Kabanata 36

907 13 1
                                    

******
"Mr.Cruz,what is this all about"Tanong ni Mr.Sandoval sa coach ng St.Ruah na kasalukuyan na ngayong namamawis at napapalunok dahil sa kaba.

"I didn't do anything Mr.Sandoval"Pag maang maangan nito

May gana pa siyang ipamaang maangan itong lahat eh huling huli na siya tsk!

"Nagsisinungaling ang referre,he is acusing me"

"Mr.Sandoval wag po kayong maniwala sa kanya binayaran niya po ako para dayain ang laro ngayon"Sabat ng referre kaya hindi na nalampasan pa ni Coach Cruz ang paratang sa kanya

Napalingon kaming lahat dito at tinignan ang reaksiyon ni Coach Cruz na masama na ngayon ang tingin sa referre.

"How much he pay you"Tanong ni Mr.Sandoval sa referre

"20,000 Mr.Sandoval.Hindi ko naman sana gagawin ito kung hindi niya ako pinagbantaan na papaalisin dito sa aking trabaho"

Gulat naman kaming lahat dahil sa sinabi nito.Walang hiya pala tong panot na Cruz.Manggagamit para lang maipanalo niya ang laro ngayon.At talaga pang nanggamit pa siya ng innosenting tao,walang hiya.

"Is that true Mr.Cruz"Sabat ng owner nitong St.Ruah

Makikita sa mukha ng mag asawa na disappointed sila sa ginawa ng isa nilang empleyado sa kanilang skwelahan.

"He's a lier,wag kayong maniwala sa kanya"Sigaw nito habang tinuturo ang referre na kasalukuyan ng nakayuko dahil sa hiya ngayon

"Huling huli ka na Mr.Cruz kaya wala kanang takas ngayon.Dahil sa ginawa niyong pandaraya ngayon ang team ng St.Ruah basketball ay ma didisqualified it means nasa San Hereo pa din ang championship"Pag anunsiyo ni Mr.Sandoval sa lahat

"I agree with that Mr.Sandoval.I am sorry for this shit"Pag sang ayon ng kabilang owners kaya wala ng magawa ang lahat kung di tanggapin ang pagkapanalo ng aming team

Agad naman kaming nag sigawan dahil sa tuwa.Habang ang mga fans naman ng kabila ay umaalis nalang.

"Mr.Cruz dahil sa ginawa mo ngayon mapipilitan kaming paalisin ka sa trabaho mo dito"Aniya ng owners ng school na ito na siyang ikinagulat ni coach Cruz

"But--"

"No but's Mr.Cruz pinahiya mo ang school namin ngayon kaya umalis ka na dito bago pa kita ipadampot"Banta niya kaya agad namang nagmadaling umalis si Coach Cruz na siyang nagpatawa sakin

"Buti nga sa kanya"Rinig kong aniya ni Lianna

Pagkatapos ng pandaraya iyon ay agad akong tumayo at dumeretso sa team namin kung saan naka upo sila sa bleachers ngayon kasama si Zhae.Kita ko namang na papa iling na umalis ang kabilang team,na palingon pa ako kay Dion na kasalukuyan ding naka tingin sakin kaya nginisihan ko ito kaya agad itong napaiwas ng tingin.

Hinila ko agad si Lianna at dumeretso kami sa San Hereo team.

"Okey lang ba kayo"Tanong ko sa kanila kaya agad silang napalingon sakin

"Oh Ezhra,Lianna"Aniya ni Jairon samin

"Thanks pala sa inyo mabuti nalang nakita niyo ang pandaraya nila samin dahil kung hindi baka na agaw na sa atin ang championship kung ganon"Aniya ni Kairon saka lumapit sakin bago ginulo ang aking buhok na siyang nagpatawa sa kanilang mga kasama

Sinamaan ko naman agad ito ng tingin bago ko siya tinulak pa balik sa mga kasama niya.Napalingon naman kaming lahat ng tumayo si Zhae at walang pasing tabi na naglakad paalis.

"Zhae saan ka pupunta"Tanong sa kanya ni Klent ng palabas na ito ng gym

"Somewhere"Yan lang ang sagot nito bago kami iniwan ditong nagtataka

Pinagtagpo ngunit hindi Tinadhana(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon