Ilang buwan nadin mula ng mag pasukan, syempre maingay na sa mga room hindi na nahihiya sa mga teacher (tapos na ang pag papakitang tao) malapit narin ang Intrams sa school."Someone's Pov"
"May kilala ba kayo na pwedeng maging student coach para sa Arnis?" Tanong nung teacher na namomorblema kasi sya yung na assign para sa larong Arnis.
"Kunin mong student coach yung nag provincial last year itanong mo kay Sir Decastro" Sabi nung isang teacher
"Yung estudyante ko pala Arnis player sya nung grade 7, alam ko ngayon nag aarnis pa sya chaka nasama sya sa provincial last year alam ko, Kausapin ko sya mamaya. Sabi nung teacher na kumakain.
"Salamat Ma'am wala akong ideya sa larong yun hindi ko alam gagawin ko"
"Rowell Pov"
Ilang subject nalang mag uwian na at inaantok nanaman ako. Adviser nanamin yung mag tuturo second to the last kasi sya tapos sunod yung math.
"GOOD MORNING MAAM ROWENA"
Sabi ng lahat pag pasok ni ma'am, gusto ko yung ganitong teacher masungit pero sumasabay sa trip ng mga estudyante, ang ayoko lang sa harap nako naka upo at kinakabahan ako palagi kapag tanungan na
Natapos na yung klase namin kaya uwian na kaso didiretso pako sa faculty kasi sabi ni maam kakausapin daw ako nung coach ng arnis malapit na kasi Intrams. Expected ko naman na to kasi every year naman kami ni Tep ang nagiging student coach
"Ikaw ba yung sinasabi ni Maam Rowena?" Sabi nung teacher Ma'am Deleon ata name nya nasabi na kasi ni maam kanina.
"Yes po" Maikli kong sagot sa kanya. Pakiramdam ko kasi na wiwirduhan sya kasi naka mask ako.
Since nung tigyawatin ako ng madami nag mmask nako, nahihiya kasi ako na ang dami kong tigyawat hindi ko magawa yung mga gusto ko kasi sa bawat kilos na gagawin ko tingin ko sa muka ko sila naka tingin, Lalo na kaklase ko sila last year sanay sila na wala akong kahit ano sa muka tapos bigla nalang akong titigyawatin, Wala naman akong nilalagay sa muka natatakot kasi ako kaya naisipan kong mag mask nalang para hindi ako mahiya sa lahat. Naka tulong din sakin yung pag susuot nito kasi mas naging confident ako sa mga ginagawa ko, Hindi ko alam pero parang ayokong makita nila yung muka ko, Nung sinuot koto mas naging active ako sa school, sumali nga kami ng jingle last week kaso talo. Nakaka sagot nadin ako sa mga subject lalo na sa math. Noon kasi kahit wala akong tigyawat or alam ko yung sagot mas pinili kong manahimik, alam nyo yung pag sumagot ka titingin silang lahat sayo? Yun yung ayoko naiilang kasi ako, kaya mabuti nadin na takpan ko yung muka ko.
Nandito nako sa bahay tinatamad akong gumawa ng mga assignment baka mamayang gabi nako gagawa gusto ko kasing na rrush ako, pero ayokong minamadali ako.
Ka chat ko si Tep ngayon pinag uusapan namin yung about sa Intrams, miss kona yung kaibigan kong to sobrang close kami kilala na ako ng buong pamilya nya, ganon din ako sa kanya. Napag kakamalan nga kaming mag jowa e, Kaibigan kona kasi sya mula gr6 dun kasi kami unang nag Arnis kaya sobrang close kami, may time nga na umiyak ako sa harap nya e, Nasasabi ko sa kanya lahat minsan nga naisip kong jowain to e pero nandidiri ako pag iniisip ko yun. Tulad ngayon HAHAHAHAHA!
excited na tuloy ako.Next day*
Nakakapagod mag akyat baba sa mga building nag hahanap kasi kami ng mga pwedeng mag laro kulang pa kasi.
"Ikaw nalang umakyat pagod nako" Sabi ng kupal kong kasama HAHAHAHA
"Gagu kaba? Tara na pagod nadin ako" Sabi ko sa kanya chaka ko sya hinila.
"Naka tingin nanaman sila satin, gusto mo dukutin ko mata ng mga to? " Sabi ni Tep, pagod na nga to nag susungit na e.
"Babe bilisan mona kasi" Pang aasar ko sa kanya, potek yung reaksyon nya HAHAHAHA laki ng mata e
"Tangina mo! Sabay hampas sa braso ko.
"HAHAHAHAHAHA!" Hindi kona napigilan na tawa nako ng malakas
Isa lang ata nakuha namin sa building na yon, at kung kanina sya yung naiins ngayon ako naman, Putangna kasing lalaki sa 4th floor binastos si Tep e, ayoko sa lahat ginaganon kaibigan ko, Lalo na kung si Tep muntikan nakong may ihagis ng panget sa 4th floor,pinigilan lang talaga ako ni Tep alam nya kasi ugali ko pero syempre hindi sya pwedeng mag pa bastos, Amazona pa naman to.
Sampalin ba naman ng malakas yung lalaki HAHAHHAHAHAHAHA kahit na naiinis ako natawa ako ng konti sa ginawa nya, gusto ko kasi sa babae palaban kaya nag kasundo din kami nito.
Dito na kami sa building namin, dahil nga sa main building kami yung 2nd floor tsaka 1st floor hindi nanamin pinag aksayahan ng oras na tanungin science class kasi yun o kaya naman higher section sure walang may balak na sumali dun
Dito na kami sa room ni Tep at dito rin yung room nya, yung babaeng gusto ko. Okay naman na kami nila Celis Nakapag usap usap na kami pero wala e mahal kopa din sya, pero hindi nako nag paparamdam sa kanya ngayon ko lang sya ulit makikita.
"Go mag tanong kana" Salitan kasi kami.
"Ayoko nahihiya ako, ikaw nalang" Tulak nya sakin sa pinto, nataranta ako nung sya yung nakita ko, kaharap ko sya ngayon at hindi ko alam sasabihin ko! PUTANGINA MO TEP!
"Ah? Mag tatanong lang? May gusto kaba sakin? PUTANGINA BAKIT KO SINABI YUN!?
"Ha?" Sabi nya buti nalang mahina lang sabi ko mukang hindi nya naintindihan lalo naka mask ako, Shit buti nalang!
"Tanungin mo nga kung may gustong mag Arnis dyan" Tinulugan nako ni Tep alam ko naramdaman nya yung nararamdaman ko, alam nya din yung nangyari sa pagitan namin nila Celis, nagalit nga sya sakin kasi kinakausap kopa si Celis pero ganun talaga siguro, tinuring ko din kasing kapatid yung hayop nayon e kaya siguro nag kaayos kami, awkward parin naman pero pwede na.
"Para kang tanga!" Sabi sakin ni Tep naiirita nanaman sya sakin, Sabi ko kasi sa kanya pipilitin kong hindi na mahalin si Frances pero ang hirap kasi kahit na ilang taon nadin.
Dito na nga pala kami sa room para mag tanong, may teacher kami si Sir Robert Science Teacher, kahit na alam kong walang sasali nag tanong ako, Wala e kulang talaga.
"May gusto bang mag Arnis dito? Tanong ko sa kanila
Nagulat ako ng nag taas ng kamay si Celis, Gemarie, Lei at Trixie..