Lingid sa kaalaman ni Yula, nakaramdam din pala ng kakaiba si Lola Milla habang nakahiga sila.
Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Naiisip niya tuloy ang mga bulong bulungan sa lugar nila tungkol sa aswang na sinasabi.
Para sa kanya kung meron mang aswang, matagal ng nanahimik ang mga nilalang na iyon. May mga alam naman si lola Milla na pangontra sa mga ganoong nilalang dahil sa rin sa kaalaman ng kaniyang ina na naipasa sa kanya.
Tinuruan siya ng mga panglaban sa mga ganoong uri ng nilalang. At pati ang asawa niyang si lolo Armando ay may kaunting kaalaman din dahil laking probinsya sila at mapamahiin.
Naiisip na lang ni lola Milla na bumangon muna para mag banyo at silipin na rin ang mga bata at ang kanyang anak. Kinukutuban siya na baka mapaano si Yula lalo pa sa kalagayan nito na malapit ng manganak.
Hindi naman niya inakalang gising pa si Yula pagkalabas niya ng kwarto. Bago bumalik ang anak sa silid, niyaya niya ito na ipakikilala siya bukas sa kaniyang kumare at iba pang kapit-bahay na hinde siya kilala.
Samantala...
Isang anino ang nagkukubli sa malaking puno sa katabing bahay nila Lola Milla. Punong puno ng galit ang kaniyang mga mata na nakamasid sa tahanan kung saan naroon si Yula.
Nanggigigil siya, natatakam. Kaya naisip niyang umalis na lang at maghanap ng ibang bibiktimahin.
Hindi pa nakakalayo ang nilalang nang may mamataan siyang lasing na pasuray suray maglakad. Pakanta kanta pa ito kahit pa ekis ang lakad.
Nagkubli ang nilalang sa isang madilim na damuhan. Aabangan niya ang lalaki, nagugutom na siya. Uubusin niya ang lamang loob nito at lalapain niya pati ang laman nito. Magiging pagkain niya ang lalaki ng ilang araw. Hindi siya pwedeng mambiktima araw-araw dahil baka may makahuli sa kanya.
Nang mapalapit na ang lalaking lasing sa pinagkukublian niya, nag anyong baboy na itim siya at lumabas sa pinagtataguan.
"Oy! May ligaw na baboy. Tamang tama, iihawin ko to para may maging ulam at may ipangpupulutan kame ng mga kumpare ko." Ang nasabi ng lasing pagkakita niya sa baboy na itim.
Walang kamuwang muwang ang lasing na ang buhay niya ang nasa panganib at magiging pagkaen ng nasa harapan niya.
Sinugod ng nilalang ang lasing, di naman natinag ang huli. Nakahanda siyang hulihin ang itim na baboy. Ngunit habang papalapit na sa kanya ang itim na baboy ay laking gulat niya ng magbagong anyo ito.
Naglabasan ang pangil at nagtaasan ang malagong buhok, patayo na tumatakbo palapit sa lasing. Ang mga kuko ay nagsipaghabaan sa paa at kamay. Naging korting tao na may mga mabibilog at mapupulang mata. Nakanganga na ang nilalang sa sobrang haba at laki ng mga ngipin at pangil. Kulay itim at makintab ang balat nito na parang may langis.
Sa gulat ng lasing dahil sa pagbabagong anyo ng nilalang na nasa kanyang harapan ay tumalikod na siya at tatakbo. Pero mabilis ang nilalang, nakatalon ito at nakaharap na ulit sa lasing. Hindi inasahan na ganoon pala kabilis ang nilalang, walang nagawa ang lasing kung hindi ang sumigaw. Naharangan na siya ng nilalang at dali-daling ibinaon sa kanyang dibdib ang may mahahabang kuko sa mga daliri nito. Pagbitaw ng nilalang sa kanya at hawak na nito ang puso ng lasing. Lupaypay na bumagsak ang katawan ng huli. Walang ng buhay habang nilalantakan naman ng nilalang ang hawak na puso ng kawawang lasing.
Nagpalinga linga muna ang nilalang bago niya ilipad at inilayo ang katawan ng lasing. Sa isang mataas na puno ipinagpatuloy ng nilalang ang kanyang masamang balak sa katawan ng kawawang lalaki. Hiniwa niya ang tiyan ng lalaki gamit lamang ang kanyang kamay na may mahahabang kuko at nang malantad sa kanya ang lamang loob ay saka niya nilantakan.
Nang mabusog ang nilalang ay saka niya inuwe ang katawang wala ng lamang loob. Pagdating sa kanyang bahay ay todo ang ngiti ng nilalang habang pinagtatadtad ang katawan ng biktima. Sayang saya siya dahil may pagkaen na naman siya ng ilang araw.
Kinaumagahan...
Nagising si Yula sa mabangong amoy na niluluto sa kusina. Pagpihit niya sa kanyang hinihigaan ay wala na ang kanyang asawa. Naligo muna siya at nag ayos ng sarili bago pumunta sa kusina.
"Oh anak tamang tama katatapos ko lang magluto. Maupo kana dito sa lamesa at maghahain na ako." Si lola Milla.
"Asan ho ang mga bata 'nay? Si tatay po at si Dino?" Tanong ni Yula.
"Hinatid ng tatay mo ang mga bata sa skwela, c Dino naman nasa likod. Nagsisibak ng kahoy, napansin kasi niyang kaonti na lang ang natitira sa kahoy na ginagamit pangluto." Paliwanag ni lola Milla.
"Tatawagin ko na lang po muna si Dino para sabay na tayong tatlo mag-agahan."
"Siya sige anak, para naman makapagpahinga na ang asawa mo."
Lumabas na si Yula papunta sa likod ng bahay. Nakita niya naman agad ang hinahanap kaya tinawag niya ito.
"Mahal, tama na yan. Pahinga ka muna, halika at mag-aagahan na daw. Naghain na si nanay."
"Sige mahal." Pagsang-ayon ni Dino.
Kinuha muna ni Dino ang kanyang pamunas ng pawis.
Habang naghihintay si Yula sa asawa, nakita na naman niya ang matandang napansin niya kahapon. Pero sa isang bahay na ito nakatayo di kalayuan sa kanila. Nakatingin na naman sa kanya.
Kinakabahan talaga siya sa tuwing nakikita niya ang matanda. Biglang may kamay na dumapo sa tiyan niya kaya bigla siyang napasigaw ng bahagya sa gulat.
"Ano ba yan.. Akala ko kung sino na."
Medyo nagulat din ang asawa niyang si Dino sa naging reaksyon niya.
"Relax lang. Pasensya na, hindi ko naman sinasadyang gulatin ka. Bakit parang naging nerbyosa ka ata ngayon?" Pagtatakang tanong ni Dino.
"Pumasok na lang tayo sa loob, naghihintay na si nanay." Ang nasabi na lang ni Yula.
Pagkapasok nila sa kusina ay nakahain na ang ina niya. Nagsiupo na silang tatlo at nag-agahan.
"Anak mamaya pagkatapos natin kumaen pupunta tayo kay mareng Soling. Ipapakilala kita sa kanya. Natatandaan mo pa ba yung batang babae na kalaro mo noon? Siya ang anak ni mareng Soling, si Tanya. Naging magkumare kami dahil inaanak ko sa kasal si Tanya." Pagpapaliwanag ni Lola Milla.
"Natatandaan ko na nga po si Tanya. Pero hindi ko na po matandaan ang ina niya." Ang nasagot na lang ni Yula.
Wala sa wesyo si Yula makipagkwentuhan dahil kinakabahan pa rin siya sa nangyari kanina. Naihiling na lang niya na sana hindi niya na makita ulit ang matandang iyon.
Natapos sila mag-agahan at nakapaghugas na rin ng mga pinagkainan si Lola Milla pero wala pa rin sa mood si Yula. Parang ayaw niyang sumama sa ina na pumunta sa kumare nito pero naka-oo na siya.
BINABASA MO ANG
KAPIT-BAHAY
Mystery / ThrillerNaniniwala ka ba na may Aswang? Nakamasid lang sila sa paligid kung sinu-sino ang kanilang bibiktimahin.Ano ang mangyayari sa muling pagdalaw ng buntis na anak ni lola Milla sa kanila? Magiging masaya ba sapagkat madadagdagan ang kanilang pamilya o...