WORKSSoooo, i already uploaded this in my Facebook account, and I only got 7 reacts. Lol! Idk why, but I think because I don't have many friends that time, because it is long time ago. grade six pa ako noon. napost ko narin to sa isa Kong wattpad account. which is reported naman HAHAHAHA kaya kung nakita niyo na 'to, probably akin po yung account na yun ^^
[ Explosion Box ]
"Anak, kagabi ka pa dyan ah, ano ba kasi yan" si mama
"Wala to ma" pagtatago ko sa explosion box na ginagawa ko
"Kumain ka na nga"
"Opo ma" sumunod na ko kay mama upang kumain.
~ "anak, sabado naman ngayon ah, wala namang pasok, hapon na oh, kanina ka pang umaga hindi kumakain, ano ba yang araw araw mong pinagkakaabalahan ha?"
"Wala nga po ito ma, susunod nalang po ako hehe" paglalambing ko kay mama upang hindi na sya magtanong saakin.
Pinagpatuloy ko ang paglalagay ng mga designs na Stitch sa gilid gilid nito.
"Hala! Wala na pala akong stickers!" Nasapo ko ang noo ko nung maalala ko ito, naisipan kong bumili muna sa malapit na convenience store saamin.
Pauwi na sana ako nang mahalata ko na kanina pa may sumusunod saakin,
"Hoy sheena!" Sigaw ng isa sa mga babaeng madalas mang away saakin sa school.
"B-bakit?"
"S-stickers to" kinakabahang usad ko habang tinatago ito sa likod ko
"Akin na nga yan!" Agaw nya pero pilit kong iniiwas ito sa kanya
"Hindi pwede! Saakin ito!" Paglaban ko
"Akin na nga eh!" Agaw nya
"Hindi pwede! Kay Abi ito!" Sabi ko, kaya hindi ko namalayan na itinulak nya ako at sinabunutan.
"Ibibigay mo o masasaktan ka?"
"Akin to!" Pagmamatigas ko.
"Hoy hoy hoy! Tumigil kayo!" Saway saamin ni mang dani na tauhan sa baranggay.