Kabanata 18

1K 16 2
                                    

*******

"Basagulera ka talagang bata ka"Sigaw sakin ni mama habang pinipingot ang kaliwa kong tenga

"Aray ma masakit"Aniya ko habang hawak ang tenga kong piningot niya kanina

Iyan agad ang sumalobong sakin pag kagising ko dito sa hospital.Sinisermonan ako ni mama ng dahil sa nangyari sakin,mabuti nalang kumalma na ito at umupo sa silyang nasa gilid ko.

"Nako kung wala ka lang talagang sugat hindi lang iyan ang matitikman mong bata ka"

Kami lang dalawa ang nandito ni mama.Ewan ko lang kong sinong nagdala sakin dito,thank you nalang sa kanya.

"Sabihin mo nga saking bata ka,bakit nabogbog ka ng ganito ka kalala"Tanong sakin ni mama pero hindi parin nawawala ang galit nito

Napatingin naman ako saking sarili na puro binda at sugat ang katawan.Tika paano naging madami ito e sinampal lang naman ako at---ahh hinampas pala ako ng upuan ng gago.Wag lang talaga siyang mag papakita sakin hindi lang ganito ang aabutin niya.

"Mahabang istorya ma"

"Sabihin mo makikinig ako"Talaga tong si mama hindi mapapakali kong hindi talaga malaman ang dahilan

"Ahh sege pero bago muna iyan pwede ko ba malaman kong anong oras na ako dito"Tanong ko kay mama para narin hindi na siya makapag tanong tungkol dito

"Anong oras gaga isang araw kang tulog dahil sa katarantaduhan mo"Nagulat naman ako sa inani ni mama habang napakamot kamot

Isang araw,tika sa pag kakaalam ko kanina pa iyon ng yari.

"Paano iyon ng yari"Taka kong tanong

"Tanongin mo ang sarili mo kung bakit ang haba ng tulog mo sira"Sarkastikong ani sakin ni mama na nagpasimangot sakin

Naputol naman ang pag uusap namin  ng may isang nurse ang pumasok dito.Tinignan niya muna ako kung okey lang ba ako na sinagutan ko lang ng Oo.

"I guess pwede na siyang ma discharge letter on."Aniya nito bago umalis

"Mag ayos ka na,iwan muna kita diyan ayusin ko lang yung papel mo sa baba"Paalam sakin ni mama bago lumabas ng kwarto

Agad rin naman akong bumangon at nag bihis.May kunting hapdi nalang ang mga sugat ko aniya naman ng nurse baka na bagohan lang.Nakauwi kami samin at agad kaming inasikaso ni manang bago ulit ako nag pahinga sa kwarto ko.

Kinahapunan lumabas ako ng kwarto ng nakabihis ng pang-alis.Bumaba agad ako at sumalobong si mama sakin sa sala ng may kausap sa telepono.Agad itong napatingin sakin ng nakakunot ang noo bago tinapos ang kausap at tinignan ako.

"Where are you going"Nakapameywang na ani nito sakin

"Sa labas lang ma diyan sa malapit na park,ang boring kasi dito"

"Kalalabas mo pa nga lang mag hahanap ka nanaman ng sakit sa katawan"Ayan na naman po siya

"Ma lalabas lang ako hindi mag hahanap ng gulo"

"Ang tigas talaga yang bungo mo,bahala ka sa buhay mo basta ba umuwi ka agad"Talaga tong si mama ang daming sinasabi papayag rin pala

"Yes mama"Saludo kong sagot dito bago humalik sa kanyang pesngi saka umalis

Kinuha ko muna ang bike ko sa garahe saka ito sinimulang pidalan.Mabuti nalang hindi na masakit ang mga sugat ko kaya nakakapagpedal ako ng maayos.

Pagkarating ko sa park agad sumalobong sakin ang preskong hangin.May maraming tao ngayon,may naglalarong mga bata at may nag pipicnic din.

Iniwan ko muna sa guard ng park na to ang bike ko saka pumasok.Umupo ako sa bench sa ilalim ng puno.Kitang kita ko lahat ng ng yayari dito.

Pinagtagpo ngunit hindi Tinadhana(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon