Epilogue

9 2 0
                                    

"Anak, Xin lumabas ka diyan, may bisita tayo," tawag ng papa ni Xin sa kaniya.

Malumanay siyang gumalaw dahil ginising nanaman siya nito mula sa pagkakatulog niya.

Pagbaba niya ng hagdan ay nakita niya ang pamilyar na mukha ng isang lalake, kasama nito ang mukhang asawa niya at isang lalakeng anak at mukhag kasing tanda ko pa ang anak nito.

"Magmano ka sa Tito Nicolas mo at sa asawa niya," uto ng papa niya sa kaniya na ikinagulat niya. 

"K-kaano ano mo po siya pa?" tanong niya sa papa dahil sa gulat.

"Ah kaklase ko siya noong college ako, kasama niya anak niya, gusto kong maging magkasundo kayo ng anak niya huh," wika nito kay Xin.

 Nagmano si Xin kay Nicolas at sa asawa nito kahit na naguguluhan parin at nagugulat.

"Napakabuting bata," ngiting sambit ni Nicolas habang nakatingin sa nagmamano na si Xin, tinugunan lamang siya ng pagkatamis tamis na ngiti ni Xin pero makikita parin ang lungkot sa mga mata ng dalaga.

"Sige maupo kayo," aya ng papa ni Xin sa kaibigan at pamilya nito.

Nagpasalamat naman si Nicolas at pamilya nito ngunit 'di po man nag-iisang minuto ang pagkakaupo nito ay nakatanggap agad ito ng tawag galing sa kung sino at lumabas ng bahay upang sagutin at kausapin ang tumatawag mula sa telepono nito.

Nais na lapitan ni Xin si Nicolas ngunit nag dadalawang isip siya dahil 'di na ito kapareho ng unang pagkikita nila.

Gwapo parin siya, maganda parin ang pangangatawan.

Nasa loob si Xin na pinagmamasdan si Nicolas habang may kausap sa telepono ng makita niyang wala na itong kausap at nilagay na sa bulsa ang telepono ay agad niya itong nilapitan.

Niyaya ni Xin si Nicolas na maupo sa bench sa tabi upang makapag-usap sila ng maayos.

"Ako nga po pala si Xin," pagpapakilalang muli ni Xin kay Nicolas sa pangalawang beses pero magkaiba ng sitwasyon.

"Ahh Xin," masayang paguulit ni Nicolas sa pangalan ng dalaga. "Alam mo may kapangalan kang kakilala ko noon, kamukhang kamukha mo rin siya," sambit nito na naging dahilan upang gumuhit ang ngiti sa labi ni Xin ngunit lungkot naman sa mga mata nito.

Mahinhin na lang siyang napatawa dahil 'di niya alam ang gagawin.

"Angganda po ng asawa mo," pagpuri niya sa kagandahan ng asawa ng lalake.

"Gwapo rin naman ako ah, bakit asawa ko lang binati mo?" kunyaring nagtatampong tanong ni Nicolas kay Xin.

Muling napatawa si Xin, dahil sa kuryosidad ay 'di niya napigilang tanugnin si Nicolas kung paano nito nakilala ang asawa.

"Una ko siyang nakita doon sa amin, isa siya sa mga sumilap noong niligtas ako ng mga kapit-bahay ko, nagandahan ako sa kaniya pero nung una, 'di ko siya nagustuhan kase mayroon pa ako ibang baabeng iniibig sa mga araw na iyon, pero 'di ko pinigilan ang sarili kong kilalanin siya hanggang sa napapalapit nsa siya saakin, minahal ko siya pero yung pagmamahal ko para sa babaeng una kong nagustuhan, hindi pa nawawala," kwento nitong nakatingin sa kung saan.

"Ano po palang nangyari?" tanog nito kay Nicolas dahil nais niyang malaman kung bakit kailangan siyang iligtas ng mga kapit-bahay nito.

"Aahhh sinubukan ko kasing magpakamatay, wag mo kong gagayahin huh," tatawa tawang sabi nito kay Xin at tango lamang ang naging tugon ni Xin. "Mayroon kasi akong baabeng napupusuan noon, una kaming nagkita sa may tulay, kaya sa mga susunod na araw doon kami laging nagkikita, doon laging nagsisimula ang araw naming magkasama, nung una naiirita pa ako sakaniya kase pinigilan niya akong magpakamatay, magtiwala lang daw sa Panginoon nasabi niya pang naramdaman niya na rin daw yung nararamdaman ko sa mga panahon na iyon, nung una akala ko nagsisinungaling lang siya pero totoo pala lahat ng yun," kwento nitong napapatawa pa ng maalala lahat ng nangyari kasama si Xin sa mga panahon na iyon. "Aahh kapangalan at kamukhang-kamukha mo pa yung babaeng iyon," sambit nitong napapatawa, napatitig si Nicolas sa kuwintas na suot ni Xin, nang mapansin iyon ni Xin ay hinimas niya ang pendant ng kuwintas nun. "Pasensiya na, ganong ganon rin kase yung itsura ng kuwintas na niregalo ko sakaniya nung kaarawan niya."

Kung alam mo lang Nicolas, kung alam mo lang na ako nga siya.

"Hanggang sa bumalik si Osphenia, kaarawan niya mismo noon, nasaksihan niyang hinagkan ako ni Osphenia, ayaw kong makita niya yun pero wala akong nagawa, hindi niya man sabihin pero alam ko ring nakita niyang hinalikan ako ni Osphenia, nagulat pa nga ako noon eh," tuloy ni Nicolas na mas lalong nagpagulat kay Xin.

Akala ko naghahalikan talaga sila that time.

"Nasaksihan kong lumuluha siya sa likod ng pader pero nagpanggap akong walang nakita, nung dali dali siyang umuwi, sinundan ko siya kase nag-aalala ako baka anong mangyari sakaniya, madilim na rin kase sa daan, pero tumigilsiya sa paglalakad sa may tulay, nakasilip ako sakaniya sa mga oras na iyon, nasa likod ako ng isa sa mga puno doon, 'di niya alam iyon, narinig ko pa nga na sinigaw niyang gusto niya ako," napapatawang sabi niya."Nagpanggap ako na parang walang alam, muli ko siyang nakita noong kaarawan ko, 'di ko alam iyon  pala ang huli," biglang nalungkot na kwento ni Nicolas kay Xin. " Huli ko siya nahawakan noong niligtas ko siya kase tinulak siya ni Osphenia sa tulay, pagkatapos kong kausapin si Osphenia bumalik ako sa bahay ko kung saan pinagpahinga ko siya, pagsilip ko sa kwarto ko wala na siya doon," malungkot na kwento ni Nicolas na mas lalong nagpalungkot sa nararamdaman ni Xin.

"Nagpabalik balik ako sa tulay umaasang makikita ko siyang muli sa doon, pero tumanda na lang ako 'di ko parin siya muling nakikita kaya tinigilan ko na lang, tutal andiyan na rin naman yung asawa ko," pinapatatag ang loob na kwento ng lalake.

"Malungkot po pala," gaya ng ginagawa ng lalake ay pinapatatag rin ng dalaga ng loob para 'di maluha sa harapan ng binata. nais niyang sabihin ang totoo ngunit sino namang maniniwala sakaniya tsaka ayaw na niyang guluhin pa ang relasyon ng mag-asawa.

"Tito," tito, nalungkot si Xin ng tawagin niya ang lalakeng iniibig sa ganong paraan ngunit hindi niya it pinakita. "Bakit natin minamahal ang mga taong alam naman nating 'di pwedeng maging atin?" matagal na itong gustong tanungin ni Xin, ngayonlang siya nakahanap ng pagkakataon.

"Hmm," ungol nito habang napapaisip sa isasagot."Tao lang rin tayo, ginawa tayo para mahalin ang lahat ng bagay na nakapaligid sa atin, gusto natin ang kiligin, napapamahal tayo minsan sa mga taong alam nating hindi pwedeng maging atin," at yung ang sagot ni Nicolas sa tanong na matagal ng bumabagabag sa aking isipan.

"Nicolas, mahal tara na sa loob," tawag ng asawa nito kay Nicolas at nginitian naman ng asawa ni Nicolas si Xin.

"Ikaw Xin iha pumasok na tayo sa loob," aya nito kay Xin.

"Mauna na po kayo," tugon na man nito.

"Sige," tugon ni Nicolas na sinagutan ng simpleng tango at ngiti ni Xin.

Sa pag-alis ni Nicolas ay naramdaman ni Xin ang pag-iisa.

'Di niya napigilan ang sarili sa pag-iyak, ito na lang ang ating paraan na naiisip niya para ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.

WALA NA TALAGA

DITO NA MAGTATAPOS ANG ISTORYA NAMING DALAWA, HINDI NA MADUDUGTUNGAN PA DAHIL 'DI NA TALAGA AKO ANG PARA SA KANIYA.

Born in a New GenerationWhere stories live. Discover now