Chapter 14

744 19 0
                                    

Mabilis na niyakap ni Aga si Lea dahil alam niyang ayaw nito sa dilim.

" babes? " yakap kay Aga " a-ayoko dito "

" shhhh " dahan dahan niyang binuhat si Lea at inihiga sa couch na tinulugan nito kanina

Kumalma na si Lea pero nakayakap pa rin siya kay Aga " pano yan Aga? Dito tayo matutulog? "

" look on the positive side babes " tapos hinalikan niya sa ulo si Lea " at least magkasama tayo right? "

Sinandal ni Lea ang ulo niya kay Aga at pumikit " sa madilim kong office " sumandal pa siya lalo

Napangiti si Aga at kinurot si Lea sa ilong " anong iniisip mo Lea ha? "

Imbes na sagot ay bungisngis ang natanggap ni Aga

" hoy! Kung ano man yang iniisip mo, hindi no! "

Natawa siya sa reaksyon nito " wala naman akong sinasabi ah? "

Pinalo siya ni Lea sa dibdib at pagkatapos tumayo " ewan ko sayo! uuwi na ko! " nag umpisang lumakad

Tumayo agad siya at kinarga pabalik sa couch si Lea

" bitawan mo nga ako Muhlach! " hindi na ito tumayo pero pumwesto sa pinakagilid ng couch

" babes? " kinakapa ni Aga si Lea dahil wala nga ito sa tabi niya

" babes andyan ka pa ba? " paulit ulit na tanong ni Aga habang kinakapa yung couch

" kung ayaw mong matulog, magpatulog ka! " bulyaw nito ng mahawakan niya " ang ingay ingay eh! " tapos naramdaman niyang tumalikod ito sa kanya

Napabuntong hininga na lang si Aga at sumandal sa couch. Ang hirap naman ng ganitong nagbubuntis. Ang sungit sungit. Tapos madalas pang magpabago bago ng mood! Nakakairita! Pero wala siyang magawa. Tsaka mas mabuti ng buntis ito para naman wala ng mag ta try na agawin siya mula sa kanya.

Maya maya, naramdaman niyang may yumayakap sa kanya. Napangiti siya ng hinigpitan pa ni Lea ang pagkakapulupot nito sa katawan niya.

" Good night babes, I love you! " bulong niya at hinalikan ito sa ulo.

Tapos ay nakatulog na rin siya habang nakayakap kay Lea.

-------------------------------------

" Maam? " nagising si Lea dahil sa pagkalabit sa kanya

" oh Trisha? " biglang tumayo si Lea at hinanap ang katabi niya lang kagabi na si Aga

" Ah maam, nalock po ata kayo sa office kagabi, anyway, pinapabigay po ni Sir Herbert " may inabot ito at nagmamadaling lumabas. Habang siya naman ay binasa ang letter na inabot ng secretary niya.

Consider this my two weeks notice. Goodbye.

Maiksi man ay naiintindihan ni Lea ang ibig sabihin ng sulat. Nag resign na si Herbert. Wala na ang VP niya. Panibagong sakit ng ulo na naman!

Nag aayos na siya ng gamit niya ng maalala si Aga. Bigla kasi itong nawala.

" Trisha? " tawag niya

" Maam? "

" asan si Aga? hindi mo ba siya napansin kanina? "

" Kayo lang po sa office niyo kanina, wala naman po si Sir Aga nung pumasok ako "

" Weird. Hindi naman pwedeng panaginip lang yung kagabi. " bulong ni Lea

" Ano po yun maam? " tanong ng kaharap niya

" wala. Paki cancel na lang lahat ng appointments ko, uuwi muna ko. "

" Pero maa-- "

Hindi na ito pinansin ni Lea at dumiretso ng labas ng opisina niya. Hahanapin niya pa si Aga.

Riiing. Riiing.

" Unknown number? " nag aalangan man ay sinagot iyon ni Lea " hello? "

" Kamusta na ang fiancee mo? Buhay pa ba siya? " napahinto si Lea sa paglalakad.

" ano?! sino to?! " halos takbuhin niya ang parking lot para makauwi agad

" masyado kang kabado Lea. Wag kang mag alala, may tamang panahon ang lahat. " tapos ay ibinaba na ng kausap niya ang tawag

Nagumpisa na siyang mag drive nung nag vibrate ulit ang phone niya

One message from: Dawn

Studio 14. Meet you here in one hour. Ingat sa pagmamaneho!

Reply to: Dawn

What?! Why? And pano mo nalamang nag da drive ako?

One message from: Dawn

Kakatawag ko lang sa office niyo. Basta be here. I'll tell you later.

Hindi na siya nagreply at nagpatuloy sa pagmamaneho para makarating na agad sa studio.

-------------------------------------

Agad na pumasok si Lea sa studio at hinanap sila Dawn.

" Ms. Lea? Dito po tayo. " hinatid siya ng isang staff sa dressing room. Doon niya nakita si Dawn na mukhang kanina pa nag a antay.

" Ang tagal mo sis! " sabi nito habang karga si Ayisha. Napahawak siya sa tiyan niya ng ngumiti ang baby ni Dawn sa kanya.

" Sorry. Naligo pa ako. At tsaka nakita mo ba si Aga? Kanina pa nawawala eh " umupo siya sa tabi nito

" Hay nako! Ako kasama mo tapos boyfriend mo hinahanap mo? Tsk! Tsk! " tapos tumalikod ito na parang nagtatampo

Napangiti si Lea at kinuha si Ayisha sa kamay ni Dawn

" Ikaw naman sis! Artista ka nga talaga! Hahaha! " tumawa rin si Dawn pero biglang sumeryoso ang mukha

" wag mong paikutin ang mundo mo sa kanya Lea " bulong ni Dawn na hindi na narinig ni Lea

" so bakit nga ako nandito? " tanong ulit ni Lea

Pasagot na sana si Dawn ng pumasok ang isang PA

" Maam, 3 minutes po "

" ok thank you " sagot ni Dawn at kinuha ulit si Ayisha sa kanya " mag make up ka Lei bilis! "

" ano ba kasing meron? " habang nag me make up

" malalaman mo rin. Let's go! " tapos ay hinila siya nito papasok sa studio.


Studio kung saan nag te taping si Vice ng episodes para sa Sunday Night Show niyang GGV.


Di man makapaniwala si Lea ay nakangiti pa rin siya " seriously? "

Tumango si Dawn at naghandang humarap sa mga fans " this is gonna be fun Lei, trust me! "

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon