Chapter 6

1K 41 27
                                    

Isang nilalang na abot abot ang ngiti na nagkukubli sa puno katapat ng kwarto ni Yula. Hindi na siya makapaghintay sa pagsugod pero kailangan niya ang mag-ingat.

Blag!!!

Ingay na mula sa bubong ng bahay. Si Laila lamang ang nakapansin sa ingay dahil sa sobrang pag aalala at pag aasikaso ni lola Milla sa anak.

"Ano kaya iyon? Parang ang bigat ng bumagsak sa bubong.." naisaloob ni Laila.

Hindi pa nagtatagal ay narinig naman ni Laila na may nagpalakad lakad na sa bubong.

Kinakabahan man ay hindi niya binabanggit sa lola. Alam niyang abala na ito kaya wala siyang balak dagdagan ang mga isipin ng lola niya sa mga oras na iyon.

Lumapit si Lanie at Lenie sa kanya.

"Ate may narinig kame sa taas, ano ba iyon?" Pagtatanong ni Lenie.

"Huwag niyo ng intindihin 'yon, baka ibon lang. Ipaghahanda ko kayo ng hapunan. Kumaen na lang tayo ng maaga at matulog na kayo pagkatapos. Mamaya pa ako magpapahinga hanggat di pa nakakauwi sila lolo at tito Dino." si Laila.

Hindi man natunugan ni lola Milla ang nangyayari sa bubong ng bahay nila, may palagay siya na hindi magiging maayos ang panganganak ni Yula dahil na rin sa nangyare sa nakaraang gabi.

Walang kamalay malay ang mga tao sa loob ng bahay na minamatyagan sila ng nilalang. Gusto niya ng makuha ang bata sa sinapupunan ni Yula. Natatakam na siya dahil para sa kanya ay wala ng mas sasarap pa sa bagong silang na sanggol.

Nakadapa na ang nilalang habang nakasilip sa butas ng bubong. Hindi pa siya nakontento at bumaba naman siya sa may puno malapit sa bintana ni Yula. Lumapit pa sa bintana na parang gustong gusto niyang pasukin ang kwarto. Kulang na lang ay doon siya sa mag abang sa mismong paanan ng manganganak.

Bukas ang bintana ng kwarto kaya kitang kita niya ang nangyayari sa loob. Nag anyong aso siya para makalapit ng husto sa bintana at makadungaw. Palapit na siya ng papalapit ng biglang may liwanag sa paparating na nakakasilaw kaya dali daling siyang tumakbo sa madilim na parti ng likod ng bahay.

Dumating na sila lolo Armando at Dino kasama ang kumadronang si silvia at pamangkin nitong nagmaneho sa tricycle.

"Aaaahhh! Sobrang sakit na 'nay". Pagdaing ni Yula sa ina.

"Nandito na sila anak, huwag kang mag-alala." Si lola Milla.

Pinagbuksan agad ni lola Milla ang mga bagong dating. Laking pasasalamat ni lola Milla at nakarating na sila. Kahit papaano ay may lumuwag ang kanyang paghinga dahil kabalik ang kanyang asawa at si Dino agad.

Agad pinutahan ng kumadrona si Yula. Hindi na masyadong nag utos ng kailangan niya ang kumadrona dahil naihanda na ni lola Milla ang mga kakailanganin. Tinignan niya kung gaano na ba kababa ang batang isisilang. Sinukat ni Silvia gamit ang daliri kung naaabot naba nito ang ulo ng bata.

"Papalabas na pala ang bata hija, umiri ka lang ng malakas tiyak akong lalabas na ito." si Silvia.

Nasa tabi naman ni Yula si lola Milla para alalayan siya ng ina. Lumipas ang isang oras ay hindi pa rin lumalabas ang bata kahit pa halos maubusan na ng hininga si Yula.

"Nakapagtataka, napakalapit na ng ulo ng bata pero bket ayaw lumabas? Hija, kailangan mong itodo ang pag ire mo. Hindi makakalabas ang bata kung hindi mo siya tutulungan." Ang kumadrona.

"Pagod na pagod na ho ako. Ginawa ko naman po ang sinabi niyo." Pagpapaliwanag ni Yula sa mahinang boses dahil sa pag ubos ng lakas nito sa pag-ire.

"Magpahinga ka muna sa pag-ire. Babalikan kita mamaya. Baka kailangan lang ng konting panahon pa para lumabas ang bata." Mungkahi ni Silvia.

Lumabas muna ang kumadrona sa kwarto. Si Dino naman ang pumalit sa kwarto at pinuntahan ang asawa. Awang awa siya sa itsura ng kanyang asawa, kitang kita niya sa mukha ang paghihirap nito. Samantalang lumabas na rin si lola Milla at pumunta sa mga bata. Tulog na sina Lenie at Lanie, si Laila na lang ang gising at nagtitimpla ng kape para sa kumadrona. Pinagpahinga niya na si Laila dahil lumalalim na ang gabi kaya agad naman tumugon ang apo.

Kinausap niya si Silvia dahil hindi niya maintindihan kung baket hindi nito nagawang tulungan sa panganganak si Yula.

"Hindi ko maintindihan Aling Milla kung bakit hindi tumutulak ang bata palabas. Maraming beses na akong nagpaanak pero pangatlo na siya na ganyan kahirap paanakin."

"iyon bang mga napaanak mo ng katulad sa sitwasyon ni Yula ay naging ligtas?"

"li-ligtas naman po aling Milla, pero ang bata..." natahimik ang kumadrona.

"anong nangyare Silvia? A-anong nangyare sa bata?" kinakabahang tanong ni lola Milla.

"nang mailabas ang bata ay nawawala. Hindi namin alam kung sino ang kumuha pero hindi ako sigurado sa pinagbibintangan ko." kabadong paliwanag ng kumadrona.

"sa-saan ang bata? paano nawala? Sino ang alam pwedeng kumuha?" gulat tanong ni lola milla.

"hindi namin alam.. Ba-basta nawala po.. Pero hininala namin noon na aswang ang may gawa. Ayaw kong maniwala pero Aswang lang naman po ang kayang gumawa noon diba po aling Milla?".

"aalamin natin kung sino ang may gawa Silvia, sa ngayon wala tayong basehan. Tulungan mo sana ang anak ko." tanging nasabi ni lola Milla.

Nakaramdam ng takot si Silvia pero gusto niyang malaman kung sino ang gumawa ng krimeng iyon. Kaya naging buo ang loob niya at hindi niya hahayaang maunahan na naman siya sa bata. Kailangan niyang tulungan si Yula.

----pasensya na po kung napatagal ang update, nagbakasyon po kc.. Comment lang po kau kung anong kapuna punA sa kwento ko.. First time ko lang po magsulat..kaya pagpasensyahan nlng kung di man maganda sa palagay nyo :-) suggest po kau sa gusto nyo maging ending, medyo malapit na kc.. Edidicate ko po sa mapipili ko na suggestion.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KAPIT-BAHAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon