Laura's POV
Tatlong araw na ako dito, naka tali,binubugbog,ginugutom at unti-unting pinapatay.
Sa loob ng tatlong araw ginamit nila lahat ng kahinaan na sinulat ko sa diary ko. Lahat ng kinakatakutan ko.
Pinakain ng ipis,inilubog sa drum na puno ng ahas, kinulong sa drum at walang maaninag ni kahit isang sinag ng liwanag,minarkahan ang likod ko gamit ang kutsilyo at kung ano-ano pa.
Sa bawat araw iba't-ibang uri ng pasakit ang dinaranas ko at araw-araw...hinihiling ko sa kanilang kitilin na lang ang buhay ko.
"P-patayin n-niyo n-nalang ako" wika ko at dinura ang dugo sa bibig ko.
"Huwag kang kj naguumpisa palang nga tayo" ani Clarissa at kinuryente akong muli
"AAAHHHH" sigaw ko
"Manahimik ka!" sigaw niya at sinampal sakin ang pinangkukuryente niya.
"Tama na yan,Sheina bihisan mo na to maya-maya lang nandito na sila" utos ni Tito Melvin.
Sa tatlong araw na bangungot na ito, nalaman kong si Tito Melvin ang nagligtas kina Gavin...ang hindi nila alam demonyo din siya alam ko...ginagamit niya lang tong tatlo pero kada sasabihin ko yun bugbog lang ang inaabot ko.
"Susunduin ka na nila hahahahaha..Halika bibihasan na kita" aniya at tinanggal ang gapos ko.
"Hindi!Ayoko! Ayoko!" pagpupumiglas ko dahilan para sampalin niya ako
"Magkikita na nga kayo eh ano pang inaarte-arte mo ha?!" aniya at kinaladkad ako papasok sa isang kwarto.
Bumungad samin ang isang mannequin na may puting dress na abot hanggang talampakan. Simpleng white dress na may manipis na strap lang.
"Isuot mo dali!" utos niya pero di ako kumilos.
Lumapit siya sa isang lamesa atmay kinuha doon.
"SUOT O LATIGO?!" sigaw niya pero di pa rin ako gumalaw.
"Huk" daing ko ng hampasin niya ako ng latigo
"IKAW HUWAG KA NG MAG-INARTE DAHIL UBOS NA UBOS NA ANG PASENSYA KO SAYO! GUSTO MO NG MAMATAY DIBA? EDI ISUOT MO NA YAN DAHIL SUSUNDUIN KA NA NI SATANAS!" sigaw niya habang patuloy ako nilalatigo.
Ramdam ko ang pagtulo ng dugo mula sa iba't-ibang parte ng katawan ko.
Hinila ako ni Sheina at pilit na hinubad ang uniform ko leaving me with my underwears.
Itsura ko? Mata lang ang walang latay.Ipinasuot niya na rin sakin angdress at hinatak ako palabas.
"PERFECT!" hiyaw ni Clarissa habang pumapalakpak pa.
"Ilagay niyo na don" utos ni Tito Melvin,tiningnanko naman yung tinuro niya. Mukhang ikukulong nila ako sa isang kwarto at ipapahanap ako sa mga magulang ko.
"Ako nalang patayin niyo...Nagmamakaawa ako huwag ang mga magulang ko" saad ko at lumuhod
Pero di nila ako pinakinggan. Hinatak papasok sa kwartong yon. May naka lambitin na dalawang lubid sa kisame at doon nila itinali ang mga kamay ko at binusalan nag bibig ko.
Itinaob nila ang isang drum at naglipana ang mga ipis.. Sinubukan kong kumawala at pilit na gumagalaw upang maalis ang mga ipis na dumadapo sakin.
Halos isang oras ako sa ganoong posisyon ng makarinig ako ng putukan.
Maya-maya pa'y bumukas ang pintuan ng kwartong kinalalagyan ko at iluwa ang mga naka-itim na tao. Hindi sila mukhang ninja.Mukha silang mga secret agent.
YOU ARE READING
Her Trauma (HER DUOLOGY BOOK 1)
BeletrieAll of us have our ups and downs. We all have our fears, our secrets, and some traumatic experiences. But how will you overcome the trauma caused by a little notebook that's supposed to hold your safe place? See how her little diary became Her Traum...