya si Sam ay naglaho ang mga iyon. He simply kissed her.
He heard her gasp. Hindi nito inaasahan ang halik niya. Siya man ay hindi inaasahan iyon. Sam’s lips was addicting. Iyon tipong kapag natikman na, mahirap nang tigilan pa. And kissing her was like protocol, he cannot not do it.Akala niya dahil mag-bestfriend sila ay alam niya na lang lahat ng puwedeng malaman tungkol sa mga labi ni Sam. Napanood niya na iyong tumawa, ngumiti, sumimangot, ngumiwi. How wrong he was. Until then, he didn’t know her lips tasted like paradise. He didn’t know it would feel right, him kissing her when his father was just outside. Tama si Popsy, lalong bawal, lalong masarap. Nilubayan lang ng labi nila ang isa’t-isa nang kailangan na nilang sumagap ng hangin.
“Anong nangyayari sa atin, D?” tanong nito sa kanya, parang umaasang alam niya ang sagot.
Hindi siya nakasagot dahil tinawag na sila ni Popsy para lumabas, tapusin na daw nila ang paglilinis. Ang hindi nito alam, sa loob, may iba silang sinisimulan ni Sam.
It was as clear as day. Gusto niya si Sam.
**********
PAKIRAMDAM ni Sam, ang mga nangyayari sa buhay niya mula kagabi ay parang pangyayari sa buhay ng ibang tao. Like she was watching a movie and there was this stupid character named Sam who found herself falling for this gorgeous character named D who was also her bestfriend. She’s rooting for the Sam-charcter and she hates her at the same time. Isinadlak nito ang sarili sa komplikadong mundong parang hindi nito kayang i-handle. Ni hindi niya alam ang lagay niya kay D.
She was his bestfriend. Until she wasn’t.
Sa buong maghapong iyon matapos siya niyong puntahan sa Drag ay hindi na sila nakapag-usap pa nito. Sinundo kasi ito ng ama. No messages, no phone calls. Mukhang gusto nilang ituloy pareho ang usapan in person.
It was past nine o’clock when she finally went to bed, resigned na sa ideyang malamang na bukas na sila makapag-usap sa personal. Pero noon naman siya nakarinig ng kakaibang tunog mula sa labas ng bintana.
Bumangon siya at nagulat nang makitang si D ang nasa labas niyon. Nakatuntong ito sa isang sanga ng puno. Umuuga iyon ng bahagya.
Binuksan niya ang bintana. “Anong ginagawa mo diyan?”“Tumabi ka muna. Papasok ako.”
Tumabi naman siya. Mas takot na malaglag si D sa puno kaysa mahuli sila ng mga magulang na nasa loob ng silid niya. Ito na ang nagsara ng binatanang pinaggalingan.
He grinned at her, “Hello.”
“Hello ka diyan. Siraulo ka.” Mahina lang ang boses niya. Nasa kabilang silid lang ang kuwarto nila Momsy. “Puwede naman tayong mag-usap bukas."
Hinigit nito ang kamay niya at dinala siya sa kama. Ang kamay nito sa kamay niya, parang dalawang bahagi ng isang kabuuan. Perfect fit. He tucked her into bed then he slid under the comforter with her. His body was everything warm and nice.
Pero kahit katabi niya na ito ay parang hindi pa rin siya makapaniwala. Nasa silid niya ba talaga si D at katabi niya sa kama? Para kasing hindi totoo.Pinisil niya ang kamay nito at pumihit. “Kurutin mo nga ko.”
“Kiss na lang.” And he kissed her cheek. The kiss was real. So real that it made her skin tingle.
Tumagilid ito at humarap sa kanya. His body pressed nearer. She could feel him. She wanted to feel him. Ang basic need niya para mabuhay ay nadagdagan na. Food, clothing, shelter and D.
He said, “Tinatanong mo ako kung anong nangyayari sa atin, di’ba? Hindi ko rin alam, Sam. Yesterday you’re my bestfriend. Today you’re the girl I can’t stop kissing.”
She’s a girl he can’t stop kissing. She’s a girl.
“Pero ang compalicated masyado. Parang kahapon lang, babae ang gusto ko pero ngayon…”
“Ngayon?”
“I-Ikaw na.”
Ipinikit ni D ang mga mata. Pakiramdam niya ay may pinapasalamatan ito. Then he snapped them open and said the words she needed to hear to be happy for a lifetime. Ten lifetimes. Twenty. Forever. “Gusto rin kita.”
She was on an all-time high. Gusto rin siya ni D. Kung sana ay ganoon lang kadali ang lahat. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon nila Momsy o ng daddy ni D. Ni Will. Ng buong baranggay.
“Pasalamat ka, easy to get ako.” Dinig niyang biro ni D. Hindi siya umimik. Her thoughts a million years away. “Ano bang iniisip mo?” He pulled her close.
“Tayo.” One word which summarized it all.
“Don’t think. Just…feel.”
Iyon nga ang ginawa niya. She listened to the rhythm of his heartbeat. And felt like it was playing their song.
BINABASA MO ANG
How Do I Love D?
RomanceFirst book from my one and only series. A tomboy falls for her womanizer best friend...now what? ***this novella is part of a series pero pwede din basahin as standalone. So tatayo ka mag-isa while reading (sorry, corny ko haha✌️) ***unedited versio...