Laura's POV
I was sitting here in the dark when I heard someone singing my childhood song.
I walked towards the voice and it gets louder and louder.
Lagi ko itong naririnig dati pa man.Pero bigla ring nawawala.
Nahinto ako sa tapat ng isang salamin. Nakikita ko sa repleksyon ang sarili kong tulala habang sinusuklayan ni Kobii ang buhok ko.
Naririnig ko na.. Naririnig ko na siya. Nagsusumbong siya sakin.
Maya-maya pa ay yinakap niya ako at umiyak
"I miss you so much...Balik ka na please" she said between her sobs.
My eyes began to water. I wanna touch her. I wanna hug her back.
I closed my eyes and imagined that she's hugging me. I lifted my hands and hugged her back.
"Laura.." she said so I opened my eyes.
I became more emotional when I did it. Nagawa ko...After 4 years nagawa ko na.
Makakawala nako...Makakalaya na ako mula sa madilim na mundong ito.
I tried to look at her so I tilted my head, then my eyes became blurry but after few minutes It became clear I see her crying. So I smiled at her.
She buried her face on my neck and cried there.
Finally I'm back...
And swear, it felt so good to be back...
___
Patriel's POV
Nandito ako ngayon sa poolside kasama sila Dad at nagiihaw ng barbecue.
Kumuha ako ng dalawang stick ng barbecue at nagpaalam muna kay Dad.
Linapitan ko si Wayne at umupo sa tabi niya.Inalok ko naman sa kanha ang isang stick ng barbecue na hawak ko at tinanggap niya naman ito.
"It's been 4 years" panimula ko
"Yeah, apat na taon...Apat na taon na pero wala paring improvement sa lagay ni Laura." sagot niya naman
"Do you think she'll get back in her normal state?" pahabol niya pa
"Of course. Knowing her she's strong. Alam kong lumalaban siya.Kaso sa tingin ko hindi parin kaya ng katawan niya kaya wala pa rin siyang response. Buti nga gising siya eh hahahah that's what we should be thankful of. Kahit papaano nakakasama pa natin siya" sagot ko sa kanya
Hindi naman siya kumibo at kinain nalang ang barbecue niya.
"Boys pasok na it's already 11:50 pm" tawag samin nina Mommy.
"Tumayo naman kami ni Wayne at tinulungan sina Dad sa pag-bitbit ng mga barbecue.
Pagpasok sa loob inilapag namin sa mesa ang mga barbecue at inayos naman yon nila mommy.
"Ah Mom sina Kobii po?" tanong ko.
"Ay oo nga pala" aniya at lumapit sa hagdan
"Lynce' anak! Tapos mo na bang ayusan si Laura?!" pasigaw na tanong ni Mommy
"Opo Tita pababa na po kami" sigaw ni Kobii pabalik
"Kailangan mo ba ng tulong?! Paakyatin ko sina Patriel kung gusto mo!" sigaw niya ulit
"Hindi na po! Kaya ko na po!" sagot ni Kobii
"Osya bilisan niyo!" sigaw ni Mommy at bumalik na sa hapag
Nagsi-upo na kami at sina Kobii nalang ang hinihintay.
Maya-maya pa nakita na namin siyang tulak ang wheelchair ni Laura.
YOU ARE READING
Her Trauma (HER DUOLOGY BOOK 1)
General FictionAll of us have our ups and downs. We all have our fears, our secrets, and some traumatic experiences. But how will you overcome the trauma caused by a little notebook that's supposed to hold your safe place? See how her little diary became Her Traum...