EVERY ONE WAS SHOCKED. Hindi makapaniwala ang mag-ina nang makita nila ang babaeng iyon na kamukhang-kamukha ni Amanda. Nagtagal ng ilang segundo ang babae sa pagkakatayo at tila may pinulot sa daan at saka kumaripas ng takbo. Sinundan iyon ng tingin ni Margaux, at nang napalingon sya sa kanyang ina ay tila natatakot ito at hindi makahinga. Nakakapit ito ng mahigpit sa manubela at nakatulala.
"Mom, who's that girl?", tanong ni Margaux sa ina na tila nagpapanic na. "Tell me, if you know that girl. Is that your twin sister?".
"Margaux", pinakalma ni Amanda ang kanyang sarili. "W-what are you talking about?".
Hindi nagpahalata si Amanda na nakita nya rin ang mukha ng babaeng iyon.
"T-that girl na muntikan na nating masagasan. I thought napansin mo rin. She has exact the same face like you", ang sabi ni Margaux sa kanyang ina. Gusto nyang palabasin sa kanyang ina na nakakakita sya ng kamukha niya.
"I - I don't know what you are saying, Margaux", kinakabahang sinabi ni Amanda. "Basta ang akala ko ay nabangga ko ang babae, that is why laking gulat ko na lang nang muntikan ko na syang masagasaan, and thank God, she's safe".
Napailing na lang si Margaux at tila hindi maipinta ang kanyang mukha. Hindi nya alam kong denial lang iyon ng kanyang ina or sadyang hindi talaga napansin nito na kamukha niya ang babaeng muntikan na nilang masagasaan.
Nang nakarating na sila sa gate ng Citadel International School, ang pinapasukan ni Margaux ay pinagbuksan sila ng guard nito at ipinakita ni Amanda ang gate pass niya para makapasok. Ipinarada muna ni Amanda ang kotse sa parking lot at balak kausapin ang anak na tila hindi mapakali.
"Hon", inayos ni Amanda ang isang hibla ng buhok ng anak na sumira sa maayos na ayos nito. "Don't be scared. I'm here. I don't have a twin, I don't have a dopplegänger. It's your imagination, maybe. Maybe dahil nasa isip mo pa rin ang kagabing nakita mo".
"Mom", natatakot na sinabi ni Margaux. Kumuha ng marker ang bata at nilagyan ng tatlong dot na pormang triangle ang pulso ng ina.
"What are you doing, Margaux?", tanong ni Amanda sa ginawa sa kanya ng anak.
"It's a reminder", sagot ni Margaux na medyo may takot pa ang kumakalmang boses nito. "Maybe you have a dopplegänger. Mas kampante ako that I leave a mark on you bilang palatandaan na ikaw nga ang susundo sa akin mamaya".
Napangiti si Amanda. "Of course, hon", ang sabi ng babae sa anak. "I will be your only mother, and no one else can take that from me".
Margaux gave her Mom a sweet smile. Medyo kumalma na sya at nakampante. "Uhm, hon", pahabol ni Amanda sa anak bago ito umalis. "I can't take you home later. May gagawin pa ang Mommy sa office. Mukhang gagabihin kami. I'll call Mang Samuel to pick you up".
Napangiti lang si Margaux. "It's okay, Mom", at saka hinalikan ang ina sa pisngi at lumabas ng kotse.
Kahit nasa labas na si Margaux ay panay pa rin ang kaway nito sa ina to say goodbye. Isang ngiti ang ipinabaon ng anak sa ina. After a few seconds ay may tinawagan ang kanyang ina at napansin nyang galit na galit ito. Siguro napagalitan na naman nito ang sekretarya nya nito. Sinundan nya ng tingin ang kotse ng kanyang ina na palabas na ng kanilang campus ground.
Hindi maalis sa isipan ni Margaux ang kakaibang nangyayari. Una nyang naisip ang babaeng nakita nya sa labas ng kanilang bahay, at ang pangalawa ang babaeng muntikan na nilang masagasaan. Pero parang may kakaiba sa dalawang babaeng nakita nya kagabi. The first one looked like a killer dahil sa tingin pa lang nito ay parang fierce na at masama makatingin sa paligid. While the second was a nicer if papansinin mo sa mukha when she was shocked nang muntikan na itong masagasaan.
BINABASA MO ANG
The Ghost Wife
Mystery / ThrillerWhat if you're actually dead? And what if you're actually alive?