Tama ang hinala ni Lea. Naaksidente nga si Aga. At nasa malubha itong kalagayan. Na ngayon ay pinagtatalunan ng magkakaibigan kung ipapaalam sa kanya.
" anong gagawin natin sa kanila? " tanong ni Vice sa mga kaibigan nila
Nasa ospital sila ngayon. Ospital kung saan naka confine sila Aga at Lea.
" hindi pwedeng malaman ni Lea ang nangyari kay Aga, makakasama sa kanila yun " Dawn
" so ano? itatago natin sa kanya? Imposible yun love! " Richard
" paano kung malaman ni Lea? Wala siyang ibang sisisihin kundi ang sarili niya " Jodi
" mas mabuti na yung alam niya kesa itago natin sa kanya. Anong klaseng mga kaibigan naman tayo kung ganon diba? " Karylle
Nakatitig lang si Richie sa kanila. Kahit siya nahihirapang magsalita. Ayaw niyang makialam kila Lea at Aga. Pero sa sitwasyon nila ngayon, kailangan nilang gumawa ng mabigat na desisyon.
" Ipaalam natin kay Lea, at hayaan nating siya ang magdesisyon " mahinahong sabi ni Richie
" at kung lumayo si Lea? Paano ang anak nila ni Aga? " Vice
" kung sila talaga, hindi hahayaan ng tadhana na matapos ang istorya nila dito, ipaubaya na lang natin sa kanya " Dawn
Magsasalita pa sana si Jodi ng magsalita si Lea
" Aga... " nanghihinang sabi nito at tinangkang umupo, ngunit naramdaman niya ang kakaibang kirot sa tiyan niya
" Lea... " nag aalalang sabi ni Jodi " wag ka munang kumilos, delikado pa ang kalagayan niyo ng anak mo "
" Si Aga... Kailangan kong makita si Aga... " Lea
" nasa ICU siya Lea, naaksidente siya " mangiyak ngiyak na sabi ni Dawn
" pa- paano? " tuluyan ng tumulo ang mga luha ni Lea
" nabangga siya. Maayos na ang lagay niya pero hindi mo pa siya makakausap " Richard
" kai- kailangan ko siyang makausap! " pagpupumilit ni Lea
" Hindi ka niya pwedeng makita Lea... Makakasama sa kanya " Vice
" hindi... kailangan ko siyang makausap! " tumayo ito at pinilit maglakad papunta sa ICU
" Lea! " habol ni Karylle " m-may amnesia siya. hin- hindi ka niya makikilala... "
Napaupo si Lea sa sahig ng marinig ito. May amnesia ang fiance niya? Hindi. Hindi totoo yun!
" sabihin niyong hindi totoo yan! Hindi totoo yan! " sigaw niya at tumakbo palayo
" anong gagawin natin? " Jodi
" hayaan muna natin siya, isa lang naman ang pupuntahan niya, at siguradong si Aga yun " Richie
-------------------------------------
" babes? " umiiyak na tawag ni Lea sa tulog na si Aga " kilala mo ko diba? Diba sabi mo di mo ko makakalimutan? Babes! "
Pinagmasdan niya ito at nakita kung gaano kalala ang natamo nito sa aksidente. May sugat ito sa kaliwang pisngi. May benda sa bandang paa. At naka neck brace.
" Aga? Aga gumising ka dyan please... Aga... Kailangan kita Aga! " hinawakan niya ito sa kamay " please Aga, gumising ka na... "
" Ms. Salonga? " tawag sa kanya ng doctor
" Doc? Tell me! Magigising na siya diba? Diba doc?! " Lea
Bumuntong hininga ito bago nagsalita
" I'm so sorry Ms. Salonga, pero your fiance is in a state of coma... And we've detected na may long term amnesia siya. Matatagalan pa bago siya makaalala muli... "
Parang gumuho ang mundo ni Lea sa narinig niya. Hindi niya kakayanin kung magigising si Aga na hindi siya kilala nito.
" pero magigising siya doc diba? " lumuluhang sabi niya " at pwede naman nating ipaalala sa kanya kung sino ako diba? "
" I'm sorry Lea. Pero mas makakasama kay Aga ang iniisip mo " tinitigan nito si Aga " makakasama sa mga pasyenteng may amnesia ang pagpapaalala ng nakaraan nila... kailangan nila itong maalala ng kusa... " at umalis ito
" makakasama sa mga pasyenteng may amnesia ang pagpapaalala ng nakaraan nila... kailangan nila itong maalala ng kusa... "
" makakasama sa mga pasyenteng may amnesia ang pagpapaalala ng nakaraan nila... kailangan nila itong maalala ng kusa... "
" makakasama sa mga pasyenteng may amnesia ang pagpapaalala ng nakaraan nila... kailangan nila itong maalala ng kusa... "
Riing. Riing.
Sinagot niya ang tawag kahit hinang hina siya.
" hello? "
" Ano Lea? Kaya mo pa ba? "
" sino ka ba? Bakit mo ginugulo ang buhay namin?! "
" Hindi mo na kailangang malaman... Ikamusta mo na lang ako sa fiance mo... " at binaba ng kausap niya yung tawag
Paulit ulit sa utak ni Lea ang mga sinabi ng doctor. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak.
" Lea... " tawag ng mga kaibigan niya
" tama na yan... Magigising din siya " alo sa kanya ni Vice
" pero hindi niya ako maaalala... " tinignan niya ang mga ito na lahat ay mugto ang mata " hindi ko kakayanin yun... "
" Wag mong sabihing susuko ka na? Mali yan Lea! " pagtanggi ni Richard
" at anong tama?! yung umasa ako na paggising niya kilala niya pa ako?! Mas masakit yun Richard! Kaya mas tama na dito pa lang tapusin ko na... " hindi niya alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi niya, basta alam niyang nasasaktan na siya
" Lea... Wag... Kailangan ka ni Aga " pagpigil ni Karylle
" Sa New York muna ako... Kailangan kong umalis dito. Di ko kakayaning gumising siya na di niya kami kilala ng anak niya... " tumayo siya at iniwan ang mga kaibigan niya
Tatayo na sana si Dawn para habulin si Lea nang marinig nilang nagsalita si Aga
" Lea... " hinang hina ang boses nito " Don't leave me... "
At nag beep ang machine sa gilid nito.
Beeeeeeep. Beeeeeeeep. Beeeeeeeep.
" Aga!!! "
BINABASA MO ANG
Unforgettable
FanfictionSa pag-ibig, hindi maiiwasan ang maiwan, mapaiyak at masaktan. Ngunit anong gagawin mo kung bigla na lang mawala ang taong mahal na mahal mo? Makakapag move on ka ba? Hahayaan mo ba ang sarili mong magmahal ng iba? O gagawin mo lang siyang pantakip...