Chapter 5
Laura's POV
Natulog ako ng mabigat ang pakiramdam,gumising din ako ng may mabigat na saloobin.Gaya ng sinabi nila,umalis na sila mommy, Iniwan nila ako ng mag-isa,sinama nila sina Nay Esther at Kuya Bert tapos yung ibang katulong pinaalis na nila.Tanging si Ate Silvia at ang mga gwardiya nalang ang natira.
Bumangon ako at pumunta sa kusina para uminom ng tubig ngunit bago ko pa mabuksan ang ref ay napansin kong may naka-dikit na note doon.
Laura,
Alam kong nalilito ka pa rin,naguguluhan at mabigat ang damdamin.Pero anak paki-usap sumunod ka nalang.Nagpahanda ako ng private plane para sayo.Hihintayin ka namin anak pakiusap sumunod ka na.Pero kung talagang sa tingin mo kaya mo ng mag-isa wala na akong magagawa, mag-ingat ka nalang anak.Huwag kang mag-alala we will still take care of your expenses.
Love,
MommyBigla akong kinabahan sa nabasa ko.San..sana mali ang iniisip ko sana...
Tumakbo ako patungo sa telepono upang kumpirmahin ang kutob ko.Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.
"Mom...please pick up the phone" bulong ko sa sarili ngunit wala pa ring sumasagot.
Sunod kong tinawagan ang landline ng opisina ni Dad.Laking galak ko ng may sumagot.
"Imperial Clothing Lines,This is Merissa Valdez Mr.Imperial's secretary how may I help you?"tugon ng nasa kabilang linya
"H-hello ate Meri" humihikbi kong sagot
"Oh,Ms.Laura napatawag ka?Teka umiiyak ka ba anong problema ha?" tanong niya
"A-alam mo p-po ba kung *sob* sang bansa pumunta sila mommy?" tanong ko ulit
"Bakit di ka ba nila kasama?Ang alam ko kase magma-migrate na kayo sa France eh.Papanong naiwan ka?" para akong nabingi sa sinagot ni ate Meri
'Magma-migrate na kayo sa France'
'Magma-migrate na kayo sa France'
'Magma-migrate na kayo sa France'Paulit-ulit kong naririnig yan.
Tulala kong ibinaba ang telepono at bumagsak na sa sahig.
"B-bakit?" tanong ko sa sarili
Halos kalahating oras aking nakatulala ng patayuin ako ni ate Silvia.
"Naku kang bata ka.Tumayo ka na riyan at papasok ka pa.Alam kong nalulungkot at naguguluhan ka pa.Pero isipin mo nalang na para din sayo ang ginagawa ng magulang mo at mahal na mahal ka nila.Sinisiguro ko sa iyo babalik din ang mga magulang mo ikaw pa prinsesa ka nila eh" pag aalo niya sakin
"Sige na umakyat ka na't mag asikaso.Ako na maghatid sayo" aniya at nginitian ako.She gave me an assuring smile, a smile that tells that everything's gonna be alright.
Nginitian ko lang siya at umakyat na.
Sa aking paghakbang dala ko sa aking dibdib ang sinabi niya.Ang pag-asang babalikan nila ako.Kase kung ako ang tatanungin wala sa isip ko ang sumunid sa kanila.Hindi dahil sa ayaw ko silang makasama.Hindi ko din alam pero sa twing iniisip kong lisanin ang bansang to bumibigat ang loob ko,parang may kailangan pakong gawin, may kailangang tapusin at may kailangan tuklasin.**
Gaya ng sinabi niya,hinatid ako ni Ate Silvia sa school."Kunin mo na ang gamit mo at pumasok ka na.Mag iingat ka at huwag kang papagutom ha" paalala niya. Tinawagan kami kanina ng school para sabihingay nag surrender ng gamit ko sa kanila.
"Opo,salamat ate ha." nginitian naman niya ako
"Osya tumawag ka pag mag papasundo ka na" saad niya
"Ay,hindi na ho sasabay nalang ako sa kaibigan ko Sa Villa Austriella din naman sila eh" sagot ko at nagpaalam na.
YOU ARE READING
Her Trauma (HER DUOLOGY BOOK 1)
General FictionAll of us have our ups and downs. We all have our fears, our secrets, and some traumatic experiences. But how will you overcome the trauma caused by a little notebook that's supposed to hold your safe place? See how her little diary became Her Traum...