Laura's PoV
"I'll curse them" I said and wiped my tears. It's all because of that fvcking diary..Hindi nila malalaman kung sino talaga ako kundi dahil don.
Now I understand kung bakit gusto nila mommy na itago ang tunay kong pagkaka-kilanlan at kung bakit gusto nilang bumalik nalang ako sa France.
"We're here" Wayne said.
Lumapag ang helicopter namin sa isang beach. Walang tao.
Inalalayan nila ako pababa at sinalubong sila ng mga magulang nila.
Nakita ko rin si Kobii at ang mga magulang niya pababa ng chopper.
I stared at them hugging each other.
Habang ako...habang-buhay ng magiisa.
My eyes began to water..hindi ko na napigilan napa-upo nalang ako at umiyak yakap ang mga tuhod ko.
Ramdam ko ang paglapit nila sakin at ramdam ko rin ang awa nila.
"Leave me alone." wika ko pero walang kumilos ni isa.
"I SAID LEAVE ME ALONE!" sigaw ko at kita ko ang pagiging emosyonal ni Tita Stace.
"Jio anak--"
"Stop it Tita.." pag-putol ko sa kanya
"Huwag mo akong tawaging anak dahil hindi kita nanay...wala na sila.Wala na akong magulang at ako nalang mag-isa!" sigaw ko sa kanya.
"Halika na iha..Kailangan mong magamot" aniya at lumuhod sa harap ko.
"Magpaka-tatag ka Jio huwag mong isiping nag-iisa ka..kasama mo kami iha. Ako si Lynce', ang Tito Kevin mo." aniya at hinawakan ang mga kamay ko.
"Kasama mo rin kami iha" saad ng Mommy ni Patriel at lumapit sakin.
"Walang miyembrong tinatanggihan ang pamilya Peralta" saad naman ng Daddy ni Wayne.
Lumapit silang lahat sa akin at binigyan ako ng isang yakap.
Yakap na puno ng pakikiramay..
Yakap na puno ng pagdadalamhati..
Yakap na puno ng pagmamahal...
At yakap na puno ng seguridad na ako'y ligtas at kailan ma'y hindi pababayaan.
Wala akong ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak...ng umiyak.
______
Pumasok kami sa rest house at sinabi nilang kami ang nagmamay-ari ng pribadong isla na ito.
Pagdating sa loob sinamahan nila ako sa isang kwarto.
Lumabas na yung iba pero nagpa-iwan sina Tita Stace pati na rin sina Mrs.Peralta at Mrs.Viasco.
"Maglinis ka muna ng katawan iha" ani Tita Stace.
"Hindi hindi, magpa-kuha nalang tayo ng bimpo at tubig para hindi gaanong kumirot ang mga sugat niya" ani Mrs.Peralta
"Mabuti pa nga, Parating na rin si Doc Mendez." saad naman ni Mrs.Salbabiela
Nagtulong-tulong sila para asikasuhin ako.
Marahan at buong ingat nila akong hinilamusan at binihisan.
"I know you're still wondering on how are we connected to your parents, by the way I am Lacey Peralta at gusto ko mula ngayon tawagin mo na akong Mama ok?" ani Mrs.Peralta.
Inalalayan nila ako sa paghiga.Saktong pagkahiga ko may kumatok sa pinto kaya't binuksan iyon ni Tita Stace.
"Aba ako din! Anyways I am Patricia Viasco and mula ngayon Mommy na rin ang itawag mo sakin" masiglang wika ni Mrs.Salbabiela.
YOU ARE READING
Her Trauma (HER DUOLOGY BOOK 1)
General FictionAll of us have our ups and downs. We all have our fears, our secrets, and some traumatic experiences. But how will you overcome the trauma caused by a little notebook that's supposed to hold your safe place? See how her little diary became Her Traum...