Kabanata 24

1K 25 6
                                    

*****
"Ano kamusta ang tulog mo"

"Good,nakatulog naman ako ng matino este mahimbing"Sagot ko kay Lianna

Sa totoo lang anong oras na ako nakatulog ka gabe dahil sa pag-iisip.Bwesit kasi ang dalawang lalaking ito,pagulo ng isip ko hayst!

Kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast ngayon kasama ang mga boys na tahimik lang na kumakain.

"So anong balak niyong gawin ngayon,uuwi na tayo mamayang gabe remember"Tanong ni Lianna sa mga ito

"Bakit hindi natin subukan ang snorecling or diving and etc.diba.Balita ko nakaka enjoy daw iyon"Suhestiyon ni Klent

"Paano si Ezhra diba takot yan sa dagat or should I say tubig"Pagtutol naman ni Jairon dito

"Okey lang,kayo nalang diyan nalang ako sa buhanginan manonood sa inyo.Saka may iba namang libangan diyan na pwede sakin.Hanap nalang ako"Sagot ko sa kanila

Baka kamo ako ang magiging hadlang ng masayang bakasyon nila.Ayaw ko ng ganon,sila na nga nang imbeta sakin maninira pa ako diba.

"Sure ka"Tanong sakin ni Lianna na siya namang aking tinanguan bilang sagot

"Sasamahan ko siya/I come along with her"Napatingin naman kami kina Zhae at Kairon dahil sa sabay na pagsasalita nito

Napapailing naman sina Klent dahil dito at kita ko namang napayuko nalang si Lianna.Alam kong pinipilit lang niya ang kanyang sarili na tanggapin itong lahat.

"Ahh hindi na kaya ko na.Samahan niyo sila diba bakasyon naman ang pinunta natin dito kaya go ra na kayo"Pagtanggi ko sa kanila saka uminom ng Juice para kamo mawala ang tensiyon dito

"Okey pagkatapos nito,ano gawin na natin.This gonna be exciting"

Kaya ayon nga pagkatapos naming kumain agad silang dumeretso sa dagat at sumakay sa isang yate.Mag da diving daw sila dahil iyon ang isa sa sikat na gawain dito dahil sa sari saring isdang makikita.

"Sure ka ba Ezhra diyan ka lang"Sigaw ni Kairon sakin kahit nakasakay na ang mga ito sa yate

"Oo dito lang ako manonood"Sigaw ko pabalik sa kanila

"Ayaw mo bang makita ang ibat ibang isda"

"Ay anak ka ng nanay"Gulat na aniya ko dito

Napahawak naman ako sa aking dibdib dahil sa gulat.

"Papatayin mo ba ako sa gulat bwesit ka"Asik ko kay Zhae ng bigla itong sumulpot sa aking likuran ng naka shades ang puta

Pormahan talaga ng lalaking ito,hindi kumukupas.

"Wala akong hilig sa isda at saka--"

"Ano"

"Wala sumakay ka na doon,alis"Taboy ko sa kanya kaya napatawa ito dahil sa aking ginawa

Totoo talaga hindi ako mahilig sa isda,dahil maliban sa takot ako sa tubig,takot din ako sa mga naninirahan diyan.

"Enjoy,hintayin ko nalang kayo dito"Sigaw ko sa kanila sa ka ito kinawayan ng umandar na paalis ang sinasakyan nitong yate

Nang makaalis na ito agad akong humanap ng malilibangan ko ngayon.Pumunta ako sa isang bahagi ng dalampasigan saka naglakad lakad malapit sa dagat.Ang rami palang tao ngayon kahit hindi pa bakasyon, paano pa kaya kong bakasyon na.Hindi naman kasi mapagkakaila na maganda ang resort na ito.

"Ate!"May isang batang babae ang tumatakbong lumapit sakin

"Oyy bata"Aniya ko nito saka ginulo ang buhok nito

Pinagtagpo ngunit hindi Tinadhana(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon