Chapter 3

8 2 2
                                    

"Rowell Pov"

"May gusto bang mag Arnis?" Tanong ko sa mga kupal HAHAHAHA! Alam ko namang walang may balak sumali dito pero kailangan kasi e

Nagulat ako kasi nag taas ng kamay si Lei, Gemarie, Trixie at Celis.

Flashback*

"Gemarie Pov"

Nalaman ko na nag hahanap na ng mga player yung mga student coach, gusto kong sumali sa Arnis kaso may hika ako chaka si Rowell kasi yung student coach nun kaya hindi ako natatakot

"Trixie diba gusto mo sumali sa Arnis?" Tanong ko sa kanya alam ko kasi na gusto nya kaso nahihiya sya.

Sakto naman lumapit samin si Celis nasabi nya sakin na mag kaklase sila ni Rowell nung grade 7 chaka mag kakaibigan sila dati, sayang nga nag kahiwa hiwalay sila e, solid pa naman nung grupo nayon, masaya sila tapos walang pakialam sa iba.

"Celis sali tayo kay Rowell" Sabi ko kagad nung lumapit sya.

"Arnis? Gagu kaba may hika ka diba?" Nag tataka nyang tanong, gusto ko talaga pakers!

"Tara" Sabi ni Lei, nagulat ako nung  nag salita sya


"Lei? Sure ka?" Nag tataka nyang tanong, ayaw nya talagang maniwala.

"Osige tara kesa mainggit ako sali nadin ako, inaaya nadin ako dati ni Rowell e nung grade 7 kami." Mukang close na close talaga sila dati.

End  Of  Flashback*



"Rowell Pov"

"Bakit nyo naisipang sumali? Natatawa kong tanong sa kanila, Lalo na kay Celis bakit parang naging interesado sya?

"Basta ako nainggit lang" Sabi ni Lei. tahimik to e pero may sapak din pala HAHAHA nainggit kaya sumali

"Same here" Sabi din ni Celis. Baliw na ata tong mga to, Ibig sabihin pala si Trixie at si Gemarie lang talaga may gusto.

"Diba may hika ka?" Tanong ko kay gem naalala ko kasi last year ata narinig ko nahihirapan daw sya huminga.

"Wala e,  Matagal kona kasi gustong sumali, dapat nga last year kaso hindi ka naman nag tanong sa room" Awkward HAHAHAHAHA hindi kasi kami masyadong close pero tingin ko dahil dito magiging close kami kahit papano. Tango nalang ginawa kong sagot sa kanya.

Sabi ko nalang sa utak ko, Humanda kayo pahihirapan ko kayo, Lalo kana Celis HAHAHAHAHAHA.


Pag tapos naming mag hanap ng player ni Tep bumalik na kami sa mga room namin, salamat kila Celis nakumpleto yung player.

Kasabay ko sila mag lakad papunta sa room, nasa likod nila ako, hindi ko mapigilang maisip yung ginawa sakin ni Celis pag naalala ko naiinis ako, Tadyakan ko kayo to! HAHAHAHA nababaliw nako.

Palagi ko kasing kinukumpara yung sarili ko, Lalo na sa kanya. Matalino kasi sya tapos ang ganda pa nyang manamit mayaman kasi to e, tapos ang puti nya pa, syempre kasi ang tangos ng ilong nya maganda yung muka basta ang perfect tapos ako putangina nalang talaga.


Minsan iniisip ko baka kaya hindi ako gusto ni Frances kasi ang bobo ko chaka ang pangit ko.


Bukod pala kay Raizel madami nakong naging ka close sa room, yung mga lalaki na hindi ko naman pinapansin dati ngayon ka close kona, mga gago pala talaga, Chaka hindi nalang si Raizel yung babae kong kaibigan, naging ka close ko nadin si Cath. Tulad ngayon mag kadaldalan kami

"Tomboy bayung kasama mo kanina?" Tanong nya sakin, dito pala ako sa likod naka upo, Wala palang Math ngayun AP pala mag katabi kami kapag AP, Science at Mapeh

"Hindi, Babae yun kaya lang sya nag pa short hair para sa Arnis astig daw kase" Paliwanag ko sa kanya

"Ikaw bakit hindi mo i try mag Arnis?" Tanong ko.

"Ay bawal ka pala dun, masyado kang maganda" Nahiya ako sa sinabi ko pero natawa sya


"Table Tennis kasi laro ko" Sagot nya.

Maganda naman kasi talaga sya, Napansin kona sya dito nung nag karon ng Pageant sa room last year at sya yung nanalo pati si Lennon

Pero kadalasan si Celis yung panlaban chaka sya, Hindi sya maputi sakto lang tapos ang ganda ng mata nya, ang pinaka gusto ko sa kanya is yung pag lakad nya, Grabe nung nakita ko sya mag lakad parang nag slowmo HAHAHA. Ang galing kasi talaga.



Nasa bahay nako, Himala kasi hindi pako inuutusan. Kaya naka tambay lang ako dito sa taas nanonood ako ng BTS MV fan kasi ako non, inim pluwensyahan ako ni Celis


Next Week pa umpisa ng training pero naeexcite ako sa mga mangyayari.

One Mistake Where stories live. Discover now