Ang araw ng pagdating ng anak ni lola Milla.
"Anak napaaga ata ang dating nyo? Di ko pa nahahanda ang magiging kwarto nyo ng asawa mo." Pagbungad ni lola Milla habang tinutulungan bumaba ang anak na buntis.
"Medyo inagahan ko po talaga 'nay para naman medyo magtagal ako dito sa inyo. Namimiss ko na po kasi kayo ni tatay" sagot ni Yula habang pababa sa tricycle na inarkila.
"Pasensya na ho nay, masyadong nagmamadali kasi to si Yula kaya maaga kami sa nakatakdang panahon ng pagpunta dito"
Nagmano naman si Dino sa kanyang biyanan bago ibaba ang mga gamit na kanilang dala.
"Magpahinga na muna kayo sa sala habang inaayos ko pa ang magiging kwarto nyo.." Si lola Milla.
Sumang- ayon naman ang mag asawa kaya nagpahinga muna sila sa may sofa. Pumwesto ng upo si Yula sa tapat ng pintuan para makasagap na rin sya ng sariwang hangin habang nagpapahinga. Ang asawa naman niyang si Dino ay tinatapos munang itabi ang mga gamit na kanilang dala.
Di pa nagtatagal sa pagkakaupo si Yula nang mapansin niyang may matandang babae na nakatingin sa kanya di kalayuan ng kanilang bahay. Di niya sigurado kung nakita na ba nya ang matanda o baka kakilala talaga nila iyon. Tatawagin niya sana ang ina nang mapalingon uli si Yula sa gawi ng matanda, pero hindi niya na mahagilap ng paningin kung saan nagpunta. Ang ipinagtataka niya lang ay kung paano nangyaring di niya na agad makita samantalang sigundo lang ang pagitan ng paglingon niya.
Binalewala nalang ni Yula iyon, naisip niyang itanong nalang mamaya sa ina niya kung sino ang matandang iyon. Pamilyar din kasi sakanya, pero di niya lang matandaan dahil dalawampong taon siyang di nakabalik sa lugar nilang iyon. Nagkikita lamang sila ng mga magulang niya dahil sa kanilang lugar niya lagi pinapunta ang magulang kasama ang mga pamangkin niya.
Hindi nmn mahirap alagaan ang mga pamangkin niya sapagkat madali lang makaintindi ang mga ito. Kaya naisasama sila nila lola Milla kapag nagbabakasyon o dumadalaw ang dalawang matanda. Tulad ngaun, naiintindihan ng mga pamangkin niya na nagpapahinga sya pero nagmano lang sa kanilang mag asawa ang mga ito.
Binigyan niya ng pasalubong ang mga bata kaya tuwang tuwa itong lumapit sa kanya. Kinukumusta niya ang pag-aaral ng mga ito, ang alam niya ay magagaling sa klase ang mga bata. Mabuti na lang ay mababait ang mga ito kahit malayo sa mga magulang.
Si Laila ang panganay sa lahat. Masipag ito sa gawaing bahay at nakakatulong ng mabantay sa mga nakakabatang mga kapatid.
Si Lenie namang ang sumunod sa nakakatanda. Siya ang may kakulitan sa tatlo pero nakikinig naman pag napapagsabihan.
At si Lanie ang bunso. Paboritong panggigilan ni Yula dahil sa kacute-tan nito. Matalino sa klase at pinakamalambing sa tatlo.
Sumapit na ang gabi...
"Anak, halina kayo. Maghahapunan na tayo." Pagtawag ni lola Milla sa bagong dating na mag asawa.
Nasa harap na ng hapag ang lahat. Natutuwa si Yula sa pagiging behave ng mga bata at asal nila sa hapag kainan. Meron talagang mga weird feelings ang mga buntis kahit pa sila ay malapit ng manganak.
Natutuwa lagi si Yula na makita ang mga pamangkin niya. Lalo na kapag humahagalpak sa kakatawa ang mga ito kapag nagkukulitan.
Nang matutulog na sila, saka naalala ni Yula ang itatanong niya sana sa ina. Iwinaksi na lang sa isip ni Yula ang tungkol doon kasi alam naman niyang hindi naman mahalagang bagay iyon.
Maghahating gabi na, di pa rin makatulog si Yula. Malamig naman sa lugar na iyon pero parang banas na banas siya. Napagod siya sa biyahe nila ng asawa niya pero nahihirapan siyang matulog. Naisipan na lang niyang pumunta muna sa kusina upang uminom. Tatayo na sana siya sa kama niya nang may marinig siyang parang kambing na may nginunguya.
Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya, parang nasa tapat lang ng pinto ng kwarto nila ang ingay na iyon. Gusto niyang gisingin ang asawa pero naghihilik pa ito sa sobrang sarap ng tulog.
Nilakasan na lang niya ang loob niya, kahit medyo nahihirapan siyang bumangon dahil sa laki ng tiyan niya. Nagtatanong siya sa isip niya kung baket may kambing sa loob ng bahay.
"Paanong may nakapasok na kambing? Isa ba ito sa mga alaga ni tatay?" Naitanong na lang ni Yula sa sarili kahit kinakabahan siya habang papunta sa pinto ng kwarto.
Ipipihit na niya ang seradora ng pinto nang biglang may bumukas na ilaw. Medyo nagulat pa siya pero nagkaroon siya ng lakas ng loob na lalong buksan ang pinto.
Pagbukas niya ay wala siyang nakitang kambing o anoman na nagsanhi ng bahagyang ingay kanina sa tapat ng pintuan nila.
Nakita niyang papalabas ng kwarto ang kaniyang ina.
"Baket gising ka pa anak?" Naitanong ni lola Milla ng makita siyang nakatayo sa pintuan ng kwarto nila.
"Nauuhaw lang po ako 'nay" iyon nalang ang sinabi niya sa ina para di na siya tanungin pa. Medyo napahiya din kasi siya sa sarili niya. Kung anu-ano lang siguro ang naiisip niya pero wala naman pala talagang ingay sa may pintuan nila.
"Nauuhaw ka rin ba 'nay?" Pagtatanong ni Yula sa ina.
"Hindi. Pupunta lang ako sa banyo at sisilipin ko na rin ang mga bata sa kwarto nila." Maikling paliwanag ni lola Milla.
BINABASA MO ANG
KAPIT-BAHAY
Mystery / ThrillerNaniniwala ka ba na may Aswang? Nakamasid lang sila sa paligid kung sinu-sino ang kanilang bibiktimahin.Ano ang mangyayari sa muling pagdalaw ng buntis na anak ni lola Milla sa kanila? Magiging masaya ba sapagkat madadagdagan ang kanilang pamilya o...