CHAPTER 9: The Haunt Continues

25 1 0
                                    

MAKIKITANG kumakain ng breakfast sila Robert, Celen at Julio. Hindi sila sinamahan ni Lucilla dahil hindi pa rin ito bumabalik sa dati at nakatulala pa ito at bigla nalang iiyak. Sobrang takot ang naramdaman ni Lucilla na tila sumisira sa kanyang katinuan. Napansin naman ni Celen na tila may dala na namang pagkain si Inday papunta sa kwarto ng bata. Hindi na niya ito pinigilan dahil ayaw ng bata pa siguro na kumain kasama sila.

"Robert", tawag ni Celen sa lalaki. "Bakit hinahayaan mong hindi sumama si Margaux na makisalo sa atin? Halos palagi nalang ganyan. Hinahatiran ng pagkain. Hindi man lang natin sya nakakasama kumain".

Napahinga ng malalim si Robert bago nagsalita. "Palagi ko syang kinakausap pero hindi pa rin siguro matanggap ng bata ang pagkawala ng kanyang ina", ang sabi ng lalaki. "Hahayaan ko na lang muna sya na maka-move on, lalo na't mahirap pilitin si Margaux dahil masyado pa syang bata para i-handle ang sitwasyon na nangyayari sa atin".

"We can take her to a psychologist. May kilala akong magaling na doktor. Para matulungan si Margaux na gumaling", sabi ni Celen na tila concer na sya sa nangyayari sa bata. "Hindi ako sa nakikialam dahil hindi naman ako ang ina ni Margaux, pero ayoko lang na makita ang bata na nahihirapan na sa sitwasyon".

Ilang sandali ay hinatiran sya ni Inday ng kape matapos nitong bigyan ng pagkain si Margaux sa itaas. Nakatitig si Robert sa kape na tila may nais na naman syang tanungin kay Inday sa oras na matikman nya muli ang tamang timpla ng kanyang asawa. Hindi sya nagkamali. Iyon na naman ang timplang hinahanap nya. Kinausap nya ulit si Inday at pinipilit na sagutin sya kung sino ang nagtitimpla ng kapeng iyon.

"Who did this?", tanong ni Robert sa babae. "Bakit kuhang-kuha mo ang timpla ng asawa ko?".

Nagtaka si Inday sa sinabi ni Robert. "Sir? Bagong biling 3-in-1 Coffee Mix po yan".

"Hindi ito ordinaryong coffee mix, Inday. May nagsasadya ng tamang timpla", dagdag ni Robert na tila nagagalit na dahil hindi sumasagot ng maayos si Inday. "Sino ang nagtimpla nito?".

Isang seryosong mukha na ang ipinakita ni Robert. Natatakot na rin si Inday sa amo, kung kaya ay hinawakan ni Celen ang kamay ng lalaki para pakalmahin.

"Sa totoo po nyan, tinuruan po ako ni Ma'am Amanda noon dahil baka kung aalis sya ay pwede ko kayong pagtimplahan ng kape", nanginginig na sagot ni Inday.

"Next time, huwag ka nang magtimpla ng kape na kagaya nito. And don't make a coffee for me anymore", tugon ni Robert kay Inday.

Ningitian na lang ni Celen ang babae at pinaalis na lang para makaiwas na sa lalaki kung sakaling tuluyang magalit ito.

"Hijo", tawag ni Julio sa anak. "Aalis na kami ng Mamá mo mamaya. Doon na kami sa bahay at nang maging maayos naman ang pakiramdam nya dahil sa nangyari kagabi".

"Tiningnan mo na ba ang CCTV footage kagabi?", tanong ni Celen sa lalaki. "Ito ang makakapagsabi sa atin if Tita is telling the truth".

"Lahat ng CCTV record were all deleted. Someone manipulated the PC kagabi at para hindi makaiwan ng ebidensya", ang sabi ni Robert kay Celen. "Hindi multo ang gumigimbala sa atin, kundi tao. At kailangan natin malaman kung sino ito".

"Then, paano natin matutukoy kung sino ito? Wala syang iniiwang ebidensya na makakapagturo sa atin kung sino sya?", tanong ni Celen.

"I invited some investigators sa bahay", sagot ni Robert. "The fingerprint of that person ang maghahatid sa atin ng sagot kung sino ang pumasok sa atin kagabi. The knife, the doorknob, the PC".

"Well, kung ganon, ako nalang ang sasama kay Margaux sa kaibigan kong psychologist. Nagpadala na ng sulat ang Citadel dahil ilang araw nang hindi pumapasok si Margaux at malapit na ang exam nila", ang sabi ni Celen. "After namin bumisita sa doktor ay didiretso kami sa Citadel para kausapin namin ang principal nila pati na rin ang adviser nya".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Ghost WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon