after 1 month
Nakaupo si Lea sa swivel chair habang inaantay ang producers ng play nila, may importante daw silang sasabihin.
" good morning everyone! " bati nito sa kanila " we have an important announcement "
Napatingin si Lea sa mga nagsasalita dahil mukhang seryoso sila
" we're not going to pursue with the last production, we decided to cancel it due to personal reasons, don't worry, you will receive the salaries we promised and we would call you as soon as we decided to pursue with it, that's all thank you " sabi ng kanilang direktor at dire diretsing lumabas ng conference hall
Isa lang ang nasa isip ni Lea nung mga panahong yun " I'm going back to the philippines! " dumiretso siya ng uwi at agad na nag impake ng mga damit. Nung sumunod na araw, nasa airport na agad siya at inaantay si Dawn upang sunduin siya.
" Lei! " sigaw ni Dawn at tumakbo palapit sa kanya
" Hi D! I missed you so much! " niyakap niya si Dawn at nakita si Richard na nakasunod sa kanila
" ah love, Lei, dun na kayo sa bahay mag ganyan ha? Pinagtitinginan na tayo oh? " tinuro niya ang mga taong nakatitig sa kanila
" oo nga pala! Tara na! " hinila niya si Dawn at pinaunang papasukin sa kotse
" so Lei, bat ka napauwi ng pilipinas? " tanong ni Richard habang nagmamaneho
" Si Aga syempre! " mabilis kong sagot at ngumiti. He needs to know something.
" talaga naman oo! Isang buwan pa lang nung umuwi si Aga dito ah? " Dawn
" I know! Tsaka tapos na naman yung production kaya umuwi na agad ako " abot tengang ngiting sagot ni Lea
" nasabihan mo na ba si Aga? "
Di nga sumasagot sa tawag ko eh!
" Umm hindi pa, su surprise ko sana siya " ngumiti at tinignan ang cellphone na hawak hawak
" nasa shoot sila, napaalam niya naman siguro diba? " tinitigan ni Dawn si Lea at ngumiti
Shoot? Sinong kasama niya?
" ah o-oo naman " huminto ang sasakyan at agad na bumaba si Lea, hindi na niya pinansin ang mga taong nakatingin sa kanya at dumiretso sa tent na reserved para kay Aga
" surprise! " sigaw ni Lea.
Pero tila mapagbiro ang tadhana, dahil imbes na si Aga ang ma-surprise, si Lea ang nagulat. Dahil kitang kita niyang, hinahalikan ni Regine ang fiancee niya.
" L-lea? " gulat na sabi ni Aga. Agad na tumakbo si Lea palayo sa kanila. Hinabol naman siya ni Aga, ngunit huli na dahil nakasakay na si Lea sa sasakyan at pinaharurot ito
" Lea?! Lea?! " nagpapanic na sigaw ni Dawn habang tinatanaw ang mabilis na pagmamaneho ni Lea
" anong nangyari Aga? anong nangyari?! " galit na galit na tanong ni Richard
" nag pa praktis lang kami ng scene kanina tapos bigla akong h-hinalikan ni Regine " pagpapaliwanag niya
" t*ngin* naman pare oh! ano pang ginagawa mo dito?! Sundan mo na si Lea! " hinagis ni Richard ang susi ng kotse nila, agad namang sumakay si Aga at sinundan si Lea
Shit! Lea huminto ka naman please! bulong niya sa sarili niya habang tinatawagan si Lea
" sabihin mo sakin Aga, ano pa bang kulang?! " sigaw ni Lea sa telepono
" babes, maniwala ka sakin, hayaan mo kong magpaliwanag sayo " pagmamakaawa niya
" ipaliwanag mo Aga! Dahil kahit ako, hindi ko maintindihan kung bakit mo ginawa yun!!!! " muli sumigaw si Lea at pinatunog ang busina ng sasakyan
" Lea, huminto ka muna please, yung nangyari kanina wala yun, kailangan yun sa scene kinakabahan lang si Regine kaya kami nagpractice " tila nakahinga siya ng maluwag dahil nakita niyang huminto ang minamaneho ni Lea
" Lea please, kausapin mo ko " sabi ni Aga habang patuloy na kinakatok ang bintana ng kotse ni Lea
Binuksan ni Lea ang pinto ngunit hindi niya tinitignan si Aga, alam niya kasing pag tinitigan niya ito ay makakalimutan niya ang galit niya
" babes please.... " hinawakan ni Aga ang kamay ni Lea at hinaplos iyon, ngunit agad ding binawi ni Lea at sinabing " gusto mong maniwala ako?! "
" babes, maniwala ka sakin " pagsusumamo ni Aga habang umiiyak
Naaawa na si Lea sa inaasal ng fiancee niya, pero alam niyang may kasalanan si Aga sa kanya kaya nagmatigas siya
" Hayaan mo muna akong mag isa Aga please, kailangan kong mag-isip " mahinahon ngunit may diing pagkakasabi ni Lea
" babes please " tinangkang hawakan ni Aga ang mga kamay ni Lea ngunit inilayo niya lamang iyon
" Kailangan kong mag isip Aga please, kahit sandali lang, kailangan ko munang layuan ka " napaiyak na si Lea dahil kahit siya hindi niya gusto ang mga sinasabi niya. Pero kailangan niyang mag isip, kailangan niya lalo na ngayon.
" Please Aga, babalik ako, kailangan ko lang munang lumayo " nanghihinang sabi ni Lea, wala ng nagawa si Aga kundi hayaan na lamang si Lea sa gusto niya, dahil natatakot siyang baka mas lalo pang lumala kapag ipinilit niya ang gusto niya.
Hinalikan ni Aga si Lea sa noo " mag ingat ka, pagbalik mo papakasalan na kita " at lumabas na ng kotse si Aga
At tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina pa pinipigil ni Lea...
BINABASA MO ANG
Unforgettable
FanfictionSa pag-ibig, hindi maiiwasan ang maiwan, mapaiyak at masaktan. Ngunit anong gagawin mo kung bigla na lang mawala ang taong mahal na mahal mo? Makakapag move on ka ba? Hahayaan mo ba ang sarili mong magmahal ng iba? O gagawin mo lang siyang pantakip...