Chapter 2

427 25 2
                                    

            KASALO ni Sam sa agahan ang parents niya. Si Momsy na katabi niya ay gupit-binata rin. Naka-polo shirt na puti, may logo ng kompanya at slacks na palaging outfit nito bilang supervisor ng isang softdrink company. Medyo chubby. Momsy is lesbian pero mukha pa ring babae, ito ang biological mother niya. She still has boobs and all. Biological father niya naman si Popsy na isa namang bading, katapat niya naman ito. Theirs was a cute love story. Naghahanap ng isusuot si Momsy para sa dadaluhan nitong costume party at noon napadpad sa shop ng Popsy niya. Momsy always said it was love at first sight.

            Her parents are special and therefore their family was special. Bata pa lang siya, iyon na ang itinatak ng mga ito sa kukote niya. They were not different, just special. She adored her parents. Kaya naman noong madiskubre niyang mga babae ang nagiging crush niya, she wasn’t scared, she was excited. She was out and proud.

            “Hindi ka muna aalis mamaya, ha? Ikaw ang bantay kay Lila,” ani ng Popsy niya matapos humigop ng black coffee. Naka-false eyelashes na ito kahit ang aga-aga pa.

            Si Lila ang magdadalawang taong gulang niyang kapatid na sumulpot na lang bigla, their unexpected bundle of joy. Sinong mag-aakala na matapos maging solong anak for almost two decades ay magkakaroon pa siya kapatid?

            Lila started crying, gising na ang bundle of joy at naging bundle of tears na. Ang atungal nito, rinig yata hanggang kabilang baranggay. Mabilis na tumayo ang Momsy niya para kunin ito sa crib na nasa kuwarto.

            “Bakit po?” tanong niya naman kay Popsy. Isa si Lila sa pinakapaborito niyang tao sa mundo, she doesn’t mind babysitting pero bihirang mangyari iyon dahil hands-on ang mga magulang niya.

            “May date kami ni Momsy. Isasara ko muna ang Drag.” May twinkle pa ang mga mata ni Popsy nang sabihin iyon. Halatang kinikilig pa din. Kadalasan kapag ganoon ay inuumaga ang mga ito ng uwi.

            “Okay.” Sumubo siya ng sinangag, pilit pina-casual ang tono. “So…puwedeng mag-overnight si D?”

            “Oo. Pero doon siya sa kanila, dito ka sa atin.”

             She rolled her eyes. “Popsy naman.”

             Hindi niya ma-gets kung bakit hindi pumapayag ang mga magulang niya sa sleepovers mula nang maging teenager siya. Ang una’t-huling tulog nga nila ni D na magkatabi ngayong adults na sila ay noong isang buwan, nakaidlip si D sa tabi niya habang nagpapatila siya ng ulan sa apartment nito, secret pa.

             May Bangs pa noon si D, ngayon ay wala na. Nasakal kasi ang kaibigan niya dito. Mukha rin namang hindi iyon ininda masyado ni D. Isang babae lang naman talaga ang hindi nito malimut-limutan. At hindi Bangs ang pangalan noon.

            “Ako lang at si Lila ang nandito,” giit na lang niya ulit.
           
            “So?”
           
            “So…ang lungkot.”

            “Sus. Style mo, kurutin kita diyan sa esophagus eh. Para namang hindi kayo nagkikita ni D araw-araw. Hindi mo ikaka-deads ang isang gabi, Samantha.”

            Parang joke lang ang tono ni Popsy pero alam niyang kapag tinawag na nito ang buo niyang pangalan, tapos na ang usapan. Noon muling pumasok sa komedor si Momsy, kalong nito si Lila na hindi na umiiyak, all smiles na habang inaabot ang ulo ni Momsy na gustong sabunutan. Iyon ang hobby ng kapatid niya lately, sabunutan lahat ng puwede.

            Kinuha ito kaagad ni Popsy at kinausap na parang adult. Parang gustong hablutin ni Lila ang fake eyelashes nito kaya nilayo ni Popsy ng bahagya ang mukha. “May pinagdadaanan ka ba kaya ka ganyan, anak? May gusto ka ring mag-overnight?”

How Do I Love D?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon