"Rowell Pov"
Matatapos na kami sa ginagawa namin hindi naman masyadong mahirap pero nahihiya talaga ako nung ako na yung may eksena kasi nakita nila yung muka ko tapos kaharap pa si Cath ang pangit ko jusko.
Mas lalo kaming naging close ni Cath kaya naisip ko na wag na talagang mag tapat sa kanya pero kasabay non mas lalong napapadalas yung pang aasar samin, natatakot ako kasi na kwento nya sakin na dati daw may lalaking nag ka gusto sa kanya tapos inaasar sya ng mga kaklase nya kaya iniwasan nya yung lalaki.
Buti nalang talaga natapos na kami next week kasi practice na pala sa Intrams, hinahanda kona sila Celis sa pwedeng mangyari naging close narin kami nila Lei nag ngingitian na kami kapag nag kikita kasama kasi nila yung mga kaibigan nila.
"Bumili na kayo ng stick para hindi na tayo manghihiram, Ubos oras kasi yun. Chaka mag dala kayo ng Jogging pants at extra T-shirt" Paliwanag ko sa kanila.
Magiging masaya to kasi kaklase ko sila. Pero si Celis lang matututukan ko kasi si Tep sa babae, Wala naman na talaga akong balak mag Arnis kasi gusto ko mag focus sa pag aaral baka kasi mahirapan ako next year kinakabahan na nga ako e.
----
Ngayon na yung start ng training tinawag kona lahat ng player para mag meeting kami sandali bago mag umpisa napansin ko na tahimik yung mga kaklase ko medyo nahihiya pako sa kanila
Dito kami sa tapat ng building namin mag ppractice maliit lang yung space pero pwede na pinaliwanag ko yung mga rules
"Bawat bagsak ng stick 5 push up kailangan din palaging mag rubber shoes" Alam kong dapat talaga naka sapatos pag nag practice pero noon kasi naka tapak kami nila Tep
Nakita ko na nag bubulungan sila tapos parang natatakot HAHAHA si Gem kasi may hika tapos si Celis naman hindi marunong mag push up si Trixie at Lei tingin ko kakayanin.
Na eexcite ako sa mangyayari ngayon pero may napansin ako sa kanila na ineexpect ko naman talaga.
"Nasan mga stick nyo" Seryoso kong tanong, alam ko hindi kami close sa room pero sure ako ngayon lang nila nakita yung seryosong ako.
"Wala hehe" Sabi ni Gem hindi nalang ako sumagot tapos nilabas ko yung mga stick kong dala ngiti nila sakin jusko kaklase kopa yan.
Wala pa si Tep kaya ako palang nag tuturo, nag warn up muna kami pina takbo ko sila ng 10 ikot, maliit lang yung space swerte pa sila nyan kaso naalala ko si Gem kaya pinahinto ko sya para mag lakad nalang.
Pag tapos non tinuro ko yung pag pupugay nakuha naman nila kaso inaayos ko, dumating na si Tep kaya kailangan na naming mag isip ng anyo, yun yung tawag sa gagawin nila.
Habang gumagawa kami napansin ko na madami ng bumababa para mag recess, tumayo sila gem na alam ko kung saan papunta.
"San kayo pupunta?" Poker face lang ako
"Mag recess na kami." Gusto ko talaga maka close tong si Gem kasi parang ang kulit nya
"May sinabi ba ako? Mag kabisado muna kayo pag tapos namin Isa Isa kayo" Hindi pa masyadong nag sasalita si Tep ginagamay nya muna lahat chaka sya mag susungit.
Lahat sila kumuha ng stick para mag ensayo natutuwa na talaga ako, nagulat ako nung bigla nalang nasa harap ko si Cath naka upo katabi ng mga bag namin.
Pinapanood nya ba kami? Nawala ako sa focus kaya bumili ako ng tubig, pag balik ko nag bubulungan sila
"Hoy akala koba walang iinom?" Sabi ni Celis pinayagan kona sila kasi muka namang pagod talaga sila.
Umupo ako sa tabi ni Cath alam ko naka tingin si Tep pero hindi ko pinansin, kinausap ko nalang si Cath
"Bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya pero hindi ako tamungin jusko nahihiya ako baka ang baho ko.
"Nag pa xerox si Xyrine sinamahan ko lang" Sagot nya malapit kasi dito xeroxan kasi nga nasa main kami.
"Bakit hindi kapa nag ppractice?" Kasi nga Table Tennis sya gusto ko syang panoodin kaso nahihiya ako
Hindi sya sumagot kaya tumahimik nako umakyat narin naman sya e miss kona sya Oo. Bumalik na ako sa ginagawa namin ni Tep matatapos naman na kami
Pag tapos namin pinatawag kona sila lahat chaka nag salita si Tep.
"Ikaw muna" Seryoso nyang sabi kay Gem, parang ayaw nya pa pero tinutulak sya nila Celis ramdam ko kabado silang lahat.
"Bilisan mo!" Nagulat sila sa sigaw ko pero na eexcite ako, pumunta sya sa harap agad
Alam ko naman na yung mangyayari, pero ang galing kasi nagawa naman nya kaso mabagal at hindi ganun ka tama pero para sa baguhan at kakaturo palang magaling sya, magaling sila.
Pinapila ko sila babae sa harap lalaki sa likod para ituro namin ni Tep yung Kata o Anyo. Seryoso kaming lahat tahimik din kasi dito kami malapit sa principals office naka ilang ulit kami tapos biglang may tumugtog na Kpop song kaso hindi ko alam yung title.
Nagulat ako ng biglang sumayaw si Celis, ayokong nakikita syang sumayaw naiirita ako, hindi ako marunong sumayaw pero iba kasi syang gumalaw basta naiinis ako pero ngayon sobra yung tawa ko lahat kami natawa kasi pati yung facial expression nya iba HAHAHAHAH
"Potek ka"
"Celis HAHAHAHAHA"
"Gagu"
"Tama na HAHAHA"Sabi nila Gem kay Celis pero ako hindi ko mapigilan yung tawa ko pati si Tep natawa grabe to HAHAHAHA.
KAYA KOBA TALAGANG PAHIRAPAN TONG MGA TO? LALO NA SI CELIS? E PARANG WALA NAMANG PAKIALAM TO ANG SASAYA NG BUHAY NILA PARANG WALANG INIINTINDI. SANA GANUN DIN AKO MASAYA AT WALANG PROBLEMA