EPILOGUE

185 28 0
                                    

HANS

The warm breeze started to linger around as I set foot on the cemetery grounds.

Dala-dala ang isang bouquet ng bulaklak at isang mini cake ay naglakad-lakad ako sa palibot ng sementeryo upang hanapin ang pinaglibingan kay Allen. Nang matapat ako sa lilim ng punong akasya ay alam kong sa tapat na niyon ang lugar.

Tahimik akong naglakad sa malamig na damuhan patungo sa lapida kung sa’n nakaukit ang pangalan ni Luv. Nang makarating ay kaagad akong nagtirik ng dalawang kandila bago naupo sa tabihan nito.

“Hello, Luv. Na-miss mo ba ako?” pagkausap ko sa kaniya kahit alam kong wala na akong maririnig na sagot.

Ngumisi ako.

“Happy second monthsary, Luv,” bati ko sabay baba ng bouquet ng bulaklak sa kaniyang tabihan. “Alam ko. Pamilyar yung bouquet. Ginamit ko ulit yung ginamit mo sa paggawa ng chocolate bouquet para sa ‘kin. Tinulungan ako ni Ielle mamili at mag-ayos ng mga bulaklak. Sana magustuhan mo.”

Tanging pagaspas ng hangin ang tumugon sa ‘kin.

Walang masyadong tao sa sementeryo kaya halos solo lang din kami ni Allen dito.

Napabuntong ako ng hininga.

“Heto oh. May dala akong cake. Mocha flavor. Paborito mo ‘to, eh,” banggit ko habang binubuklat ang dalang cake. “Kain tayo.”

Humiwa ako ng kapiraso ng cake at ipinatong ito sa kaniyang lapida, umaasang kakain din siya kasabay ko.

“Alam mo ba, proud ako sa ‘yo. Rank two ka pala sa buong batch natin, eh. Sayang lang at hindi na kitang umakyat ng stage,” kuwento ko sa kaniya. “Sobrang proud nina tita at tito sa ‘yo. Pati nga sina mama at papa natutuwa sa ‘yo.”

Inisip ko na lang na katabi ko talaga si Allen ngayon at nakikinig sa lahat ng aking sinasabi.

“Umamin na rin ako sa kanila na boyfriend kita. Grabe, it was a rollercoaster ride, I tell you,” galak kong kuwento. “Sobrang saya rin ni Ielle nung nabasa niya yung message mo para sa kaniya.”

My soft smile started to fade. Bigla ko na namang naisip ang lahat ng masasayang alaalang meron kami na hinding hindi na mauulit.

“Naalala mo ba yung panahong lumabas tayo kasama sina Ielle, Gerald, Danzel, at Anthony? Tapos nairita ako kasi nagkamali yung bigay na order sa ‘kin tapos sobrang tagal mag-serve doon sa kinainan natin. Ikaw lang yung nagtiyaga na aluin ako no’n,” pagbabalik-tanaw ko. “Tapos habang naglalakad tayo sa tabing-kalsada, sinabi mo sa ‘kin na kung pa’no kung nahagip ka ng bus o truck tapos magkahawak-kamay tayo. Tapos sabi mo yung kalahati lang ng katawan mo yung matitira sa ‘kin. Kainis ka kaya no’n. Ang sama mo mag-joke.”

I started to giggle to avoid my tears from falling out.

“Tapos yung nasa Lafang tayo tapos biglang buhos si ulan. Pinagamit mo sa ‘kin no’n yung hoodie mo na oversized para sa ‘kin tapos tuloy sugod tayo sa ulan para lang makauwi tayo. Ang sweet mo no’n,” tuloy-tuloy lang ako sa pagkuwento.

Napalingon ako sa kaniyang lapida. Nandoon pa rin yung cake na ipinatong ko.

Pilit ulit akong ngumiti bago pinagmasdan ang mga ulap na naglalayag sa kalangitan. Huminga ako nang malalim na siyang nagdulot ng unang patak ng aking luha.

“Tapos yung mga panahong mauupo lang tayo nang ganito sa hardin ng school para lang pagmasdan ang kalangitan tapos bigla mo na naman akong susundutin sa pisngi.” Nagsimulang mamalat ang aking boses. “Gusto ko na ulit maramdaman yung pagsundot mo sa pisngi at tagiliran ko, lalong-lalo na yung mga kiliti at halik mo.”

May lumitaw na saranggola sa kalangitan na siyang sinundan ko lang ng tingin. Kumabig ang aking kamay sa aking dibdib. Doon ko nakapa ang parehong pendant ng dalawang kuwintas na aking suot.

Isang virgo.

Isang gemini.

Pinagtagpo sa liliw ng iisang buwan.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata habang dinadama ang mainit na hangin sa aking balat.

“Allen, miss na kita. Balik ka na.”

Daylio: How Are You? (LGBTQ+) [Published as "Dayloh" under Paperink Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon