Chapter 4

1K 16 0
                                    

"Ayos ka lang ba anak? Kanina ko pa napapansin parang matamlay ka at hindi masyadong nagsasalita." Puna ni lola Milla sa anak.

"Okay lang po ako 'nay. Kulang lang siguro ako sa tulog." Pagdadahilan ni Yula.

"Eh kung gusto mo magpahinga ka na lang muna anak. Sabagay, maghahating gabi ka na nagpahinga. Mamaya na lang tayo pupunta kanila mareng Soling. Diyan lang naman iyon kalapit bahay natin nakatira." Mungkahi ni lola Milla.

"Huwag na lang ho nay, mamaya na lang ako magpapahinga pagkauwi natin. Gusto ko rin naman pong makilala si Aling Soling. Hindi ko na ho kasi matandaan ang mukha niya pati kay Tanya." si Yula.

"Siya, ikaw ang bahala anak. Tara na para maabutan natin si mareng Soling sa kanila. Umaalis kasi iyon sa bahay nila ng mga ganitong oras at hapon na kung minsan bumabalik." Paliwanag ni lola Milla.

Sumang ayon naman si Yula. Kaya lumabas na sila sa kanilang bahay. Naiwan naman ang kanyang asawang si Dino dahil nagsisibak pa rin ito ng malalaking kahoy. Hihintayin na lang daw ni Dino ang kanyang tatay para makipagkwentuhan dito.

Sa bahay ni Lola Soling..

"Tao po.. Tao po.. Mareng Soling.." Pagtawag ni lola Milla sa kapit bahay nila. Ilang beses pa siyang nagtawag pero walang lumabas.

"Wala naman sigurong tao nay.. baka nakaalis na" si Yula.

"Siguro nga anak, balikan na lang naten mamayang hapon. Si mareng Ester na lang ang puntahan natin." Suhistyon ni Lola Milla.

"Saan ang punta niyo mare?"

Akmang aalis na ang mag-ina nang marinig nila ang boses na nanggaling sa bahay ng kanilang sadya. Pagharap ni Yula sa babaeng may-ari ng boses ay laking gulat niya na ang taong hinihiling niya na huwag na sana niyang makita muli ay ang taong kumare pala ng ina niya.

Gustong umatras ni Yula at magmadaling umuwe pabalik sa bahay nila. Pero hindi niya maigalaw ang katawan dahil sa kabang nadarama.

Hindi maintindihan ni Yula kung bakit abot-abot ang kaba niya tuwing nakikita ang matanda, samantalang wala naman itong ginagawang masama sa kanya.

Ang tanging nagawa lang naman ng matanda ay ang tignan siya pero sa tuwing magsasalubong ang kanilang paningin ay sobra ang kanyang kaba na hindi maintindihan kung bakit.

"Mare! akala ko walang tao, naisip tuloy namin na baka nakaalis ka na. ito nga pala ang anak kong si Yula, ipapakilala ko sana sayo. Matagal na din kasi noong huli siyang nandito. Natatandaan mo pa ba siya? Siya ang laging kalaro ni Tanya noon." Pag umpisa ni Lola Milla sa kumare niya.

"Pasensya na kung natagalan ako lumabas.Abay napakagandang ginang na ng anak mo mare. Malapit na bang manganak yan? Natatandaan ko pa siya mareng Milla. Madalas silang maglaro ng anak ko sa inyo noon, mabuti nga at may naging kalaro ang anak ko. Kahit papaano nalilibang iyon dahil lagi pa akong nasa bukid." Pagpapaliwanag ni lola Soling.

"Wala iyon mare, kabuwanan na niya at naisipan niyang sa bahay manganak para na rin maturuan ko siya ng konting kaalaman sa pagiging ina. Unang pagbubuntis pa lang kasi ni Yula." Pagpapaliwanag ni lola Milla.

"Oh anak, batiin mo si tiya Soling mo."

Parang umurong ang dila ni Yula at hindi niya alam kung anong sasabihin pero hindi niya pinahalata ang kabang nadarama sa mga kaharap. Pinilit niya ang sarili na kalmahin at magsalita.

"Ma-magandang umaga po. Kamusta po Tiya Soling?" Medyo nauutal na bati ni Yula sa matanda. Napansin niyang sa tiyan niya nakatitig ang matanda. Sobrang naiilang siya sa pagkakatitig nito.

"Mabuti naman, pasok muna kayo para makapag meryenda kayo." Pag anyaya sa kanila ni lola Soling. Kinabahan lalo si Yula sa paanyayang iyon ni Lola Soling. Parang di niya gustong makapasok sa bahay ng matanda.

"Naku salamat na lang mare.. Ipapakilala ko pa si Yula sa iba nating kumare at kapit-bahay. Katatapos lang din namin mag-agahan." Pagtanggi ni Lola Milla.

"Ah ganoon ba? Sige mare, kayong bahala.Saan ba kayo susunod na pupunta?" Si lola Soling.

"Dito lang kanila mareng Ester. Sa kasunod lang na bahay mo." Sagot ni lola Milla.

Habang magkausap ang dalawang matanda, naiisipan ni Yula pagmasdan ang bahay ni lola Soling. Doon niya napagtanto na malapit lang sa likod ng bahay nila ang bahay ni lola Soling. Halos magkatapat lang ang likod bahay nila pero may distansya pa dahil may kalawakan ang likod ng bahay nila.. Doon kasi nakakulong ang mga alagang hayop ng tatay niya.

Hindi ipinapahalata ni Yula na nagmamasid na siya sa paligid ng bahay ni lola Soling. Iba kasi ang pakiramdam niya sa matanda. "Parang may mali sa kanya. Ang werdo ng pagkakatingin niya saakin." Naisaloob ni Yula.

Nagpaalam na sila kay lola Soling kaya medyo guminhawa ang pakiramdam ni Yula habang papalayo na sila sa matanda. Hindi na siya nag abala na pakinggan o intindihin ang pinag uusapan ng dalawang matanda. Basta ang nasa isip niya lang ay gusto na niyang makalayo sa matanda. Bukod kasi sa mga tingin sa kanya ng matanda, di niya gusto ang amoy nito na parang malansa.

Nagpatuloy sila sa sumunod na kapit-bahay nila. Nahihiya na siya dahil sa pagbibida sa kanya ng ina niya sa ibang kapit-bahay. Pero hindi naman nagtatagal ang usapan dahil nagpapaalam na rin agad ang nanay niya sa mga kausap.

Pagkauwi nila sa kanilang bahay ay nagpaalam na siya sa ina na magpapahinga na muna siya.

"Magpapahinga na po muna ako nay, mamaya na lang kita tutulungan maghanda sa kusina."

"Sige anak, huwag mo ng problemahin sa kusina. Kasama ko naman ang tatay mo. Alam mo naman iyon, gusto lagi na ipagluto kayong magkakapatid."

Pumasok na silid niya si Yula. Naiisip na naman niya si Lola Soling. Humiga na siya sa kama at ang matanda pa rin ang iniisip niya hanggang sa makatulog siya.

Nagising si Yula sa yugyog. Pagmulat niya ay ang kanyang asawa ang bumungad sa kaniyang paningin. Napansin niya sa labas ng bintana nila na hindi na tirik ang araw.

"Hapon na pala mahal.. napahaba pala ang tulog ko."

"Hindi na kita inabalang gisingin kaninang tanghalian, sarap kasi ng tulog ng mahal ko. Tara sa kusina, kailangan mo kumain para sa baby natin." May ngiting paglalambing ni Dino sa kanyang asawa.

Napangiti na lang si Yula sa kanyang asawa. Lagi talaga itong sweet sa kanya. Maalalahanin pa lalo nang magbuntis siya sa magiging panganay nila.

Sumapit na naman ang gabi. Kakulitan ni Yula ang mga bata bago ito magsipag tulog. Tinuruan niya rin sa assignment ang mga ito. Pagkatapos ay siya na rin ang nagpatulog.

Ang asawa naman niyang si Dino ay nakikipag bonding sa kanyang ama. Nag-iinuman sila sa kusina. Ang ina naman niya ay nanunuod ng paborito nitong teleserye sa gabi.

Naisip na lang ni Yula na magbasa muna sa kwarto nila. Hindi niya kasi type manuod ng mga teleserye na love story, mas gusto niya pa ang mga horror dahil may thrill.

Nilibang na lang ni Yula ang sarili sa binabasa niya sa wattpad habang inaantay ang asawang si Dino.

Malalim na ang gabi nang matapos si Lolo Armando at si Dino sa inuman nila. Si Yula naman ay gising pa rin kahit inaantok na. Sinadya niya talagang antayin ang asawa dahil hindi siya komportable matulog mag isa sa kwarto nila.

"Baket gising ka pa mahal? makakasama sa baby ang pagpupuyat mong iyan." Puna ni Dino sa kanyang asawa.

"Inaantay lang kita mahal, di pa kasi ako makatulog." Paliwanag ni Yula.

"Ganoon ba, magpahinga na tayo. Marami-rami din yong nainom namin ni tatay, matibay sa inuman si tatay kahit hindi niya bisyo." Pagyaya ni Dino sa asawa sabay halik nito ky Yula.

Mabilis nama nakatulog ang mag asawa.

Madaling araw ng maalimpungatan si Yula. Napadako ang tingin niya sa bintana ng kwarto nila.

"Nakabukas? Sinarado ko ang bintana bago ako humiga. Binuksan kaya ito ni Dino?"naisaloob ni Yula.

Nilapitan ni Yula ang bintana upang isara dahil pakiramdam niya ay may nakamasid sa kanya mula sa labas.

KAPIT-BAHAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon