Chapter 5

751 19 1
                                    

Nasa tapat na ng nakabukas na bintana si Yula upang isara ito at muli siyang bumalik sa kama nila upang matulog na ulit.

Hindi pa nakakatagal sa pagkakahiga si Yula ng biglang lundagan ng galit na galit na pusang itim ang kanyang malaking tiyan.

Sa sobrang pagkabigla ay napasigaw si Yula habang nakatingin sa pusang itim. Pero hindi man lang natinag ang pusa sa sigaw niya bagkus ay nakikipagtitigan sa kanya at galit na galit na ngumingiyaw ang pusa. Ginigising niya ang kanyang katabing asawa ngunit hindi man lang ito tumutugon sa kanya. Madami na siyang ginawa sa asawa upang magising ito ngunit wala pa ring tugon hanggang sa naisipan niyang sampalin ito.

PAK!!!

Biglang bangon dahil sa gulat ng kanyang kabiyak habang patuloy pa rin sa pagsigaw si Yula. Ngunit lumundag na palayo ang pusang itim.

Saka naman malakas na kumakatok ang magulang ni Yula sa labas ng kwarto nila.

Dali daling binuksan ni Dino ang pinto ng kanilang kwarto.

"Anong nangyari anak?" Sabay na tanong ng magulang niya.

Niyakap naman ni Dino ang asawa upang tumahan.

"Ma-may pusa!! Huhuhu" pagsusumbong ni Yula.

"Tahan na... saan nagtungo ang pusa?" Pag-aalo ng asawa niyang si Dino.

"Hi-hindi ko-o na a-alam" pautal utal na sagot ni Yula.

Nagkatinginan naman ang matandang mag-asawa. Nilibot nila ang paningin sa buong kwarto. Wala silang nakita kaya nagpasya silang lumabas at tignan sa ibang parte ng bahay. Nang wala silang makita ay binalikan nila ang kanilang anak. Kalmado na ito dahil sa pagpapatahan ni Dino. Pinainom muna nila ng tubig saka nila tinanong ulit.

Idenitalye ni Yula ang nangyari simula ng maalimpungatan niyang bukas ang bintana hanggang sa lundagan ng galit na pusang itim ang kanyang tiyan.

Kinabahan si lola Milla, nagkakaideya na sila ng asawa niyang si lolo Armando. Kaya lumabas si lolo Armando upang magmasid sa paligid ng bahay. Wala siyang nakitang bakas ng kahit ano na galing sa pusa kaya naisip niyang bumalik ulit sa loob ng bahay.

Hindi na natulog ulit si lola Milla. Binantayan niya si Yula kahit kasama nito ang asawang si Dino. Matagal tagal din bago nakatulog ulit si Yula dahil na rin sa takot na baka bumalik ang pusang itim.

Nang nagpapahinga na ulit ang lahat maliban kay lola Milla ay napagpasyahan nitong sa sala nalang dumako at bantayan ang paligid. Doon nalang siya mag babantay kung sakaling may mangyari ulit sa anak.

Lumipas ang mga oras at umaga na naman. Walang pasok ang mga bata kaya alam ni lola Milla na tanghali na gigising ang mga ito. Nagkape na lang muna siya bago maghanda ng pagkain. Gising na rin si lolo Armando kaya ginawan niya na rin ito ng kape. Agad nilang napag usapan ang nangyare sa nakaraang gabi.

"Iba ang kutob ko sa sinasabing pusa ni Yula" pauna ni lolo Armando.

"Ayoko sana maniwala na may gumagambala ulit na nilalang sa ating bayan dahil ang alam ko ay matagal ng hindi sila bumibiktima." Sagot ni lola Milla.

"Sa palagay ko ay dapat ka ng maniwala. Marami ng usap usapan sa lugar natin. Hindi ka ba nagmamasid sa paligid?"

"Hindi ko pinaglalaanan ng pansin ang usap usapan na iyon armando, alam mo naman na walang ebidensya. At wala pa talagang nakakasaksi na naging muntikang mabiktima o matino ang isip nang makakita sa sinasabi nila."

"Paano iyong mga nawawala? May kasagutan ka ba kung bakit may nawawala na mga tao? Buksan mo ang isip mo Milla, hindi pangkaraniwang ang ganong nilalang."

Tumahimik na lang si lola Milla, ayaw niyang makipag debate sa asawa. May punto ito at ayaw niyang mapahamak ang anak lalo pa at kabuwanan na nito.

Lumipas ang maghapon na hindi na pinag uusapan ang nangyare sa nagdaang gabi. Kaya naging panatag na ang kalooban ni Yula nang biglang...

"Ahhhhhh! Aray!" Sigaw ni Yula habang hawak hawak ang kanyang tiyan.

Lumapit si Dino sa asawa at nang makitang namimilipit sa sakit si Yula ay agad na tinawag nito si Lola Milla.

"Naku! Manganganak na si Yula Dino,  Sumabog na ang panubigan nito. Magmadali ka.. puntahan niyo ni Armando ang komadrona." Utos ni lola Milla sa manugang nito.

Agad naman tumugon si Dino. Pinuntahan ni Dino si Lolo Armando sa bukid upang sunduin at dumiretcho sa bahay ng komadrona. Gusto man ni Dino na dumeretcho sa bahay ng kumadrona ngunit hindi niya alam kung saan ito nakatira kaya kinailangan niyang puntahan pa sa bukid si lolo Armando.

"Manganganak na ho si Yula 'tay. Puntahan po natin ang komandrona" hingal na tugon ni Dino.

"Ganoon ba, magmadali tayo. Malapit na dumilim. Mahirap na puntahan ang bahay ng kumadrona dito."

Agad na pinuntahan nila Dino at lolo Armando ang tahanan ng kumadrona sa kanilang bayan.

Samantalang si lola Milla naman ay inaasikaso si Yula. Naghanda na siya ng mga kakailanganin tulad ng mga bimpo at mainit na tubig.

Ang mga bata naman ay kakauwi lang galing sa paglalaro. Nakita nilang namimilipit si Yula kaya pinapatahan na lang nila ito. Tinulungan ni Laila ang kanyang lola na naghahanda sa panganganak ng tiyahin.. Si Lanie naman at Lenie ay binabantayan nila ang tiyahin sa kwarto.

Paminsan minsan ay kumakalma sa pamimilipit si Yula pero sa tuwing babalik ang paghilab ng kanyang tiyan ay mas masakit ang kanyang nararamdaman.

Kahit nag aalala si lola Milla ay pilit niyang pinapalakas ang loob ni Yula. Kapag nawawala ang hilab ng tiyan nito ay pinapalakad niya upang bumaba ang bata sa tiyan niya. Isa iyon sa paniniwala na mabilis  manganganak ang buntis kapang pinapalakad lakad nila habang nagli-labor.

Kaya kahit nahihirapan man si Yula ay sinunod niya ang payo ng ina. Ngunit sa tuwing hihilab ang kanyang tiyan ay hindi mapigilan ni Yula ang mamilipit at napapasigaw sa sakit.

Magdidilim na at hindi pa nakakabalik si lolo Armando at Dino. Nag-aalala si lola Milla na baka abutan ng dilim ang dalawa dahil dadaan pa ng kakahuyan ang mga ito bago makarating sa bahay ng kumadrona.

Ipinagdasal na lang ni lola Milla na sana mabilis na nakarating ang mga ito sa bahay ng pakay. Mejo may kalayuan din kasi ang bahay nito sa maliit na bayan nila.

Pawisan na sa paglalakad sila Dino at lolo Armando. Gustuhin man magreklamo ni Dino sa layo ng bahay ng kumadrona ay di nito magawa.

"Malayo pa po ba tayo 'tay?" Tanong ni Dino na medyo naiinip na.

"Malapit na tayo, huwag kang mag alala. Inaalagaan ni Milla ang asawa mo kaya wala tayong dapat ikabahala." Pagpapalubag ng kalooban ni lolo Armando.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin ang dalawa sa bahay ng pakay nila. Inabutan na sila ng dilim sa paglalakad. Nag aalala si Dino sa asawa ngunit nangingibabaw ang pagka excited niya dahil magiging ganap na tatay na siya.

"Tao po! Tao po!" Pagtawag ni Lolo Armando.

Agad naman tumugon ang tao sa bahay na iyon. Pinapasok sila at pinakilala ni lolo Armando si Dino sa kumadrona.

"Siya si Silvia, Dino. Labing apat na taon na siyang nagpapaanak sa bayan." Pagpapakilala ni lolo Armando.

"Magandang gabi po. Maaari ka po bang mahingan namin ng tulong, manganganak na po kasi ang asawa ko" si Dino.

"Magandang gabi rin. Hintayin niyo ako sandali at kukunin ko lang ang mga kagamitan ko." Pagtugon ng kumadrona.

Hindi nagtagal ay handa na ang kumadrona sa pag-alis nila. Nag alala ang kumadrona nang mapansin niyang naglakad lang pala ang mga ito papunta sa bahay nila dahil wala siyang nakitang sasakyan o pampasaherong tricycle na sinakyan ng mga ito.

"Naglakad lang pala kayo? Mabuti na lang at nandito ang pamangkin ko. Magpahatid na lang tayo sa bahay niyo gamit ang tricycle niya." payo ng kumadrona.

"Salamat Silvia, galing pa kasi kame sa bukid. Sinundo ako nitong manugang ko para puntahan ka." Pagpapaliwanag ni lolo Armando.

Nagpasalamat naman si Dino dahil mapapabilis ang pagdating nila sa bahay.

KAPIT-BAHAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon