“WILL?” Untag ni Sam sa kaharap habang magana itong kumakain. “Kailan ka ba huling kumain?” Nasa isang pizza parlor sila noon. Family-sized pepperoni pizza ang nilalantakan ni Will mag-isa dahil busog pa siya sa ham sandwiches na pinilit ni D na kainin niya bago mag-start ang game. Si Lila naman ay kasalukuyang hiniram ng may-ari niyon na kumare ng Popsy niya kaya malaya silang magkuwentuhan.
“Noong isang araw pa yata. Nakalimutan ko na.” Binuhusan nito ng hot sauce ang isang slice.
“Papaano mo nakakalimutang kumain?”
Nagkibit-balikat lang ito na parang hindi iyon importante. Napailing na lang siya.
“Ang tagal ni D. Na-text mo na ba?”
“Oo, kanina pa. Baka kinuyog na ‘yon ng mga fans niya.” Somehow she didn’t like the idea.
Natawa si Will pero agad ding nawala ang tawang iyon nang mapatingin ito sa mukha niya. “Parang may nag-iba sa’yo. What’s up with you?”
Shit. She forgot. Matunog nga pala ito. “Wala.”
Nilapag nito ang slice ng pizza imbes na isubo. “’Yong wala mo tunog-meron. Ano nga?”
“Wala nga. Kumain ka na.”
“Ano nga? Kapag hindi mo sinabi, hindi na ako kakain.” And she knew he would really do that.
She chewed her lower lip. Sasabihin niya na ba? Maski nga siya, hindi niya pa sigurado. Pero malapit na kaibigan niya si Will, kung kahit dito ay hindi niya masabi, kanino pa?
“K-kapag may tao na parang nagugustuhan mo pero alam mo hindi mo siya puwedeng magustuhan, anong gagawin mo?”
“Girl talk ba ‘yan?” palatak nito. “Hindi ko ‘yan lengguwahe. I don’t speak girl.” Nagpalinga-linga ito at bago niya pa napigilan ay tinawag nito ang isa sa mga waitress doon na hindi niya kilala. Hindi na siya nagtaka, Will knew everyone. “Bebs, si Sam. Sam, si Bebs.” Binalingan siya nito. “O, ikuwento mo na ‘yong sinasabi mo kanina.”
Pinandilatan niya si Will pero natawa lang ito. “’Wag ka nang mahiya. Si Bebs, tatlo-tatlo ang boyfriend niyan at kahit nagkabukuhan na, may peace on earth pa din. Expert ‘yan.”
“Ano ba ‘yon?” Mukha namang friendly si Bebs. May itsura, mukha ngang capable mag-boyfriend ng tatlo.
Inulit niya ang sinabi kanina. Mukhang napaisip naman si Bebs. “Bakit hindi mo puwedeng magustuhan? May jowa na ba?”
Nilingon niya si Will, nakikinig ito. Paano niya ba sasagutin iyon without revealing too much? “Parang gano’n. Basta hindi puwede. Bawal.”
“Parang jaywalking, gano’n?” This time ay nakitawa na rin siya. She liked Bebs, bakit ba noon lang niya ito nakausap? “Alam mo, hindi rin naman ‘yan ang issue.”
“Eh anong issue?” Naguluhan yata siya bigla.
“Ang issue eh kung gusto ka rin niya. Tingin mo, gusto ka rin ba?”
Ramdam niyang nag-init ang pisngi. Nabigla siya sa tanong nito. Siya nga, noon niya lang nalaman. Paano niya naman malalaman kung gusto rin siya ni D? “Ewan.” Naisip niya ang mga naging ex ni D at na-realize na walang-wala siya kumpara sa mga iyon. “Malamang hindi.”“Bakit?” tanong ni Bebs. “Kasi bawal?” Hindi siya sumagot. “Alam mo, walang bawal sa mundo. Ang meron lang ay mga maarteng tao. Sino ba ‘yang babae na ‘yan? Ang suwerte naman.” Kung makangiti si Bebs, parang gusto siyang gawing ikaapat na karelasyon. Kaya nga ba ayaw niya ng friends na babae. Buti na lang at tinawag na ito ng kasamahan, may pumasok kasing bagong customer. Iniwan na sila nito.
BINABASA MO ANG
How Do I Love D?
RomanceFirst book from my one and only series. A tomboy falls for her womanizer best friend...now what? ***this novella is part of a series pero pwede din basahin as standalone. So tatayo ka mag-isa while reading (sorry, corny ko haha✌️) ***unedited versio...