CHAPTER 7: Second Mother

8 0 0
                                    

"WELCOME HOME!", bulalas ni Lucilla kay Celen nang bumaba ito mula sa van. Pinasundo ni Lucilla ang babae para doon na muna manirahan sa mansion nila Robert, at pumayag naman ang lalaki para may makasama naman si Margaux kapag pupunta sya ng trabaho at para mabantayan nila ang pagbubuntis nito.

Temporary lang raw, pero sa dala-dalang mga gamit ni Celen ay parang balak na nitong tumira sa bahay permanently.

Napangiti naman si Celen nang salubungin ng matanda at binigyan ng isang mahigpit na yakap. Inutusan ni Lucilla ang mga kasambahay na dalhin ang mga gamit ng babae at ipunta sa ipinahanda nilang kwarto para kay Celen. May hila-hila itong maleta at tila hindi makapaniwala sa laki ng bahay ng mag-asawang Robert at Amanda.

"I'm sure matutuwa si Margaux kapag nakita ka", sabi ni Lucilla sa babae. "Tatlong araw nang hindi lumalabas ng kwarto ang bata after ng libing ni Amanda. Nag-aalala na kami. Kailangan nya siguro ng karamay. She needs a mother".

Hindi na umimik pa si Celen. Naaawa sya sa bata dahil sa pinagdaanan nito sa mga nakalipas na araw. Niyaya na ni Lucilla ang babae na pumasok at inutusan si Inday na kunin ang dalang maleta nito. Sa tingin pa lang ni Inday kay Celen ay halatang ayaw nya rito dahil mukhang mataray at suplado. Isang ngiti ang ibinigay ni Celen sa babae pero hindi sya nito ginantihan.

Sa pagpasok pa lang ng bahay ay makikita ang napakaluwang na sala. The house is matté gray and white ang theme na may pagka-contemporary ang interior at exterior design. Siya mismo kasi ang gumawa nito, as their former interior designer. May nag-iba nang kaunti, pero ayos naman. Sa isang wall ay may nakasabit na wedding photo ni Robert at Amanda nine years ago. Tiningnan ito ni Celen at napangiti sa dalawa. She is smiling while staring at the photo. Nilapitan sya ni Lucilla.

"If you want na alisin yan, okay lang", mahinahon na sinabi ni Lucilla sa babae.

Nilingon ni Lucilla ang matanda. "Tita Lucilla, it's okay. Nandito ako para hindi agawin ang pagiging ina at asawa ni Amanda sa kanyang naiwang mag-ama. I'm just here for my child", sabay hawak sa tiyan.

Napangiti lang si Lucilla at hinawakan ang kamay ni Celen. "You will be a mother soon, at sana after this death year of Amanda ay yayain ka ng kasal ni Robert. He still loves you at nakikita ko iyon sa kanya".

"Tita, hindi naman basta-basta mangyayari iyon. Hayaan na lang natin si Robert na pagluksaan ang pagkamatay ni Amanda. Hindi ko sya pipilitin, at wala akong intensyon na mang-agaw", ang sagot ni Celen.

Pero pinipilit talaga ni Lucilla na bigyan ni Celen ng chance si Robert na pakasalan ito. "Amanda is dead, at wala ka nang kaagaw".

Hindi na makapagsalita si Celen. Biglang dumating si Robert na tila kagigising pa lang. Nakasuot pa ito ng white shirt at sleeping pajama.

"Oh, andito ka na pala. Kumain ka na ba?", tanong ni Robert sa babae. "Ma, may breakfast na ba?".

"Ah, oo", sagot ni Lucilla. "Actually, handa na ang breakfast. Tamang-tama at kararating lang ni Celen. Halika at kumain na tayo".

"Si Margaux po?", tanong ni Celen sa matanda. "Hindi po ba sya bababa?".

Napahinga ng malalim si Lucilla. Maski sya ay naaawa sa kalagayan ng apo. "Hindi na muna natin istorbuhin ang apo ko. Dinadalhan nalang siya ni Inday ng makakain. Malamang ay tulog pa ito dahil magdamag na naman sigurong umiyak kagabi".

Dumiretso na sila sa dining room at umupo na ang lahat. Nakaupo si Robert sa may dulo habang sa kanang bahagi nya si Celen at sa kaliwang bahagi ay sina Lucilla at Julio na kumain kaagad dahil nagugutom na ito. Maraming inihandang pagkain si Lucilla lalo na at dumating na si Celen, as their temporary guest, sabi pa nya.

The Ghost WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon