Kabanata 26

966 22 4
                                    

*****
"Ezh una na talaga ako sayo ha pasensiya ka na.Kailangan ako sa bahay ngayon and my dad wants me to hurry"

Nilingon ko si Lianna na nagpapaalam sakin saka ko ito tinanguan at ipinagpatuloy ang pagliligpit ng gamit.

Bakit kaya siya pinapadaling pauwiin ng dad niya.Sana lang wala iyong kinalaman kay Zhae.

"Okey lang ano ka ba.Kita nalang tayo ulit bukas"Nilingon ko siya saka niya ako niyakap ng mahigpit

"Bye"Paalam nito bago dali daling umalis

Napabuntong hininga naman ako saka sinukbit ang dalang bag sa balikat bago lumabas ng room.Bandang 5:30 na ng hapon ngayon,matagal kaming natapos sa huli naming subject kaya ngayon lang kami naka labas.

Kunti nalang ang mga estudyanting nadadaan ko dito sa hallway hanggang sa labasan.Dumeretso ako sa labas at naglakad pauwi samin.Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalayo sa school ng may dalawang pamilyar na mukha akong nakita.

"Tabatchoy"Bulong ko dito

Tinitigan ko ito ng maigi kahit nasa malayo ito pero tama ako.Ito yung tabatchoy na jowa ni Mariella,at sino naman itong isa niyang kasama na mukhang sabog sa rugbe.

Napatigil ako sa aking paglalakad at napapalingon lingon sa paligod kong may tao pa bang dumaraan sa ganitong oras.Pero sa kamalas malasan wala man lang kahit isang tao o kotse ang dumaan.

"Nag-iisa ka yata ngayon Miss Magandang nagtapang tapangan"Nakangising aniya sakin ng tabatchoy na ito

Alam kong ako ang sadya ng tabatchoy na ito dahil napatalsik sila ng school ng dahil sakin.Buti nga sa kanila.

"Obvious ba may nakikita ka bang kasama ko bobo"Talak ko sa kanya kaya nag iba ang mukha nito

Wala pala eh pikonin talaga ang isang tabatchoy na ito.

"Alam mo ginagalit mo talaga ako eh no.Ngayon natin subukan yang tapang mo"Sabay lakad niya papunta sakin kaya napaatras din ako dito

"Subukan mong lumapit dito makakatikim ka sakin"Banta ko sa kanya ng patuloy parin ito sa paglapit papunta sakin

Pero hindi man lang ito natinag ng tuluyan itong lumapit kaya agad akong tumalikod at kakaripas na sana ng takbo ng may isang lalaki ang humarang sakin.

"Saan ka pupunta binibini"Aniya ng lalaking ito sabay hawak sakin para hindi ako makapalag

"Bitiwan mo ako ano ba"Palag ko sa kanya kaya sinikmura ko ang gago kaya ayon nabitawan niya ako

Tatakbo na sana ako ng hablotin ng tabatchoy ang mahaba kong buhok.Ito ang problema sa mahaba ang buhok disgrasya at sagabal kainis.

"Saan ka pupunta,ano sa akala mo matatakasan mo ako ha"Napadaing naman ako ng higpitan ng tabatchoy ang pagkakahawak sa buhok ko bwesit.

Tumayo naman ang lalaking sinikmuraan ko kanina at sinampal nalang ako ng basta na nagpadaing sakin dahil sa lakas.

Kaya kong lumaban pero ang dami nila kaya baliwala ito kung lalaban parin ako.Uuwi parin akong may pasa.

"Sinong may sabi sayong pwede mo siyang saktan"Sigaw nitong tabatchoy sa lalaki

"Eh boss sinikmuraan ako eh"

"Anong pakialam ko.Ako lang ang pweding manakit sa babaing ito naiintindihan mo"Asik sa kanya

"Yes boss"Aniya ng lalaki saka gumilid

Kita ko naman ang lalaking kasama nitong tabatchoy na nakasandal lang sa dingding habang nagyuyusi.Parang nanonood lang ng sine eh no feel na feel bwesit siya.

Pinagtagpo ngunit hindi Tinadhana(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon