CHAPTER 13 : Status Update

137 33 19
                                    

ALLEN

Official na ‘to…

Well, sa side ko lang, actually.

Hindi rin naman ganoon katagal nang mapagtanto kong may gusto nga ako kay Hans. By the second na naging malapit kami sa isa’t isa, pakiramdam ko talagang mayro’n ng kakaiba. At simula noong gabing ‘yon, noong gabing tumawag siya na nagpaudlot sa katangahang gagawin ko na sana, mas naramdaman ko sa sarili ang kagustuhang mabihag niya.

There’s just something that reels me in towards him.

“Asa’n ka? Wala ka kasi sa apartment. Binilhan kasi ulit kita ng isaw,” iyan ang boses na lumapat sa akin noong sagutin ko ang tawag niya. He snapped me out of jumbled thoughts and by then, he sorted out my jumbled feelings.

“Gusto ko si Hans.”

Nalaglag mula sa kutsara ang kanin at ulam na sinandok ni Kris habang nakatiwangwang ang bukas na bunganga sa ere. Nanlaki ang kaniyang mga mata at animo’y tunay na natigilan sa aking sinabi.

“Parang timang,” komento ko bago dumulog sa aking pagkain.

She chuckled, “Sorry naman.” Tumuloy siya sa pagkain ngunit hindi siya lumihis sa pinag-uusapan namin.

“Pero alam mo, ang sasabihin ko sana ay ‘I knew it! I knew it!” natatawa-tawa niyang sabi.

“Oo na, oo na,” pagsuko ko.

“E kasi naman sister. Halata naman kasi talaga. Sa sobrang close niyo, kulang na lang magkiss-kissan kayo.”

“Hoy! Laswa mo. Magkiskisan ka diyan!” puna ko sa kaniya.

“Anong malaswa? Kiss-kissan ang sinabi ko as in kiss-kiss na halik-halik,” aniya sabay nguso na tila nanghahalik.

Kumunot ang aking noo at saka siya inilingan sa kahibangang ipinamamalas.

“Sister, ito ha. I think you fit together kasi ang cute niyong tingnan,” puri niya.

“Talaga?” mangha kong pagpapadala.

“Oo. Mukha kayong magtatay—Aray!” binawi ko sa isip ang aking sinabi nang batukan ko siya. Loka-loka talaga ‘tong best friend ko.

“Incest ha? Incest?” iritable kong tanong. Tinawanan naman niya ako. Ang dali kong utuin, sobra.

“Pero sister, dito tayo sa seryosohan,” pagbalik niya sa katinuan. “Handa ka na bang pasukin siya.”

Okay, binabawi ko ulit na bumalik siya sa katinuan.

“Gaga ka talaga ano?” ambang babatukan ko ulit siya nang kaagad niyang naiharang ang pareho niyang braso.

“Pasukin. I mean, pumasok sa isang relationship ulit pero with Hans,” depensa niya kaagad na natatawa-tawa pa rin.

Tumikhim ako at ibinaling na lang ang sarili sa pagkain.

“What if distraction mo lang pala talaga siya from Matt? Mahirap ‘yon,” seryoso niyang sabi. Sabi ko na nga ba may pa-‘What if’ na naman siya sa ‘kin. Doon talaga ako nakakapag-isip nang masinsinan.

“No,” maikli kong sagot.

“Hindi mo ako mapi-please sa ‘No.’ Explain,” aniya sabay titig sa ‘kin.

“Sure, may part pa rin sa ‘king iniwan si Matt pero…”

“Pero?” pag-uudyok pa niya sa ‘kin. I sighed.

“With Hans, kusa ko na lang siyang nalilimutan. As if hindi talaga siya nag-exist sa buhay ko. Tinulungan ako ni Hans mag-move on and along the process, hindi ko napapansin ang sarili ko na nahuhulog na rin sa kaniya,” buong-puso kong tugon. Hindi ko alam kung saan ko napulot ang mga salitang aking nasabi. Kusa na lang itong nabuo pagkalabas na pagkalabas ng mga iyon sa aking mga labi.

Daylio: How Are You? (LGBTQ+) [Published as "Dayloh" under Paperink Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon