Part 8

368 14 1
                                    

Present Time

 

Ano pa bang inaasahan natin? Ano pa ba sa tingin niyo ang sumunod na nangyari?

Syempre, hindi nagtagal ay na-develop na kami sa isa’t-isa ni Gretell. Napaka-unexpected ng lahat. Napaka-unpredictable. Noon lang ako naka-relate sa lyrics na, “You were just a dream that I once knew. I never thought I would be right for you.

Napaka-out-of-reach ni Gretell, at hindi ko akalain na ang isang katulad niya ay mahuhulog ang loob para sa akin.

Pagkatapos ‘non ay tinotoo ni Gretell ang mga sinabi ko —na layuan niya na ako. Kasi lumayo nga talaga siya. Oo, alam kong masakit ang mga nasabi ko sa kanya ‘non, pero hindi ko naman ginusto  na mangyari ‘yon di’ba? Nadala lang ako sa mga sinasabi nila. Na-insecure lang ako. Masyado lang akong na-concious. Pasensya na, pero mababa lang talaga ang tingin ko sa sarili ko.

Pero hindi ko ‘yon pinalampas. Sinuyo ko si Gretell. Wala na akong pakialam sa kung anong sasabihin nila sa akin o iisipin nila. Bakit? Kasi hindi naman talaga nila ako kilala. Isa ‘yon sa mga bagay na natutunan ko habang kasama ko si Gretell—‘wag mong intindihin ang mga sinasabi sa’yo ng ibang tao lalo na kung hindi naman ito totoo.

Ginawa ko ang lahat para makuha ko ulit ang loob niya. ‘Yong mga bagay na hindi ko naman ginagawa dati, nagawa ko ‘non dahil lang kay Gretell. Sobra akong nag-effort para sa kanya.

Dahil bawat araw na nakikita at nakakasama ko siya, mas lalo lang ako nahuhulog sa kanya.

Pero, Gretell, alam mo ba kung ano ang na-realize ko ngayon? Na kahit pala matagal na kitang hindi nakikita, kahit na hindi ko na nakikita ang matatamis mong ngiti, kahit na hindi ko na naamoy ang mabango mong buhok, mas lalo ka pa palang napapamahal sa akin.

Tatlong buwan kong niligawan si Gretell ‘non. At sa loob ng tatlong buwan, araw-araw ko siyang binibigyan ng isang pulang rosas. Hindi ako nagsawang bisitahin siya araw-araw sa classroom nila, at ihatid-sundo siya papunta sa kanila. Nang mga panahong ‘yon, para bang napakaganda ng buhay para sa akin. ‘Yon ‘yong mga panahon na na-appreciate ko lahat ng meron ako. Gumanda ang buhay ko nang makilala ko si Gretell.

At hindi rin nagtagal, sa ika-100 na araw ng panliligaw ko sa kanya, nakamit ko na rin sa wakas ang kanyang matamis na “Oo.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letters to RomeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon