Chapter 17

588 20 0
                                    

Isang taon. Isang taon na ang lumipas pagkatapos ng aksidente. Marami ng nangyari. Ngunit isang bagay ang di pa rin nababago.

" Maam? Hindi pa po ba kayo uuwi? " nag aalalang tanong ng nurse kay Lea

Napamulat siya at iginala ang paningin. Nakatulog na pala siya habang binabantayan si Aga.

Isang taon na nga ang lumipas.

3 buwan na mula na makapanganak siya.

3 buwan na simula nung isilang niya ang panganay nilang si Nicole. Pinagmasdan niya ito habang natutulog sa tabi ni Aga.

" no, no I'm fine. Inaantay ko lang yung magbabantay sa kanya " umalis na ang nurse pagkatapos magpaalam sa kanya

Huminga siya ng malalim at kinausap ang di pa rin nagigising na si Aga.

" Oh Aga, it's been a year. Tinatakasan mo ba ko? Ayaw mo na ba kong pakasalan kaya tulog ka dyan? " isang mapait na tawa ang nangibabaw sa silid " alam mo, gustong gusto ko ng umalis dito. Ayoko ng nakikita kang ganyan. Hindi ko na kaya. " tumulo na naman ang mga luha niya

Matagal niyang pinagisipan ang tungkol sa pagpunta sa New York. Mahigit isang taon bago naayos ang lahat ng kailangan niya. Passport. Visa. Green card. Si Aga. Ang anak nila.

Sa tuwing binibisita niya ang kasintahan ay lagi siyang napapaisip at di maiwasang sisihin ang sarili niya.

" Hirap na hirap na ko Aga " pinunasan niya ang kanyang mga luha " gumising ka na dyan "

Muli niyang inalala kung bakit hindi niya itinuloy ang kanyang balak noon.

" Lea..... " bagamat bulong ay rinig na rinig niya ito " Don't leave me.... "

patakbo siyang bumalik sa kama ni Aga at hinawakan ng mahigpit ang kamay nito.

Kasabay nun ang biglaang pagtunog ng mga machine sa paligid nila.

beeeep. beeeeep. beeeeeep.

" Aga! " hinalikan niya ang kamay nito " hindi na ko aalis, mabuhay ka lang. Di na kita iiwan. "

At wala pang isang minuto ay bumalik na sa normal ang kalagayan nito. Nangako na siya. At ang pangakong yun ang dahilan kung bakit nandito pa rin siya after one year.

" Sis? " nakita niya si Dawn at Richard na nakatitig sa kanila

Agad siyang nagpunas ng luha at ngumiti sa kanila

" Kanina pa ba kayo dyan? " tumayo siya at nilapitan sila

" Hindi naman " ngiti ulit " pahinga ka na, maaga pa kayo ni Nic bukas " Dawn

Bukas. Bukas na ang flight namin papuntang NY. Kailangan ko ng umalis. Nawawalan na ko ng pag asang magigising pa siya.

" Itutuloy ko pa ba? " naguguluhang tanong niya " paano kung magi- "

Bigla akong niyakap ni Dawn

" Lahat ng tao napapagod Lea. Isipin mo na lang na bakasyon to, tignan mo nga itsura mo " tinitigan siya nito " napapabayaan mo na sarili mo, you're still young Lea. Pero mukha ka ng nasa forties! Take this trip as a relaxation. Ibalik mo yung Lea na minahal ni Aga! Bring back the ngisngiserang diva na kaibigan namin ha? "

Napangiti ako sa sinabi niya. Siguro nga napabayaan ko na yung sarili ko. Nakalimutan ko na yung mundo ko dahil puro si Aga at Nicole na lang ang inaasikaso ko. I need to do this. I need to find my old self.

-------------------------------------

>Sa airport>

Hawak hawak ko si Nicole habang inaantay yung flight number namin. Nasa tabi ko naman si Vice at K. Aalis din kasi tong dalawang to dahil sa mga intriga sa kanila. Kaya naisipan nilang sumabay na samin.

" Lei... "

Napalingon ako kay Vice at nagtaka

" yes? "

" Sigurado ka na ba talaga? " malungkot na tanong niya

" Oo naman! " tapos nginitian ko siya " Kailangan ko ng putulin lahat ng communications ko dito " kampanteng sagot niya

" Paano si A- " Karylle

Hindi niya na naituloy ang sasabihin dahil pinutol agad ni Lea

" I give up K. Pagod na kong mag antay. Tama si Dawn. Kailangan ko munang iwanan ang buhay ko dito and start new " biglang umiyak si Nicole pagkatapos kong magsalita, ayaw atang pumayag na iwanan namin ang daddy niya

" Tignan mo, pati junakis mo ayaw pumayag " sabi nito at ngumiti

" Imposible! Di pa nga niya nakikilala eh " inalog alog ni Lea si Nicole para tumahan " Diba Nic? Shhh.... Stop crying my little princess. Everything's going to be alright. "

Huminga siyang malalim ng marinig ang flight nila. Pinagala niya ang tingin sa airport. It's her last look of the Philippines. Ayaw niyang umiyak at baka di pa sila matuloy.

Matagal siyang tinitigan ni Vice bago nagsalita " Let's go? "

Tumango siya at bumulong

" Good bye for now Aga. If we're really meant for each other, we're going to be together. But for now, I have to leave "

Pinunasan niya muna ang luha bago itinulak ang luggage niya.

" Dada.... " nagulat silang tatlo sa narinig mula sa bata

Dada. Its her first word. Dada. Marahil ay ayaw talaga ng tadhana na umalis sila.

" Pero kailangan.... " yun na lamang ang ibinulong ni Lea bago tuluyang

lumipad ang eroplanong sinasakyan nila

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon