Prologue

28 1 0
                                    

Lumaki ako na palaging wala sa tabi ko ang mga magulang ko. Nasanay ako na ang yaya at lola ko which is mama ni daddy kasama ko araw-araw. Tandang-tanda ko pa sa mismong 7th birthday ko wala ang mga magulang ko. Ang sabi nila malalate lang sila ng uwi galing sa isang conference abroad pero dadating sila sa mismong araw ng birthday ko. Naghintay ako ngunit natapos nalang ang birthday party ko ay wala sina mom and dad.

Noong hapon ding iyon naisipan kong maglayas. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at siguradong hindi ako papalabasin ng mga security guard ng village kaya nagtungo nalang ako sa isang park. Doon umiyak ako ng umiyak hanggang sa may nag-abot sa akin ng panyo. Pagkatingala ko may isang batang lalaki ang nakangiti sakin.

"Tanggapin mo na itong panyo, huwag kang mag-alala malinis yan." sabi niya at saka tumabi ng upo sakin.
"Ako nga pala si Rhys, ikaw anong pangalan mo? Bakit ka nga pala umiiyak?"
"Ako naman si Haisley. Nalulungkot lang ako kasi sabi nila mommy uuwi sila ngayon, birthday ko kasi pero di naman sila dumating." sabi ko at umiyak na naman
"Huwag ka ng umiiyak. 'Di bale ngayong nandito na ako hindi kita iiwan. Sasamahan kita sa kahit anong occasion. Promise ko yan sayo." sabi niya sabay taas ng kanang kamay.

Magmula noon ay naging magkaibigan na kami. Palagi kami naglalaro sa park at gaya ng pangako niya magkasama kami sa kahit ano mang occasion katulad ng Christmas at New Year. Siya ang kasama ko kapag nalulungkot ako dahil namimiss ko ang parents ko. Para ng magkapatid ang turing namin sa isa't-isa since pareho kaming nag-iisang anak. Ngunit sadya talagang mapaglaro ang tadhana after 2 years umalis sila sa village na tinitirhan namin dahil sa pagkabankrupt ng kanilang kompanya. Ibinigay niya sa akin ang isang kwentas na magpapaalala sa aming pagkakaibigan at binigay ko naman sa kanya ang paborito kong stuff toy.

------
Nasaan na kaya siya? Naalala niya pa kaya ako? Hays 10 taon na ang nakalipas pero hindi ko pa rin maiwasan na malungkot kapag naaalala ko siya lalo na pag nakikita ko iyong kwentas. Iyon na kasi ang nagsisilbing alaala ko sa aming pagkakaibigan kaya sobra ko iyang iniingatan. Minsan kapag namimiss ko siya o di kaya'y nalulungkot ako o may problema iyong kwentas ang kinakausap ko. Parang timang diba? Nahihiya na kasi akong magshare kina yaya at lola dahil malaki na ako. Nahihiya rin ako sa mga kaibigan ko dahil alam ko namang may iba rin silang pinagkakaabalahan.

The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon