CHAPTER 5 : Girlfriends

240 64 21
                                    

HANS

Ang buhay ko sa Del Valle ay isang malaking status update para sa nabubulok kong existence. I live much underneath the underground. Siguro dahil ganoon kalalim ako itinanim noong buto pa ako pero ngayon, sumisibol na ako bilang puno.

Not to mention Allen. He just… happened. Hindi ko alam kung anong nangyari pero parang gumaan ang kargada ko sa buhay nang makilala ko siya. He made me remember that there are so many beautiful reasons to be happy.

Noong unang pasok ko, napakagusot ng pagmumukha ko. I stayed silent. Hindi ako palangiti. Para lang akong nakabalot sa kumot at hindi gumagalaw. Kahit pa noong nakilala ko na si Ielle, nanatili akong invisible maging sa aking sarili. Pero noong ipinakilala niya ako kay Allen, parang nabago ang pananaw ko sa buhay. Ramdam ko ang positivity niya and there is something in him na hindi ko ma-explain sa sarili na siya lang nag-udyok sa akin to be wondrous.

Hindi ko rin expected na magiging kapitbahay ko siya sa apartment na tinutuluyan ko. Since them, bihira na akong malungkot. Ang gaan niyang kasama. Dahil din sa kaniya ay mas naging palakaibigan ako. Wala sa plano kong kaibiganin sina Andrei, Gerald, at Danzel—but it happened. I never felt this carefree before.

Dito rin ako na-expose nang madalas sa social media. Kung dati hanggang Facebook at YouTube lang, ngayon nagti-Twitter, Instagram, at Snapchat na rin. It was a huge stair step for me, at masaya ako para sa sarili ko.

Biyernes ngayon at nag-promise ako kay mama na uuwi ako sa bahay after school. Somehow, nami-miss din niya ako pero ewan ko na lang sa kuya kong ugok.

Lunch break na lunch break pero wala ako sa mood kumain kaya hinahanap ko si Ielle. Kay Allen sana ako unang lalapit kaso nakita ko siya with Kris. Nahihiya-hiya kasi akong lumapit sa kaniya ‘pag kasama niya yung best friend niya.

Pagkapasok ko ng cafeteria ay bumungad na sa ‘kin sa bukana si Ielle na mag-isang kumakain. Papalapit na sana ako nang…

“Nasa’n si Hans?”

…Nilapitan siya ni Anthony.

“Ewan. Kasama na naman yata si Allen.”

I wish. Sana si Allen nga kasama ko ngayon.

Hindi ko alam na close pala sina Ielle at Anthony. T’wing may kasama kasi ang mga kaibigan ko na ibang tao, lagi na akong nahihiyang lumapit—kahit pa sabihin mong close na close kami. I always feel na ako yung pasali kapag nangyayari ‘yon.

I felt that once noong sinama ni kuya yung mga kaklase niya sa bahay. Papalapit ako no’n sa kaniya para magtanong sana kung papaano ba gumagana yung color curve sa pag-eedit pero sinabihan niya lang ako ng, “Mamaya ka na nga. Ang pasali mo e.”

Kaya siguro nanatili akong mailap sa mga tao sa paligid ko. Ako lagi yung odd one out.

Dinala ako ng aking mga paa pabalik sa classroom. Hindi na ako nag-abala pang bilhan ng kahit biskwit ang sarili, kahit panawid gutom lang. Inilabas ko ang aking cellphone at tinitigan na lamang ang pagtakbo ng oras. I heaved a sigh. Clouded na naman ang pag-iisip ko.

“Hey. Gusto mong Pringles?”

Hay. Sa sobrang clouded, nakakarinig na ako ng mga bagay-bagay. O baka nag-crave lang din ako sa Pringles.

Daylio: How Are You? (LGBTQ+) [Published as "Dayloh" under Paperink Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon