CHAPTER 3 : Isaw

347 73 32
                                    

ALLEN

Linggo. Araw na nagpapabalik sa ‘kin sa realidad. May pasok na naman kasi kinabukasan.

Tinanghali na ako ng gising buhat ng pagkapuyat ko kagabi. Dumiretso ako ng banyo pagkabangon. Isang maliit na espasyo lang ang apartment space na inuupahan ko kaya’t nasa iisang kuwarto lang ang salas, bedroom, at kusina. Isang pintong layo lang naman ang banyo. Mag-isa lang naman ako dito kaya ayos na rin. Masarap na ma-solo ang kama kahit na pandalawahang tao talaga ito.

Naghiso’t hilamos muna ako bago nagsimulang maghagilap ng makakain mula sa ref. Brunch ko na ‘to dahil alas-dose na rin naman ng tanghali. Puro itlog at hotdog lang naman ang nabuntunan ko kaya sinara ko na lang ito. Nagsaing na lang muna ako bago maligo at magbihis ng pambahay. Nakadilaw lang akong sando at  boxer shorts. Sobrang init din kasi.

Dahil tinatamad na rin naman akong magluto ay nagpasiya akong lumabas at bumili na lang ng de-latang corned tuna. Pinatay ko muna ang sinaing bago lumabas. Pagkalabas ko ay nadatnan kong abala si Aleng Linda sa paglilinis nung isa pang apartment space na katabi nung akin. Napabaling siya ng tingin sa ‘kin matapos dakutin ang kaniyang winalisan sa doorstep.

“O, Allen. Ang aga mo ngayon,” pabirong bati sa ‘kin nito. She always hold that positive smile kahit na parang pagalit ang normal tone ng boses niya. Nginitian ko siya at bumati rin ng pabirong “Good morning.” Hindi na rin naman kinaya ng kuryosidad ko kung bakit niya nililinis ngayon yung bahay gayong hindi na naman niya pinapasok ito buhat ng paglipat muli ng tirahan ng mag-asawang Banaera.

Sinagot naman niya ako. “May bago na uli kasing maninirahan dito. Estudyante lang, mag-isa lang pati. Dito nakahanap ng murang mauupahan kaya heto ako ngayon, nagpapakasasa sa gabok na naipon dito,” aniya.

Tumango na lang ako bilang tugon. Nagpaalam na akong lalabas muna upang bumili ng mauulam. Sa paglalakad ay saka ako may naalala. May shooting nga pala dapat akong puntahan ngayon para sa aming group project. Nagmadali na akong bumili upang makabalik agad at makapagpaanyo ng sarili.

Habang kumakain ay nagbukas na rin ako ng cellphone for updates. Sunod-sunod na chat ni Anna ang bumungad sa ‘kin. Nakailang tanong siya kung nasaan na ako.

Nadali na.

Sumagot na lang ako ng “On the way na” kahit katatapos ko pa lang kumain. Binilisan ko na lang ang aking kilos at saka ako humarurot ng alis papunta sa aming shooting grounds.

∞∞∞∞∞

Bandang alas siyete na kami natapos sa aming shooting kung kaya’t panay “Sorry” ang inabot ng aking mga kagrupo sa akin. Dumulas na talaga sa isipan ko kanina na may ganito pa nga pala kaming proyekto. Ako pa man din ang ginawa nilang bida sa commercial na iyon. Alam niyo ba kung anong role no’n? Closeta. Kahiya-hiya na kung kahiya-hiya, pero kailangang gawin para sa grades.

Kasabay ko si Anna sa jeep. Kung hindi lang kami close nagtanim na siguro ito ng galit sa ‘kin.

Maliban kasi kay Kris ay isa pa itong babaeng ito sa mga nakakapaglubag-loob sa ‘kin. Go-to person, kumbaga. That’s Anna Josephine Estero, ang isa sa mga pinakamababait na taong nakilala ko. Wala ka talagang mababahid na dumi sa kaniya. Kung meron man ay hindi ito visible kaya bibihira ang mga taong nagagalit sa kaniya—o baka nga wala e. Napakabusilak kasi niyang tao, sincere, palabiro pero marunong lumugar. Magaling making at makisama sa mga tao. Masayahin at sobrang nakaka-good vibes.

Daylio: How Are You? (LGBTQ+) [Published as "Dayloh" under Paperink Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon