Chapter 4
Laura's POV
I woke up really early today--no di pala ako naka tulog.Ewan ko ba buong gabi,buong magdamag akong nagiisip ni hindi ko nga alam bakit ako nag-iisip imbes na natutulog eh.
Tapos yung puso ko hanggang ngayon ang bilis ng tibok.Di ko naman alam kung para saan.
Ayan kakaisip sa puso ko latang lata nako.Naligo nako dahil kung tutunganga nanaman ako magiisip nanaman ako ng kung ano-ano
Pagkababa kumuha lang ako ng isang sandwich at lumabas na.Kagat kagat ko pa sa bibig ko yung sandwich habang hinahanap si Kuya Bert.
"Ate nakita nyo po ba si Kuya Bert?" tanong ko kay ate Silvia.
"Ay hindi eh,baka natutulog pa.Tsaka bakit napaka aga mo?alas 4:00 palang ng madaling araw ah mamaya pang alas syete ang pasok mo diba?" tanong naman nya.
"Mali lang po ako ng set ng alarm di na ho ako makatulog kaya nagpasya akong pumasok na" palusot ko.
"May tao na ba niyan sa eswela mo?" tanong naman nya.Nagkibit balikat nalang ako
Dahil nga tulog pa si kuya Bert nag taxi nalang ako papasok.Halos Emginering students palang ang nandito dahil 5:30 ang start ng klase nila.Pumunta ako sa cafeteria para makakain ng matunong almusal.
"Isang Caramel Macchiato and isang caramel muffin" lutang pa rin ako hanggang ngayon.
Pagkakuha ko ng order ko humanap nako ng lamesa para kumain.
Tulala ako habang kumakain,nakita kong dumaan si Sheina kaya napatingin ako sa relo ko.5:33 palang ah bakit ang aga niya?
Sinundan ko siya ng tingin nagmamadali siya maglakad eh ang aga pa.Kasunod niya si Clarissa na nagmamadali din.Hala anong meron? Bakit nagmamadali sila?Napatayo nako ng tuluyan ng makita si Gavin na nakasunod din.
Kung diko sila susundan mamatay nako kakaisip.Tumayo nako at palihim silang sinundan.
"Anong gagawin nila sa rooftop?" tanong ko sa sarili ko. Kahit na kinakabahan eh sinundan ko pa rin sila.Nang makarating sa taas nagtago ako sa likod ng mga trash can.
"ANO BA?!" sigaw ni Sheina
"SINABI NG LAYUAN NIYO KO DIBA!" sigaw niya ulit.
"Hayaan mo kaming magpaliwanag" malamig na sabi ni Clarissa
"Sige nga pano mo ipapaliwanag yung narinig ko?PAANO?!" sigaw ulit ni Sheina"AYAN ANG AYAW KO SAYO HINDI MO PA NGA NARIRINIG YUNG DAHILAN NAMIN NAGAGALIT KA NA AGAD!ANONG KLASENG KAIBIGAN KA BA?!HA?! BAKA TAMA NGA SILA, WALA KANG KWENTANG KAIBIGAN!" si Clarissa naman ang sumigaw. Bago pa man sila magkasakitan ni Sheina pinaglayo na sila ni Gavin
"Huminahon kayong dalawa,parang awa niyo na." saad ni Gavin
"PAANO AKO HIHINAHON?! Kumikilos kayo ng di naayon sa plano! Di na ko magtataka isang araw ako na lang yung matatagpuan nil--" di na natuloy ni Sheina yung sasabihin niya dahil sa sigaw ni Gavin
"SINABI NG TUMIGIL KAYO EH!" pagkatapos ay tumalikod siya at hinilot yung sentido niya hinarap niya ulit yung dalawa na ngayo'y masamang nagtitinginan
"Lahat umaayon sa plano,ok? ayaw lang namin na makahalata siya kaya kahit di mo alam kumikilos kami." mahinahong paliwanag nya
"Sa tingin niyo maniniwala ako sa inyo?" tanong ni Sheina
"Nagawa niyo nga akong lokohin noon eh, ngayon pa kaya?" naluluhang saad niya
"Pwede ba kalimutan nalang natin yung nangyari noon? My god! Learn to move on!" saad ni Clarissa
"Wow! Just wow! Tapos ng lahat ikaw pa tong may ganang magalit? Saka move on? Tinanggap ko na nga diba?Hinayaan ko na kayo? Gusto kong lumayo pero anong sinabi mo? Na wag akong aalis kase balewala lang din lahat ng nangyari kase mas di mo kakayanin kung mawawala yung best friend mo na baka kitilin mo nalang yung buhay mo.Kay kahit.masakit,kahit mahirap pinagbigyan kita" lumuluhang wika ni Sheina.
YOU ARE READING
Her Trauma (HER DUOLOGY BOOK 1)
General FictionAll of us have our ups and downs. We all have our fears, our secrets, and some traumatic experiences. But how will you overcome the trauma caused by a little notebook that's supposed to hold your safe place? See how her little diary became Her Traum...