Chapter 3

7 1 0
                                    

For a month nagpabalik balik ako sa panahon na iyon. Eveytime matulog ako sa kama ko sa totoong panahon ko, gumigising ako sa makalumang lugar, bumabalik ako sa taon kung saan siya nanggaling.

Lagi kameng nagkikita ni Nicolas kung saan kameng unang nagka-usap, nagkita, at nagkasama. 

Ngayon andito nanaman ako at ngayon espesyal na araw ko, nag celebrate na ako kasama sila daddy, ngayon gusto ko naman mag celebrate kasama si Nicolas, kahit hindi na handaan o kainan, gusto ko lang naman mamasyal sa lugar nilang kasama siya.

Yung kame lang dalawa.

Madami ang nangyari sa nakalipas na buwan, madami akong nalaman tungkol sakaniya at 'di inaasahang dumating, bumalik at nagpakilala.

Nandito kame ngayon naglalakad-lakad sa tulay, inaalala ang una naming pagkikita.

"Naalala ko pa nung malapit ka ng magpakamatay," patawa tawang sabi ko habang tinitingnan ang eksaktong lugar kung saan binalak niyang tumalon noong mga panahong iyon.

"Buti na lang dumating ka," seryosong wika ni Nicolas na nakangiting nakatingin saakin ng lingunin ko. "Ah ang ibig kong sabihin, kung 'di ka dumating siguro bulok na ako sa ilog." patawa tawang wika ni Nicolas na binabawi ang tingin.

Napatawa na lang ako ng mahina kahit na medyo awkward para saakin.

"Ah, kaarawan mo pala ngayon," wika ni Nicolas sabay may kinuha sa bulsa niya."Yan lang nakayanan ko sa ngayon kaya sana magustuhan mo," wika nito habang inaabot ang kuwintas saakin. "Stainless ang 'yan pero sana magustuhan mo," muli niyang wika na 'di makatingin ng maayos saakin.

Ang cute niya.

Wala sa sarili akong napatawa dahil sa naisip ko. Well, totoo naman.

"Maganda kaya," wika kong napatitig sa necklace.

Angganda ng pendant, maliit na star.

"Pwede mo bang isuot ito saakin?" tanong ni Xin na pinapabaling-baling ang tingin sa kuwintas at kay Nicolas.

"Sige,"masayang tugon ni Nicolas kay Xin. Nasiyahan ito dahil nagustuhan ni Xin ang kuwintas, akala niya kase 'di nito magugustuhan ang binili niya.

Isinuot ni Nicolas ang kulay ginto na kuwintas kay Xin. Bumagay naman ito sa dalaga dahil sa porselana ang balat nito.

"Ayan," sambit ni Nicolas na tuluyan niya ng maisuot sa leeg g dalaga ng kuwintas.

"Bagay ba?" tanong ng dalaga sa binata, nag-aalala na baka 'di bagay tingnan sa kaniya.

"Angganda," nakatitig sa napakagandang mukha ng dalaga na sambit ng binata. 

"Totoo?" nag-aalinlangan, 'di alam kung papaniwalaan ang sinabi ng binata. Pero imbes na sagutin ang nag-aalinlangang dalaga ay inakbayan na lang ng binata ang dalaga.

"Maganda ka kaya lahat bumabagay sa'yo," hindi nakatingin sa dalaga na sambit ng binata na mas along nagatibo sa nananahimik na uso ni Xin.

Xin come back to your senses.

Pero kahit anong sabihin niya sa sarili ay 'di niya arin maiwasang mapangiti at kiligin.

Oo, kiligin hindi lang dahil sinabihan siya nitong maganda kundi gusto niya na ito at sa bawat oras na simpleng magkasama lamang sila ay parang may mga paruparo na naglilipad lipad sa tiyan niya. 

PAGkadating namin sa bahay nila Nicolas parang tumigil bigla ang mundo ko sa pag-ikot ng may isang napakagandang babaeng kumaripas ng takbo para hagkan si Nicolas.

Born in a New GenerationWhere stories live. Discover now