Kabanata 28

953 17 4
                                    

****

Pagkagising ko pagka-umaga wala na si Zhae sa kwarto ko.Sabi ni mama maaga daw itong umalis dahil kailangan pa niyang mag-ayos para sa pagpasok niya ngayon.Hindi man lang siya nag paalam sakin tsk!

Pagkapasok ko sa school kapag may free time ako hinahanap ko siya.Sinuyod ko ang aking tingin baka sakaling makasalubong ko siya o makita man lang.

Ngunit Umabot nalang ang bandang hapon at ngayon ang simula ng try out namin para sa volleyball.Wala akong Zhae na nakita mag hapon,hindi naman sa gusto ko siyang makita.Alam niyo na yung nangyari ka gabe baka kasi alam niya ang tungkol doon.

"Okey team kompleto naba lahat"Aniya ni coach samin

Nasa covert court na kami ngayon para sa aming try out for upcoming Intramurals.Kasalukuyan na kaming naglalaro at pagkatapos nito ang basketball team naman ang papalit samin which is ang team nina Kairon.

"Impressive team I will expect that excellence play in Intramurals.Kailangan natin manalo para ma protektahan natin ang ating titulo.Alam niyo naman na tayo ang champions."

"Yes coach"Sigaw namin bilang sagot

Tama si coach isa din iyan sa dahilan kung bakit itong volleyball ang pinili ko dahil gusto kong tulungan ang aking team na manalo ulit.Ayaw ko namang hayaan ang taga St.Ruah School na maagaw sa amin ang championship dahil nakakasar din ang mga estudyante nila.Mga mayayabang akala mo naman may binatbat tsk!

Pagkatapos nang try out namin agad akong dumeretso sana sa restroom para mag bihis ng hilahin ni Lianna ang braso ko.

"Hindi ka ba manonood ng practice nila"Tanong nito sakin

"Kanino?"

"Kina Kairon at saka ngayon din ang try out ng bago nilang ka teammates"

Napakunot naman ako ng noo dito.Nilibot ko ang aking tingin sa buong gym at nakitang karamihan sa estudyante nandito nanonood ng practice nila.

"Hindi naman seguro ako kawalan at isa pa ang dami kayang tao na nanonood sa kanila tingnan mo"Sabay turo ko sa mga estudyanting nakaupo

"Ezhra iba padin kong nandito ka mas gaganahan silang maglaro pag nandito ang inspiration diba"Sabay kindat nito sakin

"Aysus kalokohan mo diyan.Ikaw nalang ang manood magbibihis pa ako.Oh by way sinong sila ang sinasabi mo diyan"Takang tanong ko sa kanya

Nginitian niya naman ako ng malawak.Sa ngite niya ngayon kitang kita ko na hindi na ito ngeting may dinaramdam sa loob kung di ngeting totoo at masaya.

"Basta maliban kay Kairon kilala mo ang bago ngayon halika"Sabay hila nito sakin sa bleacher

Nagpatianod naman ako dito.Curious kasi ako kung sino tong bago nilang recruit.Baka mamaya nalang seguro ako mag bibihis kapag nakita ko na itong bago nilang player.

"Bakit hindi mo nalang sabihin kasi"

"Maghintay ka hindi na trill pag sinabi ko sayo ngayon diba,atat masyado"

Napairap nalang ako sa kanya at itinoon ang pansin sa mga players ng basketball namin na naglalabasan na kaya tudo hiyawan ang mga kababaihan na nanonood dito.Ayan na naman itong nakakarinding tilian at sigawan,kaya ayaw kong manood ng ganito eh.

Itinoon ko nalang ang aking pansin sa mga ito na isa-isang naglabasan.Tinitigan ko sila isa-isa at huhulahan ko kung sino dito ang bago.Eh sabi kasi ni Lianna kilala ko baka nga naman diba.

Hanggang sa huling player na lumabas wala man lang akong namukhaan sa kanila na bago.Kasi naman kahit hindi ako gaano nanonood ng laro nila kilalang kilala ko kung sino ang mga player nito at pinangungunahan ito nina Kairon na siyang Team Captain kasunod nito sina Klent at Jairon at iba pa.

Pinagtagpo ngunit hindi Tinadhana(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon