Chapter 4

14 2 0
                                    

"Author's Pov"

Mas naging close pa si Rowell at Catherine umabot sa point na napag kakamalan na silang mag jowa. Pero wala lang sa dalawa dahil para sa kanila mag kaibigan lang sila, at hindi pa nag kakaron ng boyfriend si Cath kaya natatakot sya pumasok sa isang relasyon.

"Dawn Jean Pov"

"May napapansin ako kay Cath" Seryosong sabi ko kay Rowell.

"Hindi sya malapit sa lalaki" Patuloy ko, hindi naman kasi talaga malapit si Cath sa lalaki e nung mag kaklase kami nung grade 7 wala syang kaibigan na lalaki, pero inaasar ko sya palagi.

"Tapos?" Nakakunot noong tanong nya.

"May relasyon ba kayo?" Nagulat sya sa tanong ko, hindi kona kasi mapigilan para kasi silang mag jowa ang sweet nila.

"Gagu abay wala, close lang talaga kami, ganun din naman ako kay Raizel ah? Chaka nililigawan sya ni Lloyd. Mahaba nyang sagot, nanliligaw kasi si Lloyd kay Cath pero sa nakikita ko, walang chance si Lloyd.


"Si gago parang hindi ko kaibigan, ano nga? Ulit ko, pero tumawa lang sya.


"Author's Pov"

Papunta ngayon si Rowell sa room ni Tep kasi pinatawag sila ni Maam Deleon para sa darating na pag eensayo.

Pababa sya ng 3rd floor ng maka salubong nya si Frances. Nakipag apir si Rowell sa dalaga na parang walang namagitan sa kanila.

Nagulat si Rowell sa ginawa nya. Pero mas nagulat sya sa ginawa ng dalaga.

"Rowell Pov"

Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko maintindihan. Bakit parang may mali? Nakipag apir ako sa kanya tapos hinawakan nya yung kamay ko? Bakit? Naguguluhan ako.

Pag tapos ko pumunta kay Maam bumalik nako ng room, absent kasi si Tep kaya ako lang ang kumausap sa kanya.

Naka salubong ko si Cath ng papasok nako sa pinto, nginitian nya ako tapos biglang bumilis tibok ng puso ko!

Shit anong nangyayari sakin!?

Kinausap ko kagad si Raizel pag pasok ko ng room. Naguguluhan ako sobra!

"Raizel pano kung naka move on na nga ako? Pano kung may iba nakong gusto? Pano kung mahal pala talaga ako ni Frances kaya hinawakan nya yung kamay ko? Sunod sunod na sabi ko sa kanya, Hindi kona alam gagawin ko natataranta nako.

"Kung naka move on kana, edi maganda, hindi kana tanga! Pero sino yung gusto mo? Wag mong sabihing!? Sagot nya sakin. Shit anong gagawin ko!

Lumayo nako sa kanya kasi lalo akong naguguluhan! Mahal kopa ba sya? Mahal kona ba sya? PUTANGINA!

Nag paliwanag si Ma'am Zanyo Teacher namin sa AP sya na kasi yung teacher namin, katabi ko si Cath pero hindi ako kumikibo ang bilis ng tibok ng puso ko, parang gusto tumakbo sa oval ng isang daang ikot shet!

"May gagawin kayong role play pero ivvideo nyo! Kung dito kasi gagawin sa room baka mag kalat lang kayo! Yung row nyo nalang ngayon ang group! Sumang ayon naman ako kay ma'am mas gusto ko kasi ka group yung ka row ko, ka close ko kasi lahat

Pag tapos ipaliwang ni maam yon nag pa lecture lang sya, tahimik lang ako ng biglang mag salita si Cath

"Bakit ang tahimik mo?" Shit wag muna ngayon.

"Ah wala masakit ulo ko" Palusot ko nalang, hindi ko alam pero ayoko syang tingnan, kahit naka mask ako tingin ko namumula ako.

"Ha? May lagnat ka?" Hinawakan nya yung leeg ko at noo ko, Shit ayoko ng ganito.

"Baka, Ewan, Hindi ko alam" Tangina anong sagot yun! Tumayo ako para lumipat ng upuan, dinala kona bag ko lilipat din naman ako kasi TLE na, Sa harap ako.


"Rowell" Tanong sakin ni Yvette.

"Hm?" Pawis na pawis nako, jusq kamusta naman tigyawat ko!

"Bagay kayo HAHAHAHAHA! Tawa nya tapos kinurot ako sa tagiliran. Buti nalang umalis na sya Tangina talaga

Ano bang nangyayari sakin. Naguguluhan Ako sobra.
Gusto ko ng umuwi.


"Author's Pov"

Buong time hindi mapakali si Rowell sa upuan nya, pawis na pawis sya. Pinapatanggal ng teacher nya yung mask pero ayaw nya kasi nahihiya sya.

Hanggang sa maka uwi ang binata sya parin yung nasa isip nya, Ayaw maalis sa isip nya yung sinabi ni Dawn Jean at Yvette sa kanya, naguguluhan sya ng sobra na parang mag kakasakit, kaya natulog nalang sya.

"Catherine Pov"

Ang weird nya, ngayun ko lang sya nakitang ganon, ano kaya meron sa lalaking yun?

Hindi ko alam kung bakit pero sa buong journey ko dito sa school sya palang yung naging ka close ko ng sobra. Ang daldal kasi nya tapos may similarities kami. Kapag nag kkwentuhan kami wala akong maintindihan sa mga lesson tapos sobrang tuwa ko. Nag seselos nga sa kanya si Lloyd e. Hindi ko alam pero ayoko talaga kay Lloyd, kahit na ang bait nya sakin. Hindi pa siguro ako handa sa mga ganun. Binibigyan nya ko ng kung ano ano pero hindi ko tinatanggap. Sinabi ko naman na sa kanya pero ayaw nya tumigil. Wala nakong magagawa don.

One Mistake Where stories live. Discover now