IT'S AMANDA'S FORTEITH DAY OF HER DEATH. Nagpahanda ng misa si Robert para sa kanyang namayapang asawa. Hindi na nila ito ginanap sa sementeryo para makasama naman nila si Celen dahil nasa ikaapat na kabuwanan na nito at malaki na ang tiyan nito. Ginanap nila ito sa malaking pavilion ng kanilang bahay na malapit sa swimming pool. Sasamahan nya nalang ang paring nagmisa mamaya sa sementeryo para sa pagbendisyon sa puntod ni Amanda. Mas mabuting nag-iingat sila. Medyo nakapag-adjust na ang lahat, lalo na si Margaux na tila nasasabik na makita ang kapatid nya.
They are all wearing white. Magkatabi sina Robert at Celen at tila medyo nagiging mas malapit na ang kanilang mga loob sa isa't-isa. Unti-unti nang nawawala ang sakit na nararamdaman ni Robert mula nang mamatay si Amanda dahil pinuna naman ito ni Celen. Siya ang naging gamot sa mag-ama upang unti-unting maghilom ang mga sugat ng mga ito sa kanilang mga puso.
Sa kalagitnaan ng misa ay biglang tumahol ang bagong aso na bili ni Robert para kay Margaux para mabawasan ang stress at lungkot ng bata. Isa itong Siberian Husky. Panay ang tahol nito sa taas na tila ba may nakikita itong kakaiba. Napatingin ang lahat sa aso dahil kanina pa tahol ng tahol. Kaagad namang tumayo si Robert at pinuntahan ang aso nila.
"Loki, stop!", ang suway ni Robert sa kanilang aso. Pero hindi pa rin ito tumitigil. Napalingon sya sa direksyon ng tinatahulan ni Loki. Sa tabi ng kwarto ni Margaux, sa isang stock room kung saan naroon na ang dating mga gamit ni Amanda. Tinitigan niya ito, at biglang gumalaw ang puting kurtina. Tila may isang babaeng sumilip at nang nakita sya ay bigla nitong binitawan ang kurtina.
Napaatras si Robert at tumakbo naman palayo si Loki dahil natakot na rin. Nakadama sya ng takot. Hindi nya alam kung sino ang babaeng sumilip sa bintana. Nakakatindig-balahibo iyon. Napalingon sya sa mga tao na ibinalik na ang atensyon sa paring nagmimisa, pero nakatingin sa kanya si Margaux na tila may napansin din. Ibinalik nya ang tingin sa itaas. Naalala nya na it's Amanda's forteith day of her death. Naalala nya ang ikukuwento sa kanya ng lola nya noon na sa pagdating ng ika-cuarenta dias ng pagkamatay ng isang tao ay babalik ito. Pero hindi nya nalang ito pinansin. Kung totoo man ito, ay nais nyang makausap ang kanyang asawa, kahit isa na itong multo.
MATAPOS ang misa ay may inihandang mga pagkain ang pamilya para sa mga nagsipagdalo. Panay naman ang asikaso ni Lucilla sa mga bisita habang si Julio naman ay kausap ang mga kumpare nito na may-ari ng mga malalaking kompanya, at nag-iinuman sa isang sulok. Nakaupo lang si Margaux sa sofa at tinitingnan ang picture ng kanyang ina. Nilapitan sya ni Celen para kamustahin ang bata.
"Margaux? Kumain ka na ba?", tanong ni Celen sa bata. "Gusto mo bang ako nalang ang kumuha ng makakain mo? Ano ba ang gusto mo?".
"Wala po akong gana", malungkot na sinabi ni Margaux. "Pakisabi na lang kay Ate Inday na maghatid na lang ng pagkain sa kwarto". At saka tumayo at umalis sa tabi ng babae.
Sinundan ng tingin ni Celen ang bata. Hindi na nya maintindihan ang galaw ng bata. Minsan masaya ito, minsan naman malungkot. Hindi nya ito masisisi dahil hindi pa siguro nito lubusang matanggap ang pagkawala ng ina.
Tinawag ni Celen si Inday.
"Inday, hatiran mo ng pagkain si Margaux sa kanyang kwarto", utos ni Celen sa babae. Agad namang tumango ito at pumunta sa buffet table kung saan naroon ang mga pagkain. Dalawang plato ang inihanda ni Inday kaya nagtaka si Celen.
"Inday, bakit dalawa ang plato? Doon ka rin ba kakain?", tanong ni Celen.
Napahinto sa pagkuha ng pagkain si Inday, at hinarap ang babae. "Ah, opo, Ma'am Celen", ang tanging sagot lang ng babae at pagkatapos nitong kumuha ng pagkain ay nagpaalam na ito kay Celen at umakyat na.
Hindi na niya ito pinagtakahan pa. Malamang ay mas gusto ni Margaux na makausap muna si Inday dahil mas matagal na nakasama ng bata ang babae kesa sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Ghost Wife
Mystery / ThrillerWhat if you're actually dead? And what if you're actually alive?